1098 Dalawang tulalang mga mukha

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinuha ni Chu Feng ang kamay ni Jiang Yan Ran at halos tumagos ang kanyang kamay sa sobrang diin ng pagkakahawak niya sa kamay ni Jiang Yan Ran. "Ye… Ye… Ye Bai! Anong sinasabi mo, Sister Wan Wan? Ikaw rin sj alias Ye Bai?"

Tiningnan siya ni Ye Wan Wan. "Hindi… isang Ye Bai lamang ang nasa kumpanya namin. Siya ang manager ni Gong Xu at Luo Chen, siya si Ye Bai."

"Huh…" lalong natulala si Chu Feng.

Magkaparehas ang reaksyon ni Jiang Yan Ran at Chu Feng. "Wan Wan, sinasabi mo ba na… ikaw si Ye Bai?"

Biglang na-ubo si Chu Feng. "Sister Wan Wan, niloloko mo kami, noh? Hindi ba't… lalaki si Ye Bai?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama. Naisipan ko na baguhin ko ang pagkatao ko, kaya pinalitan ko na rin ang kasarian ko."

Nagtinginan si Chu Feng at Jiang Yan Ran at makikita ang kaguluhan sa kanilang mga isip habang pinapakinggan nila ang mga walang bahalang salita ni Ye Wan Wan.

Magpapaliwanag pa sana si Ye Wan Wan ngunit naudlot ito dahil may isang kakaibang phone number ang tumawag sa kanya.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang kanyang phone. Numero iyon ng tiga-C City, kaya siguro isa iyon sa mga sundalo doon. Kinumpiska ang phones ni Luo Chen at Gong Xu dahil sumali sila sa espesyal na pagsasanay. Pampublikong phone ng base lamang ang gamit nila at hanggang limang minuto lamang ang tagal ng mga tawag nila.

"May sasagutin lang akong tawag," sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag.

Pagka-konekta ng tawag, maririnig ang nakakatakot na ungol si Gong Xu.

"Iligtas mo ako, Brother Ye! Iligtas mo ako! Gusto ko nang umuwi!!! Inaabuso nila ako—"

Masakit sa tenga ang pag-ungol ni Gong Xu, kaya rinig na rinig siya ni Jiang Yan Ran at Chu Feng na nasa tapat lamang ni Ye Wan Wan.

Nagulat si Jiang Yan Ran at may binulong siya sa sarili niya, "Bakit parang kay… Gong Xu ang boses na ito…?"

Lalong nilayo ni Ye Wan Wan ang kanyang phone. Gayunpaman, patuloy na walang kapararakan na umuungol at nagrereklamo si Gong Xu sa kabilang panig, kaya walang ideya si Ye Wan Wan sa sinasabi nito sa kanya.

Ginamit ni Ye Wan Wan ang panglalaki niyang boses at galit niyang sinabi, "Tumigil ka, tumigil ka! Kalma! Ano na naman ba ang problema? Hindi ba't okay ka noong umalis ako? Nangako ka na aayusin mo ang pagsasanay mo?"

Biglang napatingin si Jiang Yan Ran kay Ye Wan Wan at si Chu Feng naman ay parang nakakita ng multo, nang marinig nila ang boses ni Ye Wan Wan. "I-i-i-ikaw! Ikaw si Ye Bai!!! Hindi ba't ito anh bosee ni Ye Bai…."

Bilang mga matalinong diehard fans, alam nila kung ano ang boses ng idolo nila kahit na hindi masyadong nagpapakita si Ye Bai.

Umungol ulit si Gong Xu nang marinig niya ang boses ni Chu Feng, "Brother Ye, may ibang lalaki ka ba diyan?! May kinukuha ka bang bagong artista habang wala pa ako?! Sabi na eh! Alam kong gusto mong gamitin ang oportunidad na ito para abandonahin ako!"

Naubos na ang pasensya ni Ye Wan Wan dahil naramdaman niya na puputakan na naman siya. "Gong Xu! Tumigil ka na nga! Ibigay mo kay Luo Chen ang phone!"

Gong Xu: "Ayaw ko! Limang minuto lang ang oras na meron ako para kausapin ka, pero mas gusto mong si Luo Chen ang kukuha ng phone!"

"Tapos na ang oras mo." Narinig ang boses ni Luo Chen sa kabilang panig.

Luo Chen: "Brother Ye."

Kumalma na si Ye Wan Wan nang marinig niya ang boses ni Luo Chen. "Anong meron sa kanya? Kung hindi niya talaga kaya ang paghihirap ng pagsasanay, pwede kong tawagan si Instructor Lei na bawasan ang trabaho niya…"

Tahimik nh ilang segundo si Luo Chen bago siya sumagot, "Hindi iyon ang dahilan, Brother Ye…"

"Ano pala?"

"Ang pangit kasi ng mga pagkain nila dito."

Ye Wanwan: "… Huh?"

Gong Xu: "Brother Ye! Alam mo ba kung anong binigay nila sa akin na kakainin? Puro mantou at inatsarang mga gulay! Ano pa ba ito kung hindi torture?! Buong araw akong nagpakahirap at gusto ko sana ng masarap ng pagkain pagkatapos ng lahat, pero ayun pa ang nakita ko. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? Sobrang nadismaya ako…"

avataravatar
Next chapter