652 Buhay pagtapos ng kasal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Marami ang mga "taon" na darating...?

Bahagyang kumislot ang bibig ni Si Ye Han.

Sinuyo siya ni Si Ye Han at nagtanong, 'Si Ye Han, may tanong ako na gusto kong itanong sa iyo.."

Maluwag ang sofa kaya direktang humiga si Si Ye Han sa tabi niya. Ang kayang tingin ay nasa katawan ni Ye Wan Wan at ang lalim sa kanyang mata ay nakapaloob ang bakas ng pagkalibog. "Ano ang tanong mo."

Sandaling pinagisipan ito ni Ye Wan Wan bago magtanong, "gusto ko lang itanong… ano ba ang itsura ng gusto mong buhay may-asawa?"

Alam niya, na ang naiisip niyang pagtakas kay Si Ye Han ay unti-unti ng nawawala hanggang sa punto na pati ang katanungan na ito ay naisaalang-alang niya…

Sa dati niyang buhay, ang kanyang buhay matapos siya at si Si Ye Han ay ikasal ay isang bangungot na hindi na niya gusto pang maalala…

Buhay may-asawa...

Kakaiba ito na nanatiling matagal na tahimik si Si Ye Han bago siya nagsalita sa wakas, "pang-araw-araw na kailangan ng buhay."

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay, malinaw na hindi inaasahan na ang sagot ni Si Ye Han ay magiging… malinaw at kakaiba…

Malinaw sa punto na walang kahit anong pagnanais na magkaroon…

Sa ugali ni Si Ye Han, inaasahan niya na gusto niya mabuhay ng kakaiba mula sa ibang mga tao.

Nang magsasalita pa lamang si Ye Wan Wan, isang tunog ang biglang nagingay - ito ay kanyang nakatatandang kapatid.

*Cough* "sasagutin ko lang ang tawag."

Bahagyang naging malamig ang itsura ni Si Ye Han. "Ang ikatlong patakaran."

Bahagyang kumislot ang mga labi ni Ye Wan Wan. Sa kabilang banda, ang patakaran na ito ay matibay at hindi nayayanig, ha?

"Alam ko, alam ko, ang ikatlong patakaran - hindi ako pinapahintulutan na maakit ng lalaki, tama? Ngunit ito ay sarili kong kapatid at gabi na din. Paano kung mayroong emergency.."

Nanatiling tahimik si Si Ye Han at hindi nagsalita kahit isa na ibig sabihin na siya ay bumibigay na sa kanya.

Sige, kumpara sa nakaraan nang hindi talaga siya tumitingin sa ibang lalaki, humuhusay na siya at dapat bigyan siya ni Ye Wan Wan ng lakas ng loob...

"Salamat, darling~" hinalikan ni Ye Wan Wan ang kanyang mukha saka umalis upang sagutin ang tawag.

"Hello, kuya, may nangyari ba? Bakit mo ako tinatawagan sa mga oras na ito?"

Sa kabilang dulo ng tawag, tila seryoso si Ye Mu Fan. "Nang makilala ko si Luo Chen at Gong Xu ngayon araw, mayroon akong kakaibang uri ng inspirasyon at desenyo ng damit para sa kanila. Ipapadala ko ito sa iyong email, tignan mo."

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Oh, napaka sipag mo na tila para kang isang nanggagaya ng kalidad!"

Sumagot si Ye Mu Fan, ng naiinis, "ako ang totoong magaling, maraming salamat!"

Matapos 'yon, nautal si Ye Mu Fan, "kasama mo ba ang baliw na lalaking 'yon ngayon? Ano na bang nagyayari sa inyo ngayon - nagsasama na?"

"hindi siya isang baliw na lalaki ngunit isang tuwid at tunay na boyfriend, maraming salamat!" tinama na siya ni Ye Wan Wan bago pa siya sumagot, "hindi maayos ang pakiramdam niya kamakailan, kaya nandito ako para samahan siya."

Kahit na alam niya ang kanyang kapatid ay hindi na parehong babae tulad noon, nag-aalala pa rin si Ye Mu Fan. "naalala mo ba ang sinabi ko sayo ngayon - maging mas maalam ka!"

"Kuha kona!"

Matapos niyang ibaba, kaagad na pumunta si Ye Wan Wan upang ayain ang dakilang demonyo na nalulunod sa dagat ng suka [1]. "Darling, sana hindi mo masamain. Laging nag-aalala ang kapatid ko na lolokohin mo ako para sa aking pera at sex - lahat sila ay walang dahilang matakot! Kahit na may kasama na pangloloko, ako ang nanloko sayo, diba!"

Si Ye Han: "..."

Lalim na gabi.

Matapos ayain ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa kama, siya ay nag-post sa kanyang WeChat Moments--

[Payag ako nasamahan ka habang buhay sa pangunahing kailangan, suka suka suka suka suka suka suka suka sukang tsaa!]

Sa una, inisip niya na wala ng sasagot pa sa mga oras na ito; hindi niya inaasahan na mayroong ilang night owls na sasagot kaagad.

[Lin Que: Nagkakalat ng lason ng gabing gabi - maari ka bang maging maunawain? Nag iisang aso na katulad ko ay inaabuso pa rin kahit na tinitignan lang namin ang aming mga Moments sa kalagitnaan ng gabi!]

[Xie Zhe Zhi: Kapakipakinabang ang munting puting kuneho~]

[Xu Yi: Binilang ko at siyam silang "suka"

[Ye Mu Fan: Naka blocked na ito, salamat.]

avataravatar
Next chapter