749 Brutal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Maupo po kayo dito. Hinihintay na kayo ng boss namin, kaya tatawagin ko na agad siya!" May inutusan ang shop assistant na gagawa ng tsaa para sa grupo nila habang nagmamadali siyang umakyat sa hagdan para tawagin ang boss niya.

Napansin ni Ye Wan Wan na kumikinang ang mga mata ng deboto simula noong nakarating sila doon.

"Gusto mong subukan?" Tumawa si Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Nameless Nie ang deboto at pinagsabihan niya ito, "Ipinagbabawal namin ang kahit anong pamamaraan ng pagsusugal."

Sumabad ang deboto, "Niloloko mo ba ako? Hindi magiging interesado sa pagsusugal ang tulad kong isang malinis at mabuting tao!"

Kinamot ng dayuhan na tagabuhat ng bricks ang kanyang ulo at nagtanong siya, "Hindi ba't mga shady tayong mga tao?"

Ngiting-ngiti si Spray of Flowers. "Little sweetie, anong kalokohan ang pinagsasabi mo?!"

Tumawa ng malakas si Ye Wan Wan. Pagdating sa pakikipagpalitan ng mamahaling mga bato, 30% ang skills at 70% ay kung swerte ka; importante rin ang swerte, maliban pa kung may karanasan ka sa aspetong ito.

Para kay Ye Wan Wan, wala siya ng dalawang aspeto na iyon. Minamadali niya lamang na ipasok ang impormasyon sa kanyang utak. Wala siyang bahid ng ka-swertehan sa kanyang pagkatao at ito ay isang brutal na business.

Para hindi magkulitan ang limang iyon, inutusan sila ni Ye Wan Wan na mag-tsaa na muna sa isang gilid at wala silang ibang gagawin kundi sundin ang mga utos ni Ye Wan Wan.

Matamos nilang maghintay ng ilang sandali, may lalaking nasa edad na kwarenta o singkwenta na may suot na brown Tang Suit ang bumaba sa may hagdan.

Ngumiti ang boss ng Hui Cui workshop sinapo niya ang kanyang mga kamay, nang makita niya si Xue Li at ang grupo ng mga eksperto. "Mr. Xue, matagal na panahon na noong huli tayong nagkita! Bumiyahe ka pa talaga dito - pasensya na kung hindi ako kaagad nakababa!"

Ngumiti si Xue Li at kinausap niya ng may respeto ang boss, "Boss Hou, matagal na tayong magkakilala. Hindi mo kailangang maging pormal sa akin!"

Pagkatapos na batiin ni Xue Li at ng grupo ng eksperto si Boss Huo, tiningnan niya ang babaeng nasa likod na Xue Li at nagtaka siya, "Saan si Miss Qin? Bakit hindi mo siya kasama ngayon?"

Tiningnan ni Xue Li si Ye Wan Wan at pinakilala niya ito sa boss, "Sa ngayon, dinala namin ang chairman assistant namin na si Ye Wan Wan - Miss Ye! Miss Ye, siya ang may ari ng pinakamalaking store ng pakikipagkalakalan ng mamahaling bato, ang Hui Cui Workshop. Siya si Hou Maofeng o boss Hou!"

"Boss Hou!" Binati siya ni Ye Wan Wan.

Sinuri ni Hou Moufeng si Ye Wan Wan at hindi siya natuwa sa nakita niya. "Mr. Xue, nasanay akong ka-trabaho si Mis Qin, kaya bakit kayo nagbago? Nireserba ko ang mga produktong ito para kay Miss Qin. Nais itong bilhin ni Boss Huang, pero hindi ko ito binigay sa kanya! Tapos ngayon, nagdala ka kung sinong tao lang para kunin ang mga produktong ito ng ganun lang?"

Nainis si Eleven at Feng Xuan Yi nang marinig nila ang masamang pinagsasabi ni Hou Maofeng.

Anong pinaparating niya na kung sino lang daw ang dinadala dito?

Seryosong sumabad si Eleven, "Boss Hou, siya ang future mistress ng sambahayang Si. Sinasabi mo ba na hindi siya karapatdapat na tumanggap ng mga produkto mo?"

Umupo si Hou Maofeng, hawak niya ang isang basong tsaa at ginamit niya ang takip nito para haluin ang mga dahon ng tsaa sa loob. Pagkatapos ay sumabad siya ng mayabang ang kanyang tono, "Nireserba ko ang mga produktong ito para kay Miss Qin; hindi ako pahihintulutan ang kahit sino na kolektahin ito."

Future mistress ng sambahayang Si? Narinig ko ang sinabi nila na nakakakuha siya ng pabor sa mga tao, gamit ang kanyang ganda at panunuyo, tatagal kaya siya? Ano ba siya, kumpara sa malalim at matagal nang relasyon ng Qin family sa Si family?

Isa lamang sa kanila ang tunay ni mistress ng sambahayang Si at ang isa ay jowa lang - saang aspeto sila nagkaparehas?

At tsaka, kalakaran ko ang jade trade sa Myanmar; nirerespeto ako ng Si family kapag pumupunta sila dito.

Sa akin lang nila makukuha ang pinakamagandang bato sa siyudad na ito.

avataravatar
Next chapter