14 Bulok na mga Melons

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumitid ang mga pupil sa mata ni Si Ye Han noong lumapat ang labi ni Ye Wan Wan sa kanyang labi.

Dumilim ang kanyang mga mata na para bang hihigupin nito ang kanyang kaluluwa.

Ang boluntaryong halik na ito ay hindi kailanman nangyari… ito ay tunay na napakaganda at matamis at nagsimulang tumibok ng mabilis ang kanyang puso...

"'Yun lang?" Ang boses ng lalaki ay naging paos ng konti na parang may halong panganib, halatang hindi pa nakukuntento.

Umubo bahagya si Ye Wan Wan, "Patikim lang 'to, hindi na kita pwede pang bigyan ng iba pa dahil hindi pa ako nagiging isang matamis na melon!"

"Oh…" Tumawa ang lalaki.

Bumalik si Ye Wan Wan sa ligtas layo at distansya sa nakakapasong tingin ng lalaki. Sa pagpapatuloy, sinabi niya, "Actually… Gusto ko lang naman maging isang normal na babae at matuto kung paano magmahal...

Pangako kong hindi na ako tatakas kahit kailan. Hindi mo rin ako dapat pagawain ng mga bagay na hindi ko gusto at maging galit at nakakatakot sa lahat ng oras hindi ba?

'Yon si Gu Yue Ze---dati, ang utak ko ay puno ng pagkahumaling sa kanya, pero naiintindihan ko na ngayon.

Nararamdaman ko na sa kalagayan ni 9th master, hangga't maibalik natin ang relasyon natin dati, paniguradong kaya kong umusbong at maging isang matamis na melon sa tamang oras!"

Nagsalita si Ye Wan Wan hanggang sa nanuyo ang kanyang dila. "Actually... Ang matamis na melon ay medyo masarap, siguro dapat mo silang subukan. Paano mo malalaman kung gusto mo ito o hindi kung hindi mo ito susubukan, hindi ba?" Sabik siyang naghihintay sa sagot nito.

Bahagyang ngumiti si Si Ye Han sa "little melon seedling" dahil sa pilit nitong pagtaas sa kanyang sarili. Marahan niyang tinanong, "Paano kung mabulok 'yon?"

Ang mga gilid ng labi ni Ye Wan Wan ay umangat. Nagpunas siya ng pawis at sinabing, "Hindi 'yon mangyayari, hindi mangyayari! Magsusumikap ako at lalago! Paniguradong magiging maganda at matamis akong melon!"

Lumipas ang ilang oras sa katahimikan, at sa pagkakataon na gusto na sumuko ni Ye Wan Wan, sumagot na ang lalaki, "Fine."

Nagulat si Ye Wan Wan saglit bago sumagot sa pagpayag ni Si Ye Han. Ang kanyang mukha ay napuno ng saya, "Pumapayag ka? Pwede na akong bumalik sa eskwelahan? Pwede bang manatili ako sa dormitoryo ng eskwelahan katulad ng ibang estudyante? Pwede ko bang gawin ang kahit na anong gusto ko…?

Kung… Kung ganon aalis na ako para ayusin ang mga gamit ko! Lilipat na ako sa dormitoryo bukas! Pero babalik ako para bisitahin ang gulayan tuwing libre ako!"

Pagkatapos ng kanyang pangungusap, umalis na siya nang masaya at mabilis, sakaling biglang magbago muli ang isip ni Si Ye Han.

Noong nakita niya kung gaano kasabik umalis ang babae, naging malungkot ang kanyang ekspresyon, para bang pinagsisisihan niya ang kanyang desisyon agad agad.

Ngunit noong hinawakan niya ang naiwang bakas ng malambot nitong halik sa kanyang labi, unti unting nawala ang kanyang kalungkutan.

Wan Wan, ito na ang huling pagkakataon na pagkakatiwalaan kita.

At ito na ang huli mong tsansa.

Kapag pinagtaksilan mo ako...

Sa kwarto muli:

Mabilis na inayos ni Ye Wan Wan ang kanyang mga libro at kagamitan.

Talagang gumana nga, para itong isang panaginip!

Pagkatapos, tumunog ang kanyang telepono. Ito ay isang tawag mula kay Shen Meng Qi.

Sumimangot si Ye Wan Wan at sinagot ang tawag, "Hello?"

Noong konektado na ang tawag, ang hindi mapakaling boses ni Shen Meng Qi ang pumasok, "Wan Wan, kanina pa ako tumatawag, bakit hindi ka sumasagot? Okay ka lang ba? Bakit hindi ka umalis kasama ni young master Gu? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking effort ang inilaan ko para lamang makumbinsi si young master Gu?!"

"Hindi ko maipaliwanag ngayon nang maayos sa telepono, pag-usapan na lang natin bukas sa eskwelahan!"

"An… Ano? Hindi ka pinagbawalan ni Mr. Si? At pinayagan ka niya talagang pumasok sa eskwelahan?" nagbago ang tono ng boses ni Shen Meng Qi.

Pagkatapos makita na gustong magtanan ni Ye Wan Wan kasama ni Gu Yue Ze, paano siya ganoon kadaling pinayagan ni Si Ye Han?

O… hindi kaya nagsimula nang kamuhian siya ni Si Ye Han… so hindi na niya gusto pang tumira siya sa Jin garden ngayon?

Tumanggi na si Ye Wan Wan na magkwento pa ng mga detalye at sumagot lamang ng, "Oo, babalik na ako ng dormitoryo bukas."

Kabadong nagtanong si Shen Meng Qi, "Ito ba ay dahil nakita kayong dalawa ni Gu Yue Ze ni Mr. Si at hindi ito naintindihan kaya pinapalayas ka na niya?"

Ngumisi si Ye Wan Wan at natagalan bago sumagot, "Paano mo nalaman na nakita kaming magkasama ni Gu Yue Ze ni Si Ye Han? Wala siya sa bahay ng ilang araw, hindi mo ba alam 'yon?"

"Ah… Nanghuhula lang ako… Anyway, kwentuhan mo pa ako kapag nakabalik ka na sa eskwelahan!"

avataravatar
Next chapter