689 Bumalik ka dito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang binalot ng katahimikan ang buong lugar dahil sa sinabi ni Gong Xu...

Inakala ng media na magpapatalo si Gong Xu sa pwersa nila noong oras na iyon, pero hindi nila inakala na magiging matigas pa rin siya.

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan.

Aminin niya sa sarili niya na ang pangalawang henerasyon na batang ito ay parang matandang lalaki na sa oras na iyon...

Parating nasa harap ng spotlight si Gong Xu dahil kilala siya bilang isang kinahuhumalingan na artista, ngunit madali siyang magalit at hindi siya angkop na makapasok sa loob ng industriya.

Kailangan niyang matuto na bumalanse...

Bilang manager ni Gong Xu, kahilingan ni Ye Wan Wan na siya ang magsisilbing magbibigay ng balanse kay Gong Xu...

Naguguluhan si Luo Chen habang tinitingnan niya si Gong Xu. Naiinis at hindi man siya sumasang-ayon sa mga aksyon ni Gong Xu, hinahangaan at hinahanap-hanap niya pa rin ang malupit at walang takot na karakter ni Gong Xu.

Nagkaroon ng malakas na pasabog sa media ang mga sinabi ni Gong Xu gayundin ay nagdulot ito ng kagalakan sa mga tao.

Tunay nga na hindi sila binigo ni Gong Xu!

Tila parang hailstones na paisa-isang nalalaglag ang mga katanungan sa kanya ng mga press.

"Naliwanagan ako sa tunay na ugali ni great young master Gong. Ang ibig sabihin ba nito ay wala kang ginawang masama kahit na sapilitan ka nilang sinasabihan na manghingi ng tawad?"

"Para sayo, Gong Xu, sa tingin mo ba na parang mga langgam lamang ang mga mabababang klase ng tao na nagpapakahirap na mabuhay, sa tulad mong isang mayaman na uri ng tao at karapatdapat ba na tapakan at pahirapan niyo ang mga tulad nila?"

"Kaakibat ng makapangyarihan ang malalaking mga responsibilidad - kapag may kakahayan ka, magkakaroon ka rin ng maraming responsibilidad. Ito dapat ang sinusunod na prinsipyo ng mga tao, ngunit ngayon, nagkakandarapa ang mga tao na marating ang mataas na antas ng lipunan. Isa kang dumi at peste ng lipunan, Gong Xu!"

Biglang nandilim ang itsura ni Yan Jin Yuan dahil palala ng palala ang mga taong pumapalibot sa kanila...

Mukhang mawawala na sa kanyang mga kamay si Gong Xu...

Habang pinagtutulungan ng media si Gong Xu, biglang may sumugod kay Gong Xu na nanggaling sa kumpol ng mga tao. "BASURA KA GONG XU! HALIMAW KA! HALIMAW!"

"Anong nangyayari?! Pigilan niyo siya" dali-daling umangal si Yang Jin Yuan.

Susugod na sana ang mga bodyguards ngunit naging mabagal ang panunugod nila dahil sa malakas na pwersa ng ilang mga tao at gayundin ang mga fans, inabot tuloy ng taong iyon si Gong Xu.

Makikita ang ilaw na sumikat sa lugar na iyon. May hawak na kutsilyo ang fan at tinutok niya ito kay Gong Xu at habang magulo ang kanyang emosyon, bigla siyang tumalon papunta kaay Gong Xu. Naghiyawan ang mga tao at nagkagulo ang buong paligid.

Mabilis a sinangga ni Ye Wan Wan ang kutsilyo habang sumusugod ang fan na may hawak na kutsilyo. Parang kidlat ang bilis ng braso ni Ye Wan Wan noong winagayway niya ito sa fan na iyon kaya ito ang nagsilbing proteksyon ni Gong Xu na nasa likod niya, nahulog ang fan at sinigurado ng mga bodyguards na nakadapa at hindi na makakasakitang fan na iyon.

Gayunpaman, sa oras ng kaguluhan, ang braso ni Ye Wan Wan ay nasaksak noong iniligtas niya si Gong Xu. Tumulo ang sariwang dugo at namatsahan nito ang kanyang suit.

"YE-GE!!!" nakita ni Gong Xu ang nahiwang braso ni Ye Wan Wan. Ang mga mata niya ay tila naging mata ng halimaw at sinipa niya ang upuan, paika-ika niyang pinuntahan ang lalaking tinangka siyang patayin. "HAYOP KANG G*GO KA!"

Hinablot ni Gong Xu ang kwelyo ng fan na iyon, inangat niya ang kanyang kamao at handa na siyang sapakin sa mukha ang lalaking iyon...

Mabilis na kinuha ng bawat isang media outlet ang kanilang mga camera at desedido silang makuhanan ang masayang palabas.

"Gong Xu."

May taong tumawag sa kanya na may mahinang boses. Mabilis na hininto ni Gong Xu ang kabaliwan niya.

Mabigat at hirap pa rin ang paghinga ni Gong Xu. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ng fan, konti na lang at magagalit at magwawala muli siya.

Binalutan ng bandage, na binigay ng tauhan, ang braso ni Ye Wan Wan at dahan-dahan niyang sinabi. "Bumalik ka dito."

avataravatar
Next chapter