670 Dalhin ako kahit saan man siya magpunta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang nakakainis lang ay mahilig magbiro si Han Xian Yu sa pagtanong na maging manager niya si Ye-ge.

Maayos pa naman si Luo Chen, pero si Han Xian Yu… hindi ako mapagkukumpara sa kanya!

Alam niya kung gaano hinahangaan ni Ye-ge si Han Xian Yu!

Buong-buo ang lalaking iyon at mayroong malaking reputasyon.

Kapag naagaw si Ye-ge ni Han Xian Yu, ano na lang ang mangyayari sa akin?!

"Pst psssst--" habang lumabas is Ye Wan Wan para sunduin si Han Xian Yu, gumawa ng mga kakaibang tunog si Gong Xu kay Luo Chen. "Ul*l, halika dito!"

Mapaghinala siyang tinignan ni Luo Chen.

Hinila siya ni Gong Xu at bumulong sa kanyang tenga, "Sobrang masigasig si Han Xian Yu kay Ye-ge. Tingin mo gusto niya kunin si Ye-ge?"

Kumunot ang mga kilay ni Luo Chen. "Magkaibigan lang sila."

"Bakit ba masyado kang walang muwang?! Balang araw, kapag iniwan ka ni Ye-ge, tignan ko kung anong gagawin mo!" sinubukan siyang hilahin ni Gong Xu bilang isang kakampi.

Ang kalaban ng kalaban ay kaibigan mo, 'di ba?

Tumigas ang itsura ni Luo Chen, "Hindi 'yon gagawin ni Ye-ge."

Gong Xu: "Sino ka para isipin na hindi niya gagawin 'yon? Tingin mo may laban ka kay Han Xian Yu?"

Luo Chen: "Nangako si Ye-ge sa akin noon - hangga't handa akong sundin siya, dadalhin niya ako kung saan man siya magpunta."

Nagulat si Gong Xu. Para bang may biglang sumaan na kidlat sa maliwanag na araw.

Talagang nangako si Ye-ge kay Luo Chen!

"Ah. Haha. Gong Xu. Congratulations, sikat ka na ulit!" Gulat pa din si Gong Xu nang biglang tumawa si Tang Xing Huo at umupo sa tabi ni Gong Xu.

Matapos na mailagay ni Wan Shanshan ang video sa Weibo, hindi na kailangan pang subukang pasikatin ang post o isangkot pa ang Internet Water Army.

Sa sandaling i-post niya iyon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga shares at comments.

Laging malaki ang larangan kapag pinapagalitan si Gong Xu; isa ito sa mga pinaka-nakakamanghang nangyayari sa entertainment industry.

Pagdating sa mga tao na kinasusuklaman ng lahat, siya lang ang nag-iisa na kinasusuklaman sa entertainment industry!

Wan Shanshan: [Sa una, gusto kong mapanatili ang katahimikan, pero may ibang tao talaga na mapang-api!] [Video]

Madaming mga nagagalit sa post sa Weibo.

[P*ta! Nakakainis naman ito! Bakit ba umiiral ang tangang katulad niya?!]

[Bobong kalokohan! Bakit ba may mga tao na gagamitin ang pero para manapak ng tao at nagagawa pang magpakita sa publiko? Nadudungisan ang lipunan sa mga ganyang tao!]

[Humngi ka ng tawad! Humingi ka ng tawad ka ng tawad kay Ling Shaozhe!]

[Magaling, Shanshan. Dapat binubunyag mo ang mga ganyang tao! 'Wag kang mag-alala! Nasa panig mo kami!]

[Gong Xu, kunin mo ang mga bobong mong tagahanga at umalis ka na sa entertainment industry!]

[Nagbibiro ka ba? Ang bobong ito, na si Gong Xu, may tagahanga? Hindi ba sikat lang siya sa mga gulong nasasangkutan niya?]

Nang makita na ang mga paghatol at sumpa sa online, pumalatak ang dila ni Tang Xing Huo. "Tsk tsk, isa kang tunay na tanker! Wala na tsart ang mga kapootan sa 'yo! Sa tuwing aatakihin ka ng publiko, talagang nagsisikap sila para atakihin ka ng sabay-sabay, ano?"

Nakita din ng iba na nasa pribadong silid ang video sa Weibo na nilagay ni Wan Shanshan at pinag-uusapan din nila ito. Alam ng lahat na walang paki si Gong Xu sa mga ganitong bagay, kaya kaswal lang nila ito pinagtawanan.

"Xu-ge, ang galing mo! Sa tuwing may post tungkol sa 'yo, ;aging nangunguna sa popularity board!"

"Baliw si Wan Shanshan o ano? May namamagitan kina Gong Xu at kay Ling Shaozhe, bakit siya nangingielam?"

"Baka siguro makakuha ng pabor, eh? Hindi naman inaabala ni Gong Xu ang tulad niya!"

Nangutya si Gong Xu. Sino ba siya? Bakit ako magkakaroon ng pake?!

Gayunpaman, nag-aalala pa din si Gong Xu at sumulyap sa drieksyon ni Ye Wan Wan. Nang makita na kinakausap niya si Han Xian Yu at mukhang hindi naman galit, naginhawaan siya.

Pero sabay nito, nakaramdam siya ng pagkawalang hindi niya pa nararamdaman noon.

Kapag si Luo Chen ang nakakatanggap ng mga ganoong komento, matagal nang may ginawang PR si Ye-ge, pero ngayon na siya ang nahahatulan… walang kahit na maliit na reaksyon man lang kay Ye-ge...

avataravatar
Next chapter