138 Bumalik para pakainin ang great devil

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinawakan ni Jiang Yan Ran ang braso ni Ye Wan Wan dahil sa narinig niya, "Hindi mo ba ako sasamahan?"

Ye Wan Wan: "..."

Bakit ba masyadong madikitin na sa akin si Jiang Yan Ran...

Nakakaawang sumagot si Ye Wan Wan, "Sorry be, may date ako ngayong gabi."

Hindi masyadong nahirapan makisama si Chu Feng ayon sa obserbasyon ni Ye Wan Wan ngayong araw. May katotohanan ang pagkakagusto niya kay Jiang Yan Ran kaya okay lang sa kanya na magkakilanlan ang dalawa. 

"Date? Magkikita kayo ng boyfriend mo?"

Tumango si Ye Wan Wan,"Mhm."

"Sige pala!" Hindi na siya pwedeng manatili sa tabi ni Jiang Yan Ran kasi meron siyang date."

May pagpapasalamat na tumingin si Chu Feng kay Ye Wan Wan at sinabi niya, "Hello, sorry at hindi pa kita masyadong kilala. Ikaw...ikaw ang kaibigan ni Yan Ran 'di ba?"

"Hello, Ako si Ye Wan Wan." simple lang na nagpakilala si Ye Wan Wan.

At sinundan ni Jiang Yan Ran ang pagpapakilala, "Bestfriend ko si Wan Wan."

Medyo nagulat si Chu Feng nang makita niya si Ye Wan Wan, "Ikaw pala si Ye Wan Wan, marami akong narinig tungkol sa iyo!"

Pabebeng tumawa si Ye Wan Wan, "Oh, Sigurado ako na alam mo na ang masamang reputasyon ko!"

Naging seryoso ang boses ni Chu Feng, "Nang makilala kita, nalaman ko na iba ka kaysa sa mga sinasabi tungkol sayo--hindi naman natin sila mapagkakatiwalaan."

"Kakakilala mo lang naman sa akin at hindi din ikaw masyadong nakipag-usap sa akin ah? Paano mo nasabi na iba ako kaysa sa mga pinagsasabi nila?" pabulong na sinabi ni Ye Wan Wan.

"Obvious naman, dahil kaibigan ka ni Jiang Yan Ran!" Napatingin si Chu Feng na parang hindi niya pinag-isipan ang sinabi niya.

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan, "Akala ko nababaliw ka lang nung una, hindi sumanggi sa isip ko na malandi ka pala magsalita!"

Namula si Chu Feng sa narinig niya at hindi masyado naging komportable si Jiang Yan Ran.

Naramdaman naman ni Ye Wan Wan na ang tanda na niya habang nasisilayan ang dalawa na mahulog ang loob sa isat-isa.

Kumaway siya at nagpaalam na kay Jiang Yan Ran at Chu Feng, agad siyang bumalik sa kanyang dormitoryo.

Binuksan niya ang kanyang libro pagkatapos niyang nagtanggal make up at naligo.

Sa mga oras na iyon, hindi siya nagpadalos-dalos na basahin ang highschool syllabus at nagbasa pa ng university textbook. Sinayang niya ang dalawang taon ng kanyang buhay dahil nahuli siya sa pag-aaral noong highschool kaya kailangan niyang bawiin ang dalawang taon na iyon. Matapos siyang matagumpay na nakapasok sa media school ng Imperial City, determinado siyang laktawan ang ibang mga baitang at tapusin ang kanyang pag-aaral ng mabilis.

Sa mga panahon na iyon, inobserbahan niya ang trends sa entertainment industry para makuha niya ang kahit anong oportunidad na dumapo sa kanya.

Kung matatandaan niyang mabuti, isa sa mga sikat na artista ay nakatagpo ng pinaka-una nitong nakakasirang PR crisis at nag resulta sa pag-alis nung aktor sa industriya. Nagdusa din ng pagkalugi ang kumpanya ng aktor na iyon at alam ni Ye Wan Wan kung paano maibabalik ang aktor na iyon kahit na nalugi na siya. Kung ginamit niya ng matalino ang oportunidad na iyon, magandang simula sana iyon sa kanyang career.

Ang pinaka naging sagabal sa una niyang buhay ay hindi lang dahil sa pananakal ni Si Ye Han, bumaba ito sa dahilang masyado siyang naging mahina, parehas na pisikal at sikolohikal na aspeto.

Pagkatapos niyang mag-aral ng ilang mga oras, tiningnan ni Ye Wan Wan ang kanyang phone, sinara ang textbook at dumeretso sa Jin garden.

Kahit na nagdahilan siya kay Jiang Yan Ran na may date siya ngayon, ayaw niya lang talaga maging third-wheel sa kanilang dalawa. At saka, natandaan niya din na bumalik para siyasatin o i-check si Si Ye Han.

Kailangan niyang sumulong habang mainit pa ang plantsa at gamitin ang tsansa na ito habang maayos pa sila ni Si Ye Han.

Kung hindi, hindi din magiging mabisa ang epekto niya kay Si Ye Han kung pupunta lang siya pag pinipilit siyang papuntahin.

Pagkatapos naman ng lahat ay matatapos na siya sa kanyang pag-aaral at magiging busy na siya para higitan niya pa ang kanyang halaga kay Si Ye Han. Kaya naman kailangan niyang ayusin ang meron sila ni Si Ye Han dahil mahihirapan siyang magpatuloy kung hindi niya gagawin ito.

Pagkalabas niya sa entrance ng eskwelahan, bumili siya ng limang bag ng meatbun sa pinaka-sikat na tindahan na nadaanan niya, hinanda ni Ye Wan Wan ang ipapakain niya sa great devil.

avataravatar
Next chapter