526 Date

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang pakikipag-usap kay Xu Yi, nagpunta sa itaas si Ye Wan Wan.

Ang sandaling siya ay pumasok sa kwarto, nagsimulang hindi mapigilan na mapasigaw si Ye Wan Wan kay Si Ye Han: "bumalik na ako… bumalik ako matapos mapuno ng pagkain ng aso ang tiyan ko! Gaya ng inaasahan, kailangan ko magbayad dahil sa pag iisip ng ideyang ito Ang siraulong si Chu Feng ay gusto lang makakuha ng limited edition na album para kay Yan Ran mula sa assistant ni Han Xian Yu, naniniwala ka doon? Nag-aalala ako para sa wala!"

Napabulalas si Ye Wan Wan ng mapad-pad ang kanyang tingin sa bagay na hawak ni Si Ye Han at siya ay napasimangot. "Bakit mo tinitignan ulit ang mga dokumentong iyan?"

Inilapag niya ang mga nakasanlan na mga kontrata. "Tinitignan ko lang."

Hindi na nakapagsalita si Ye Wan Wan. "wala ka bang pinagkakaabalahan maliban sa trabaho?"

Matagal na niyang gustong itanong ang katanungang ito.

Seryosong pinag-isipan iyon ni Si Ye Han ang tungkol dito saka sinabi, "pinagkakaablahan?"

Tumango si Ye Wan Wan at nagbigay ng maraming halimbawa: "Oo, katulad ng pagkanta, pakikinig ng kanta, swimming, soccer o kahit golf? Dapat mayroon ka pang ibang bagay na gustong gawin maliban sa pag tatrabaho, diba? Isa itong bihirang pagkakataon para sayo upang magpahinga at magpagaling, kaya bakit hindi ka gumawa ng ibang bagay na nakakarelaks?"

Tinignan ni Si Ye Han ang babae ng kanyang malalim na tama at sumagot, "wala akong ibang gagawin."

Nasamid si Ye Wan Wan at naiwang hindi makapagsalita. Ang kanyang munting mukha ay nandilim.

Bakit pinipilit ng lalaking ito na tapusin ang usapan?

Galit na pumunta si Ye Wan Wan at hinablot ang kanyang braso. "Samahan mo pala ako! Halika manuod tayo ng pelikula! Hindi mo ba napansin na hindi pa tayo nanunuod ng pelikula simula ng maging tayo?"

Hindi lang basta pelikula - hindi pa nila nagagawa ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga magkasintahan.

Inaalala ang kanyang dating buhay, siya ay talagang kaawa-awa. Kahit na siya ay kasal na kay Si Ye Han, ang kanilang relasyon ay masahol pa sa mag-kaaway. Walang pag-asa na gawin ang lahat ng ginagawa ng mga magkasintahan.

"Kumain na tayo sa labas, kahit na may naiisip ito… pumunta tayo sa mga palabas ngayon! Yung tayong dalawa lang!" sabik na minungkahi ni Ye Wan Wan.

Tumingin si Si Ye Han sa nagniningning na mata ni Ye Wan Wan na may pagkasabik, ngunit wala itong sinabing kahit na ano.

Bahagyang kinununot ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Ano iyon? Ayaw mo?"

"Natatakot ako na baka mainip ka," sagot ni Si Ye Han.

Napahinto si Ye Wan Wan. natatakot na mainip ako?

Natatakot na mainip ako… nang kasama ko siya?

Kumurap si Ye Wan Wan at bumulong sa kanyang sarili, "alam mo pala talaga na ikaw ay boring…"

...

Sa bandang huli, nagawa pa din ni Ye Wan Wan nahilahin si Si Ye Han palabas ng pintuan.

Katapusan ng linggo nito at panahon ito para lumabas - ang sinehan ay punuan ng tao.

Nagtingin-tingin si Ye Wan Wan sa paligid at sa wakas ay nakahanap ng bakanteng upuan saka hinila si Si Ye Han. "umupo ka dito at hintayin mo ako. Kukuha lang ako ng ticket."

Kahit na sadyang nakadamit ng pormal si Si Ye Han at kaswal, nanatili pa din siyang nakaupo sa madaming tao.

Nagmadaling pumila si Ye Wan Wan at kumuha ng ticket.

Nakakuha na siya sa wakas ng ticket at tumakbo pabalik kay Si Ye Han. "anong gusto mong inumin? Bibilhin ko! Gusto mo ba ng popcorn?

Si Ye Han: "Kahit ano."

Ye Wan Wan: "Sige! Ako na pipili!"

Si Ye Han: "En."

Saka muling pumila si Ye Wan Wan upang kumuha ng inumin at popcorn saka pumunta sa ibang istasyon para kumuha ng meryenda…

Humarap si Si Ye Han sa mga taong nakapila at napagtanto na halos lahat ay mga lalaki, ngunit may mga buhat na mga bagay si Ye Wan Wan at tumatakbo kung saan-saan…

Saka lang napagtanto ng walang emosyon na great devil na tila hindi tama ang nangyayari.

avataravatar
Next chapter