456 Casting

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ihatid ni Ye Wan Wan palabas si Han Xian Yu ng kanyang apartment, natandaan niya ang mga voice messages ni Gong Xu at hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa.

May mahika ba ang lalaking ito? Bakit hindi siya gumawa ng tindahan para hulaan niya ang mga tao? Andami niyang sinabi na tama kahit na kung ano ano lang ang lumalabas sa bibig niya. Baka nakawin niya ang business kong nanghuhula ng mga tao!

Sa sumunod na dalawang araw, minanmanan ni Ye Wan Wan ang bawat galaw ni Zhou Wen Bin habang tinutulungan niya si Luo Chen na maging pamilyar sa script.

Mukhang walang binabalak na masama si Zhou Wen Bin kaya hindi rin alam ni Ye Wan Wan kung ano ang tinatagong plano ni Zhou Wen Bin.

Para kay Gong Xu na isang mataas at kilalang tao. Alam ng buong mundo na may hinahanap siyang babae dahil hindi niya lang ito pinaalam sa mga fans niya, kundi sa kahit sinong tao na pumapalibot sa kanya. Ngayon, alam tuloy ng buong industriya ang nais niyang gawin.

Buti na lang, madalang na nagdadamit babae si Ye Wan Wan sa lugar nila at nagsusuot siya ng maskara kung magdadamit man siya ng pambabae. Maliit ang posibilidad na mahanap siya ng mga tao kung makita man siya sa shop noong araw na iyon.

Lilipas lang ng isang linggo ang insidenteng ito kung hindi nila mahanap si Ye Wan Wan, kaya hindi rin siya masyadong nag-aalala at ang buong atensyon niya ang nakatuon sa casting.

Sa isang saglit, dumating na ang araw ng casting.

Maraming nakakaaalam at tumatangkilik noong dumating ang pagpapalabas ng proyektong "Terrifying Dragon 2"; maraming mga aktor ang nagpursigi para aralin ang aksyon ng proyekto na ito.

Kaunting mga aktor pa lamang ang maagang dumating sa lugar ng pag-casting. Nagsama-sama at nag-usap ang ilang mga aktor dahil wala pa naman sila Song Lin Jin at ang iba.

"Narinig ko ang sabi nila na si Ling Shao Zhe raw ay ang kumpirmadong makakakuha ng male lead?"

"Syempre siya ang makakakuha ng male lead. Malakas siya sa Emperor Sky Entertainment at isa rin siya sa mga original cast ng 'Terrifying Dragon,' napakasikat niya rin ngayon. Ito ang gusto ng direktor dahil nais ni Ling Shao Zhe na umakto muli sa role na male lead," makatotohanang sinabi ng isang baguhan na artista.

"Narinig ko ang sabi-dabi na gusto nilang gamitin ang original na cast para sa 'Terrifying Dragon 2'."

Habang nag-uusap ang mga aktor, naglakad papunta sa kanila si Ye Wan Wan at Luo Chen.

Umangat ang tingin ng lahat nang makita nila ang dalawang tao na kakarating lang at parang kakaiba ang mga tinginan nila.

"Original cast? Ay… ayan na pala ang isa sa mga original cast." Sabi ng isang baguhan na artista habang sinusuri niya si Luo Chen na nakatayo sa tabi ni Ye Wan Wan, makikita ang bakas ng pangangasar sa kanyang mga mata.

"Noong kakalabas pa lang ng Terrifying Dragon, itong si Luo Chen ay sumikat ng ilang panahon lang, pero ngayon…"

Hindi man tinapos ng taong iyon ang sinabi niya, alam naman ng lahat kung anong ibig niyang sabihin.

Ang performance ni Luo Chen sa Terrifying Dragon ay maayos naman. Sikat rin siya noon pero tumagal lang ito ng isang taon. Pagkatapos ay wala nang balita tungkol kay Luo Chen habang si Ling Shao Zhe, na kasabayan niyang mag-debut bilang artista sa Terrifying Dragon, ay lalong nagiging matagumpay. Si Ling Sho Zhe ngayon ay nasa posisyon na hindi siya maikukumpara sa hamak na ordinaryong aktor lamang.

May dalawang tao na nanggaling sa ka parehas na serye sa telebisyon ngunit matapos ang ilang taon, parang magkabilang mundo na sila dahil magkaiba ang kanilang kapalaran.

"Binanggit ng 'Terrifying Dragon 2' na pipiliin nila ang original cast, pero kung desedido sila sa desisyon na 'yan… madali kaya para kay Luo Chen, na nanahimik ng ilang taon, na ipaglaban ang role niya sa proyektong ito? Narinig ko ang sabi sabi na… ang supporting role ay pa-sikretong binigay na raw kay Xu Ming nang walang nakakaalam."

"Xu Ming? Ang godson ng isa sa mga sponsors ng 'Terrifying Dragon 2'? Ah, sa tingin ko… wala nang laban si Luo Chen sa kanya."

"Ano ba ang inaasahan niya? Sa tingin ba niya na siya pa rin ang kinilala niyang aktor noon? Medyo sumikat siya ng panandalian dahil sa isang hamak na Weibo post. Dapat magpasalamat siya dahil binigyan siya ng konsiderasyon para sa casting!"

Nagsama-sama ang mga baguhang artista at sama-sama rin nilang inasar si Luo Chen. Wala ni-isa sa kanila ang umaasang makukuha ni Luo Chen ang supporting role.

Kahit hindi kalakasan ang usapan nila, ang daldalan nila at halos naririnig pa rin ni Luo Chen at Ye Wan Wan.

Napahinto si Luo Chen nang marining niya ang pangalan ni Xu Ming.

"Ye-ge…" gustong magsalita ni Luo Chen pero napahinto siya at tiningnan niya si Ye Wan Wan. Ang lebel ng kanyang pagtitiwala ay unti-unting kumokonti.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang itsura ni Luo Chen. Tinaas niya ang kanyang kilay at tinanong, "Bakit? Takot ka?"

Mabilis na umiling si Luo Chen. "Hindi…"

"'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Tandaan mo na kapag nagsimula ang casting, ikaw na si Lin Luo Chen." malakas ang pagkakatingin ni Ye Wan Wan sa nag-aalalang mga mata ni Luo Chen.

Tiningnan ni Luo Chen ang mga mata ni Ye Wan Wan at nangining ang kanyang puso sa sobrang kaba.

Yumuko siya, tinandaan niya ang lahat ng ensayo at ginawa ni Ye Wan Wan para sa kanyang casting habang mahigpit na nakasara ang kanyang kamao.

Nagpakahirap si Ye-ge na iplano at ihanda ako para sa bihirang oportunidad na ito. Hindi ko siya pwedeng biguin!

Tinaas muli ni Luo Chen ang kanyang ulo at mabilis na lumisan ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

Nakita ni Ye Wan Wan ang determinasyon sa mga mata ni Luo Chen kaya napangiti siya.

Sa oras na ito, Naglakad papasok ng studio si Xu Ming habang kasama niya ang kanyang manager.

avataravatar
Next chapter