529 Bigong pakikipag-landian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Marahan na nagsalita ang dalawa sa kanila, ngunit maaaring hulaan ni Ye Wan Wan kung ano ang sinasabi nila.

Nakikinig pa din hanggang sa puntong ito, at kumunot ang noo ni Ye Wan Wan.

Tang*na… 

Patagong dumating si Qiao Ke Xin at Han Xian Yu ng gabi at nangyari na nakabanggaan ko sila…

Matapos kong malaman ang pagkatao nila, kaagad na umatras si Ye Wan Wan at nagtago. "Tang*na… suwerte ko lang… talaga bang nakabanggan sila ni Qiao Ke Xin at Han Xian Yu ng paglabas sa isang pelikula…"

"Ano iyon?" napansin ni Si Ye Han ang nagagalit na itsura ni Ye Wan Wan at tumingin sa kanya. "Hindi mo na gustuhan ang bidang babae?"

Angal ni Ye Wan Wan, "Oo! Kung nagpanggap ako bilang lalaki, aakyat ako at sasabihing hello. Pero ang problema babae ako ngayon! Patay ako kapag nalaman niya!"

Saka siya sumandal papalapit kay Si Ye Han at ngumiti hanggat maaari. "Siyempre, kung hindi magseselos o magagalit si baby, ayos lang kahit na malantad pa ako!"

Ibinigay ni Si Ye Han ang mapanlinlang na soro ng hindi pagsang-ayon sa kanya mata at sinabi, "itago mo ng maigi ang iyong sarili."

"..." at kaagad na nanlupaypay ang ulo ni Ye Wan Wan. bumuntong hininga, alam ko na imposible ito…

Sinundan iyon, ang dalawa sa kanila ay nagpatuloy na panuorin ang pelikula.

Karamihan sa mga magkasintahan na nanunuod ng pelikula ay may ibang plano sa kanilang isip - nagsimula na silang maghalikan at magyakapan sa kalagitnaan ng pelikula.

Samantalang si Ye Wan Wan at Si Ye Han, sobrang seryoso si Ye Wan Wan sa pelikula na halos nagsimula na siyang magsulat habang nanatiling ang malamig na itsura ni Si Ye Han habang nakatuon ang kanyang mata sa screen. Pumunta sila para sa pelikula at sila ay talagang nanduon upang manuod ng pelikula.

Nakakupo sa tabi ni Ye Wan Wan ang isang magkasintahan na nag-yayakapan at nakakamabutihan. "Hng, bakit nakatutok ang kanilang mata sa screen? Maganda bang panuorin si Qiao Ke Xin?"

"Hindi, hindi, paano naging mas maganda si Qiao Ke Xin panuorin kaysa sayo?!"

"Sinungaling! Hindi ba sinabi mo na si Qiao Ke Xin ang iyong diyosa?"

"Hindi yan totoo - ang diyosa ko ay malinaw na ikaw, tama ba? Paano ako magkakaroon ng ibang diyosa maliban sayo! Hindi maikukumpara ang dulo ng iyong daliri kay Qiao Ke Xin!"

Ngumisi ang mga labi ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. Um, kaibigan, magaling ang iyong abilidad na makaligtas...

Tila sinusuyo ang babae at masaya na ulit nang tinuka niya ang lalaki sa pisnge. "Katulad nito!"

Habang pinapanuod ang pares ng lovebirds, nangalumbaba si Ye Wan Wan at napagtanto na siya ay tila pinabayaan ni Si Ye Han.

Dapat ba akong umarte din na cute o kahit ano?

Hence, bahagyang umubo si Ye Wan Wan at humarap kay Si Ye Han. "baby, sa tingin mo ba maganda si Qiao Ke Xin?"

Inalis ni Si Ye Han ang tingin sa screen at tumingin kay Ye Wan Wan. mula sa kanyang itsura, mukhang pinagisipan niya ang kanyang tanong na walang kwenta ngunit sinagot pa rin nito, "hindi ko napansin."

"Ha? Ano bang pinapanuod mo?" Naguluhan si Ye Wan Wan.

Si Ye Han: "kahit na fiction lang ang palabas na ito, ang panahon ay naitampok sa palabas ay ang Song Dynasty. Gayun pa man, marami pa ding mali pagdating sa kasuotan at props na ginamit…"

Ye Wanwan: "..."

Nanalo ka…

"Umarteng cute" si Ye Wan Wan binalak na tapusin doon at saka.

Tulad ng pagpuna niya sa EQ ng kanyang boyfriend, ang bata na nasa tabi niya ay natabig ang popcorn sa kanilang kamay at nagkalat ang lahat ng popcorn sa harapang row…

"Ah..."

"Anong nangyari?!"

Ang mga manunuod na nasa harapan ay lumingon at nag reklamo, kabilang na ang dalawang tao: si Qiao Ke Xin at Han Xian Yu.

Mabilis ang pangyayari. Hindi inaasahan ni Ye Wan Wan ang lahat ng iyon, kaya hindi siya nakapaghanda na magtago. Ng ganoon lang, nakita niya ang pag lingon ni Qiao Ke Xin at Han Xian Yu…

Sh*t!!!

Yari na ako!

Putang*na!

Bumilis ang tibok ng puso ni Ye Wan Wan, isang anino ang tumakip sa kanya.

Ang malamig na labi ni Si Ye Han ay dumampi sa kanya. Itinulak paabante ng kanyang malaking palad ang ulo ni Ye Wan Wan, na hinarangan mula sa kanyang tanawin…

avataravatar
Next chapter