112 Busog

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos suyuin ni Ye Wanwan si Si Ye Han, tinigilan ni Ye Wanwan na punasan ang kamay ni Si Ye Han. Naging normal na rin ang kanyang hitsura at nababalot ng sigla ang mata ni Si Ye Han.

Walang kwenta ang babae ni Cui Hao! kung ikukumpara kay Ye Wanwan.

Hindi maiwasan ni Cui Hao na maging imbestigador kay Lin Que at sinabi, "Young master Lin, saan naman nanggaling ang sacred being na ito?"

"Pangit naman siya…" pabulong na sinabi ni Lin Que hanbang hinahaplos niya ang kanyang baba, naghihinala at may halong pagdududa niyang tiningnan si Ye Wanwan.

Kailan pa naging bumbero ang arsonistang si Ye Wanwan?

Cui Hao: "...Ha?"

Pangit daw siya? Bulag ba si Lin Que?

Nagtaka si Cui Hao sa sinabi ni Lin Que at seryosong sumagot si Lin Que ng pagpa-paalala "Anong ha?! Swerte ka ngayon at naligtas ka. Paalisin na yang babaeng dala mo!"

Parang mamatay ako sa takot! Kung hindi dumating si Ye Wanwan, di ko siguro maayos ang gulo na ito!

Patuloy na tumatango si Cui Hao. Habang good mood na si Si Ye Han, mabilis na ipinatawag niya ang babae sa ni Cui Hao na umiiyak sa lapag.

Tumayo ng mabilis ang babaeng iyon at dali-daling lumapit kay Si Ye Han para mang-hingi ng kapatawaran. "9th master, patawarin ninyo ako.. Ako ay.."

"Umalis ka dito." Naiirita na si Si Ye Han.

Akala ng babae na kakatayin siya; hindi niya inaasahan na paalisin siya ng buhay lang. Gulat na gulat ang babae dahil hindi siya makapaniwala sa kabaitan na pinakita ni Si Ye Han. Sa sobrang pasasalamat hindi ito tumigil mag-bow, "Yes! Salamat 9th master, sa kabutihang loob mo!"

Bago umalis ang babae, nagtataka siya kay Ye Wanwan kaya mausisa nya itong tiningnan.

Ang kinalabasan nun… Di naman galit si Si Ye Han sa mga babae, di na kasi siya interesado sa ibang babae.

Bumait bigla si Si Ye Han at sa sobrang saya naiyak si Cui Hao,"9th master, sorry sa ginawa ko ngayong araw-- Parurusahan ko ang sarili ng 3 glasses! Parusa ng 3 glasses!"

Gusto niyang sampalin ang sarili niya bilang parusa. Akala ni Cui Hao ang babaeng nahanap niya ay bukod tangi sa lahat pero hindi niya naisip na ang 9th master ay meron nang napakagandang babae sa kanyang tabi.

Kaya pala di na siya interesado sa maghanap pa ng iba!

Sa panahon ding yon, tumigil husgahan ng mga tao sa VIP room si Ye Wanwan at naisip nila na swerte si Si Ye Han at meron siyang babae na nagaalaga sa kaniya.

Si Ye Wan Wan ay di tumitingin sa iba. Tumabi siya sa tabi ni Si Ye Han at nasa kanya lang ang atensyon ni Ye Wanwan habang kanyang maliit na kamay ay paminsan-minsan kumukuha ng mani sa lamesa.

Napansin ni Si Ye Han ang nakakayamot na tingin ng mga tao at naiirita muli siya. Ngunit, tiningnan niya si Ye Wanwan na kumakain ng mani tulad ng masayang squirrel kaya hindi niya na pinansin ang mga taong nakatitig sa kanila at lumambot ang kaniyang puso ng makita si Ye Wanwan.

Yumuko si Ye Wan Wan para mabuksan ang mga mani pero hindi niya ito kakainin, ini-hilera niya ang mga mani sa harap ni Si Ye Han at niyaya nyang kumain nito.

Walang kinain si Si Ye Han buong gabi bukod sa alak, inubos niya ang lahat ng mani sa kamay ni Ye Wanwan.

Siguro dahil sa konsiyensiya niya, binuhos ni Ye Wan Wanang lahat ng lakas niya mapasaya lang si Si Ye Han. Pagkatapos niyang pakainin ito ng mani, pinakain niya rin ng pistachios, at pagkatapos ng mani, mga prutas naman. Gsuto niya talagang maging maayos ang sitwasyon.

At si Si Ye Han naman ay tumigil nang uminom at kinakain niya ano mang binibigay Ye Wanwan.

Sa totoo lang… Lahat ng tao na nasa VIP room ay busog na busog rin.

Ang pagmumukha ng single na si Lin Que ay nangitim tulad ng ilalim ng kaserola. Nasisilaw si Lin Que at naramdaman niya na ang lahat ng tao ay hindi tulad ng ilaw ng lightbulbs; sila ay kasing init na ng araw na nakakatunaw at parang mga buwan na sumisikat kahit sa dilim!

Punyeta,sabi bawal magdala ng babae! Pero nagdala ka ng babae para pahirapan kami!

avataravatar
Next chapter