623 Depende sa iyong pagsasagawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinitigan ni Ye Mu Fan ang kwarto sa puwang sa kurtina. Sa susunod na segundo, lumitaw ang pigura ng lalaki at babae sa kanyang mata nang walang babala.

Marahas na hinagis ni He Jun Cheng si Shen Meng Qi sa kama. Mahina siyang umungol at madaling sumunggab sa katawan ni Shen Meng Qi, muling nag-umpisa ng panibagong pananakop...

Habang patuloy naman sumisigaw sa galak si Shen Meng Qi...

Tinignan ni Ye Mu Fan at malinis at inosente na si Shen Meng Qi sa ilalim ni He Jun Cheng; tuluyang naging blanko ang mukha niya habang parang sumabog naman ang utak niya. Hindi niya naiitindihan ang nakikita niya.

Sa tabi niya, malamig na sinabi ni Ye Wan Wan, "Ye Mu Fan, tignan mo ito maigi… ito ang pinakamamahal mo… ang tinatawag mong inosente at mabait na babae...

Sa kama, nagsalita si He Jun Cheng habang gumagalaw, "Meng Qi, kamusta? Magaling ba ako? Mas magaling ba ako sa walang kwentang talunan na si Ye Mu Fan?"

"Pilyo ka, sinabi ko na hindi ko hinayaan si Ye Mu Fan na hawakan ang daliri ko!"

"Hng, wala namang karapatan ang lokong 'yon na hawakan ka! Nag-aalala lang ako na baka sumobra na ang pag-aarte mo - hindi man lang siya nagdawalang-isip na nakawin ang kumpidensyal na impormasyon mula sa pamilya niya para sa 'yo!"

Magkasosyo lang sina Shen Meng Qi at He Jun Cheng sa sex at wala sa tunay na relasyon, kaya wala siyang dapat itago dito. Pumiksi siya. "Haha, sumobra ang pag-arte? Nadudugyutan ako sa tuwing nakikita ko ang walang silbi na 'yon - bakit naman mapapasobra ang pag-arte ko?! Kung wala ang mga Ye, wala lang siya. Ligaw na aso lang siya!"

"Para lang mapalapit sa kanya noon, kailang ko maging mabait sa b*tch na si Ye Wan Wan at tiisin ang kalokohan niya. Sinong mag-aakala na wala ding kwenta si Ye Shao An, sinayang niya lang ang oras at lakas ko! Basura ang buong pamilya na 'yon!"

Nang marinig ang mga lumabas sa bibig ni Shen Meng Qi, bumilis ang paghinga ni Ye Mu Fan. Namamanhid ang isip niya at kumitid ang kanyang mga mata.

Imposible ito...

Imposible...

totoo ang lahat ng ito...

HINDI ITO TOTOO!!!

Narinig niya lang ang pagtawa ni He Jun Cheng. "Haha, pero malas din iyon - buti na lang may silbi sa atin ang walang silbi na lalaking 'yon. Kung malaman ko agad, tinaas natin ang presyo ng 78 million at 1 sentimo - makakatipid pa tayo ng $100,000! $100,000! Tingin ko kapag binenta natin ang basurang 'yon, hindi tayo makakakuha ng $100,000!"

"En… en…'wag mo nang pagkatuwaan ang pagkamalas niya… kung gusto siyang ipakulong ng mga Ye… tignan ko na lang kung ano ang mangyayari sa 'yo… lahat ng trabaho mo ay ginawa niya…"

Bahagyang nagbago ang itsura ni He Jun Cheng. "Bwisit, nakalimutan ko 'yon! Kapag nakulong siya, sinong magtatrabaho para sa akin?!"

Kasuklam-suklam na ngumiti si He Jun Chen. "Pilya, may plano ka, ano?"

Ngumiti si Shen Meng Qi. "Hindi ko sasabihin sa 'yo…"

"Heh, hindi mo sasabihin sa akin?" gumamit pa ng pwersa si He Jun Cheng sa kanya. "Sasabihin mo ba akin? Sasabihin mo?!"

"Ah… sige… sasabihin na… sasabihin…" namumula ang mukha ni Shen Meng Qi at masiglang sinabi, "Simple lang naman! Papauwiin ko si Ye Mu Fan at kukumbinsihin ang tatay niya, si Ye Shao Ting, na kunin ang bintang - hindi ba maayos ang lahat? Gagawin niya kung anong sasabihin ko!"

"Magandang ideya! Perpekto! Kailangan mong tandaan na tulungan siyang i-monitor ang progreso niya sa pagdisenyo ng mga costume sa bagong palabas - umaasa ako doon na makapanalo ng award!"

Malambing na humiga si Shen Meng Qi sa dibdib niya. "Nakadepende pala 'yan sa pagsasagawa mo…"

avataravatar
Next chapter