1064 Bumalik na bigo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa lumang bahay ng mga Ye:

Nakaupo si Ye Yiyi sa harap ng dressing table at banayad na tinitignan ang kumikintab na mga alahas sa ibabaw ng lamesa.

Malaki ang ngiti ni Liang Mei Xuan habang nakatayo sa gilid. "Yiyi, perpekto na ang pinili ni mama. Suotin mo ang kwintas na ito para sa engagement banquet at matutulig mo ang lahat ng naroroon! Hindi ko inaasahan na ang p*ta na babaeng iyon, na si Ye Wan Wan, ay mas nagiging pokpok habang lumalaki. Gayunpaman, kahit gaano siya kaganda, mababang buhay pa din siya!"

Nang marinig iyon ni Ye Yiyi, isang nakakasindak at agaw-tingin na imahe ang naisip niya, at napakuyom ang mga daliri niya. "Nakakuha ba ng imbitasyon ang pinakamatanda na sangay?"

Galit na galit si Liang Mei Xuan, "Oo, hindi lang si Ye Wan Wan at si Ye Mu Fan, pero pati si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun ay nakakuuha din ng imbitasyon. Masyadong kumakampi ang dalawang matandang iyon! Hindi sila tumitigil sa pagdasal na makuha ng apo nilang lalaki ang mana!"

"Pero biglang tumalino si Ye Mu fan at hindi matagusan! Nagpadala na ako ng mga tao para subukan siya, pero walang sinuman ang nakakuha ng tsansa na umakto!"

"Paano naman ang babae na pinadala mo noon?" tanong ni Ye Yiyi.

Nangalit ang mga ngipin ni Liang Mei Xuan, "Bigo siyang bumalik! Tinanggal niya na nga ang mga saplot niya, pero hindi niya kinuha ang pain!"

May AIDS ang babae, kaya kung mahahawaan si Ye Mu Fan, mareresolba na ang problema nila. Sa kasamaang-palad, hindi sila nagtagumpay.

"Nagbago yata si Ye Mu Fan mula sa dagok, kaya alerto siya. Hindi madali na mai-target siya…" mas nanlamig ang mga mata ni Ye Yiyi.

Nangutya si Liang Mei Xuan, "Walang problema. Hindi natin mai-target si Ye Mu Fan, pero mayroon pa tayong isang bobo, si Ye Wan Wan!"

Nang masabi iyon ni Liang Mei Xuan, pinulot niya ang isang ring box mula sa black swan sa may dressing table.

Nang binuksan niya ang box, isang napakagandang jade na singsing ang lumabas. Malinaw ang malaking halaga nito.

Nang nakita ni Liang Mei Xuan ang singsing, nagningning ang mga mata niya, "Ito ba ang engagement ring na pinili niyo ni Yue Ze? Ang ganda!"

"Oo," naging marahan ang itsura ni Ye Yiyi nang mabanggit si Gu Yue Ze.

Sinara ni Liang Mei Xuan ang box at sabi, "Yiyi, dadalhin ko itong singsing kay Huang Mingkun at palihim niyang ilagay ito kay Ye Wan Wan sa araw ng engagement banquet."

Kuminang ang mga mata ni Ye Yiyi, "Mama, sinasabi mo na ibitag natin Ye Wan Wan at sisihin siya sa pagnakaw ng engagement ring ko?"

Liang Mei Xuan: "Oo!"

Nanatili ang paghihinala sa mukha ni Ye Yiyi, "Gagana… ba 'to?"

Mukhang tiyak si Liang Mei Xuan, "Mahirap ang pamilyang iyon! Maniniwala ang lahat kung sasabihin natin na ninakaw nila iyon! Saka, galit si Ye Wan Wan sa relasyon niyo ni Yue Ze! Sa bilang ng mga bisita doon, gusto kong makita kung paano kakapal ang mukha ng pamilya na iyon at manatili pa sa mga Ye!"

Nang marinig iyon ni Ye Yiyi, tumango siya at sabi, "Tama, sa ganitong lebel ng bitag ay sapat na para kay Ye Wan Wan."

Kampante si Liang Mei Xuan habang sinabi niya, "Kailangan mo lang maging maganda at iwan ang lahat sa akin. Sasabihan ko si Huang Mingkun mamaya."

Nang marinig ni Ye Yiyi ang pangalan ni Huang Mingkun, sumimangot siya. "Mama, kailan mo papaalisin si Huang Mingkun sa bahay ng Ye?"

Marahan siyang inaliw ni Liang Mei Xuan, "Maging mabait ka, Yiyi. Alam kong hindi mo siya gusto, pero may silbi pa din siya. Kailangan natin ang tulong niya sa madaming bagay. Hindi pwedeng madumihan ang mga kamay sa ganitong mga bagay…"

Napuno ng pandidiri ang mga mata ni Ye Yiyi. "Pero…"

Sinabi ni Liang Mei Xuan, "Huwag kang mag-alala. Hindi siya magiging banta sa posisyon mo. Lahat ng mayroon siya ngayon ay nakadepende sa iyo, kaya mas takot siya sa paglabas ng katotohanan kaysa sa iyo…"

avataravatar
Next chapter