704 Dahil sayo, gumaganda ang mundong ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng matumal na katahimikan ang loob ng kotse.

Bumalik na ulit ang mailap, malayo at misteryosong awra ng lalaki.

Para bang hindi karapat-dapat at angkop na namumuhay ang nilalang na ito sa mundo.

Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung bakit, pero napagtanto niya na ayaw niyang nakikita ang malamig at manhid na pakiramdam sa mukha ni Si Ye Han.

Ngumiti si Ye Wan Wan at tiningnan niya si Si Ye Han. "Huwag ka nang masungit! Ano bang problema? Maging masaya ka naman - maraming napakagandang bagay sa mundo na pwede nating ikasaya!"

Natunaw sa madilim na gabi ang mga mata ni Si Ye Han. "Talaga?"

Kumuha ng kapirasong tsokolate si Ye Wan Wan sa kanyang at dahan-dahan niya itong nilagay sa bunganga ni Si Ye Han. "Oo naman!"

Natunaw ang matamis na tsokolate sa kanyang dila, ngunit natunaw naman sa puso niya ang mas matamis na ngiti ni Ye Wan Wan...

Tumingin sa baba si Si Ye Han at unti-unti niyang niyakap si Ye Wan Wan. "Wan Wan, hindi maganda… ang mundong ito…"

Pero maganda ito, basta't nandito ka...

Hindi man tinuloy ni Si Ye Han ang huling parte ng sinabi niya, naintindihan ni Ye Wan Wan sa kanyang puso kung ano ang nais sabihin ng lalaking ito.

Hindi sinubukan na kilalanin ni Ye Wan Wan ang lalaking ito sa una niyang buhay; natatakot at kinamumuhian niya ang kabaliwan at kamanyakan ni Si Ye Han na kontrolado ang lahat ng bagay; galit na galit siya dahil nakakulong siya sa piling ni Si Ye Han.

Ngayon niya lang napagtanto na ang lahat ng ginawa ni Si Ye Han ay dahil si Ye Wan Wan lamang ang umiikot sa mundo niya...

Ang lahat ng ginawa ng lalaking ito ay dahil takot si Si Ye Han na mawala si Ye Wan Wan sa buhay niya...

Pero… bakit...

Isang ordinaryong tao lamang siya at hindi sila magka-parehas na ugali ni Si Ye Han, kaya saan nanggaling ang nararamdaman ni Si Ye Han para sa kanya…?

Malaki ang pinsala na nagawa sa Emperor Sky, nang matapos ang insidente tungkol sa pam-bu-bully ni Gong Xu. Tinanggal ng Emperor Sky si Wan Shanshan dahil sa insidenteng ito pero hindi mangmang ang mga netizens - alam ng mga tao kung anong gustong gawin ng Emperor Sky. Naapektuhan rin ang mga nadawit na artista sa insidenteng iyon at ang pinakamalalang artista na nadawit ay si Ling Shaozhe. Kahit na wala siyang kaalam-alam na pinatid ni Wan Shanshan si Luo Chen, nagalit at nadugyutan pa rin ang mga fans niya dahil sa pinakita niyang mayabang at parang boss na imahe.

Iniwan siya ng kanyang mga fans dahil naramdaman nila na parang niloko at nilinlang sila ni Ling Shaozhe.

Madalas ay ganyan ang daloy ng entertainment industry - patuloy mong hinuhubog ang sarili mo bilang isang mabuti at tunay na biktima at sa isang iglap, kapag may ginawa kanya mali, malaking pinsala ang maibabalik nito sayo. Tulad ni Gong Xu, na noo'y inuunsulto ng mga tao, ay may ginawang isang tamang asal kaya mabilis din na nagbago ang opinyon sa kanya ng lahat ng tao.

Gayunpaman, mabuti na lang at magaling na artista si Ling Shaozhe. Mawawala rin ang tsismis na ito at kaunti lang ang magiging epekto nito sa kanya sa hinaharap.

At para kay Gong Xu...

Mabuti na lang at gumagaan ang pakiramdam ni Ye Wan Wan sa tuwing iniisip niya si Luo Chen...

Patapos na sila sa paghahanda ng "Terrifying Dragon 2" ngayong araw, kaya espesyal ang pagpunta ni Ye Wan Wan sa filming site.

Pagkarating niya, nakita niyang nagwawala si Song Jin Lin. "Para saan ang mga mabulaklak na mga kamay at mga sumasayaw-sayaw?! Hindi ba't sinabi ko sayo na maghanap ka ng disente?"

"Direk, mga walk-on artist ang mga ito… maganda naman kung marunong silang sumayaw… hindi naman natin sila inaasahan na tumalon sa mga bubong at mga pader, 'di ba…" tinitigan ng masama ni Song Jin Lin ang lider kaya nagsisi siya sa sinabi niya. "Maghahanap pa po ako! Ito na, maghahanap na po…"

"Anong problema, Zhang-ge?" Kaswal siya tinanong ni Ye Wan Wan.

Si Zhang Hua ang head ng mga artistsa at siya ang naatasang maghanap ng mga walk-on na mga artista. Sa oras na ito, para bang lubhang sumasakit ang kanyang ulo.

avataravatar
Next chapter