625 Biglaang kaganapan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabighani ang dalawa sa pagtatalik na hinayaan nila ang isa't isa. Nang biglang may dalawang tao na lumitaw sa kawalan, kahit sino naman ay matatakot sa kanyang kaluluwa.

Gulat na gulat si He Jun Cheng. Maputla ang mukha niya na parang isang multo.

Matapos na bumalik sa realidad si Shen Meng Qi, puno ng dalita at pighati ang mukha niya at nag-umpisang magpaliwanag habang natataranta: "I… Mu Fan-ge, makinig ka sa 'kin… mali ka ng iniisip!"

Walang anumang emosyon ang itsura ni Ye Mu Fan. Tahimik lang siyang nakatayo doon bago magsalita, "Mali ng iniisip?"

Umiyak si Shen Meng Qi habang nagsalita din: "Totoo, Mu Fan-ge, maniwala ka sa akin. Lasing ako habang celebratory dinner ng kumpanya. Wala akong alam…"

Tinignan ni Ye Mu Fan kung gaano kahabag at kalungkot si Shen Meng Qi. Kung nasa nakaraan pa ito, handa siyang gawin ang lahat mapangiti lang siya.

Gayunpaman, ngayon, nasusuka siya nang makita ang inosenteng mukha nito.

Bahagyang yumuko si Ye Mu Fan at hinawakan ang umiikot niyang tyan na para bang masusuka na siya. Bigla siyang tumawa. "Oh, ganoon ba? Hindi mo alam? Hindi mo alam na mas maganda ang ipinaparamdam niya sa 'yo kaysa sa talunan na katulad ko?"

Nang marinig ang sinabi ni Ye Mu Fan, bahagyang nanigas ang nangingiyak na mukha ni Shen Meng Qi.

Nagpatuloy Ye Mu Fan: "Hindi mo alam… na nandidiri ka kapag nakikita mo ang walang kwentang katulad ko? Hindi mo alam… na kapag binenta mo ang basurang katulad ko… hindi ako magkakaroon ng halagang $100,000?"

Tuluyan nang nanigas si Shen Meng Qi.

Talagang narinig ng basurang ito ang bawat salita...

Ibig sabihin hindi siya pumasok mula sa bintana pero nagtatago siya doon.

Kinuha ni Ye Mu Fan saro ng bulaklak sa lamesa sa tabi ng kama at malakas na hinagis sa dingding. "SHEN MENG QI! Naging tapat ako sa 'yo. Para sa 'yo, ginawa ko ang lahat. P*tang*na, nagnakaw pa ako ng impormasyon mula sa sariling kumpanya ng pamilya ko para sa 'yo! Pero ikaw… nakikipaglampungan ka sa g*gong 'to! Ginagamit mo lang pala ako sa lahat ng oras na 'to, ginagamit mo ako!"

"AH!!!" natakot si Shen Meng Qi sa malakas na pagbasag ng saro ng bulaklak na sa puntong sumigaw na siya, "YE MU FAN, NABABALIW KA NA BA?!"

T*ngina...

Marahas na tinignan ng masama ni Shen Meng Qi si Ye Wan Wan.

Hindi ganoon katalino si Ye Mu Fan para malaman ang lahat ng 'to - hindi nga ako pinagsuspetyahan ng tangang 'to, kaya paano naman siya nakapunta dito at mahuli kami sa akto? Baka si Ye Wan Wan ang may gawa nito.

Nagsisisi si Shen Meng Qi sa una, pero sa sandali ito, ngayon na nalantad na siya, nagalit siya sa kahihiyan. "Ano naman kung nakikipaglampungan ako sa isang palikero? Mas mabuti pa sa walang hiya mong kapatid na hinahagis ang sarili niya sa isang lalaki!"

"Walang ka bang ideya sa estado mo? Paano ka naman mababagay sa akin? Sa una, handa pa akong magsaya sa iyo, pero dahil sa hindi mo alam ang pwesto mo, 'wag mo akong sisihin, pwede ba?!"

Sa sandaling ito, kaswal na sinabi ni He Jun Cheng, "Young master Ye, bakit mo 'to ginagawa?! Hangga't masunurin mo akong tinutulungan, hindi kita hahayaang magutom! Magpapanggap ako na walang nangyari ngayon!"

"Ha… hahaha…" nang marinig ang mga walang kahihiyang sinasabi ng dalawang ito, natawa si Ye Mu Fan. Sa sumunod na segundo, sinutok ni Ye Mu Fan si He Jun Cheng sa mukha.

"Ah——" napasigaw sa sakit si He Jun Cheng. Tatayo na sana siya pero may sumunod pang isang suntok.

Tila bang isang bayolenteng leon si Ye Mu Fan na puno ng galit; patuloy ang kanyang pagsuntok sa mukha ni He Jun Cheng.

Huminto na lang si Ye Mu Fan nang walang tigil ang paghingi ng awa ni He Jun Cheng at dahan-dahang lumapit kay Shen Meng Qi na nasa kama.

avataravatar
Next chapter