187 Damay kahit na nakahiga lamang siya sa kabaong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kakaiba ang paligid pagkatapos ng rehearsal.

Bukod sa pagtitig ni Si Xia kay Ye Wan Wan, hindi gumawa ng kahit anong masama si Si Xia kaya hindi rin napilitang magalit si Ye Wan Wan sa kanya.

Sa wakas, natapos na din ang rehearsal ni Ye Wan Wan at habang naghahanda siyang umuwi, biglang nahimatay si Si Xia pagkatapos ng rehearsal ng kissing scene.

"Si Xia-----"

"Ah! diyos Ko! Hinimatay si Si Xia!"

"Maghanap kayo ng saklolo!"

May mga nagsisisigaw at naghihiyawan sa sobrang takot. Nagkagulo at dinumog ng maraming tao si Si Xia.

Hindi nakaimik si Ye Wan Wan at naramdaman niyang kasalanan niyang nangyari ito.

Ano na naman ang nangyari sa lalaking ito?

Nakahiga si Ye Wan Wan sa crystal na kabaong at sinubukan niyang tingnan si Si Xia sa pagitan ng nakadumog na mga tao. Nakita niya na maputla, nakabaluktot at nakahiga sa lapag si Si Xia habang mabigat siyang humihinga.

Nabigla si Ye Wan Wan. Mukhang hindi niya pinepeke ito...

"Ay, diyosko! Anong nangyari kay Si Xia? Okay naman siya kani-kanina lang ah--bakit bigla siyang nagkaganyan?"

"May asthma attack si Si Xia!" Sagot ng kabadong si Cheng Xue.

"May asthma si Si Xia? Dalian niyo, tingnan niyo kung may dala ba siyang gamot!"

"Naghanap na ko, pero wala siyang dala! Matagal nang panahon bago pa siya magka-asthma attack, bakit ngayon ito nangyari ulit?!"

"Punyeta! Tinatanong pa ba 'yon? Dahil siguro kay ugly freak na si Ye Wan Wan, tinakot niya si Si Xia! Dali, dalhin niyo siya sa nurse!"

Habang nasa gilid si Ye Wan Wan: "..."

Um, excuse me lang, paano ako nabanggit sa usapan kahit na nakahiga lang naman ako sa kabaong?

Habang nagkakagulo, si Cheng Xue at ang iba pang babae ay nagmadaling dinadala si Si Xia sa school nurse.

Ngunit, may malakas na "pa" ang bumalot sa ere.

Tinulak palayo ni Si Xia ang mga kamay ni Cheng Xue. Naghahabol siya ng hininga habang nakatingin ang naghihirap ngunit lumiliwanag niyang mga mata kay Ye Wan Wan, "Wan Wan.. Wan Wan… piliin mo ako…"

Punyeta! Yan na naman siya?!

Nanigas ang mga kamay ni Cheng Xue at makikita sa kanyang mga mata ang lungkot habang nasisilayan si Ye Wan Wan.

Noong una, wala namang pakialam si Cheng Xue kay Ye Wan Wan. Normal sa mga tulad ni niyang mga babae ay magselos lamang. Sinong may alam kung anong ginawa ng ugly freak para humanga at magkagusto sa kanya si Si Xia!

Sinampal na naman ng katotohanan si Cheng Xue habang tinitingnan sila ng mga tao. Noong una, mahalimuyak pa ang kanyang itsura at ilang sandali, bigla siyang namutla. Matagal pa bago niya nilunok ang namumuong galit sa kanya, masama niyang tiningnan si Ye Wan Wan, "Ugly freak! Hindi mo ba narinig? Tinatawag ka ni Si Xia!"

Sumabat ang mga sidekick ni Cheng Xue, "Dalian mong pumunta dito! Kung hindi dahil sayo, bakit babalik ang asthma ni Si Xia?"

At dahil dito, nagsimula silang lahat na sisihin si Ye Wan Wan.

Kahit na alam niyang inosente siya, natandaan niya bigla na ang taong may asthma ay hindi pwedeng mag-exercise ng sobra at bawal ring magkaroon ng mabigat at pa-iba-ibang emosyon.

Nalaman niya kay Cheng Xue na matagal nang panahon na noong umatake muli ang asthma ni Si Xia, bukod pa sa malubhang pagbalik nito ngayon. Bumalik ba ito dahil...nagulat siya sa nangyari kagabi?

Gayunpaman, simula pa ng araw na ito may mali na talaga kay Si Xia. Parang walang direksyon ang isip niya tila may malalang nangyari na ikakagulat niya.

Uh...

Sa ganitong pag-iisip ni Ye Wan Wan, naramdaman niyang kasalanan niya nga nangyari.

Hirap na hirap si Si Xia huminga at dumarating na sa puntong mamamatay na siya, hindi na atubili si Ye Wan Wan at mabilis siyang tumalon palabas ng crystal na kabaong, binuhat ang braso ni Si Xia at tinulungan siyang tumayo...

avataravatar
Next chapter