572 Batid ng kapalaran ang buhay o kamatayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Miss Ye, bigyan mo naman ako ng mukhang maihaharap, parang awa mo na? Ako ang host ngayong araw...

Sayang pero, desedido si Ye Wan Wan tulad ng isang mataas na bundok at mukhang determinado na siyang makipaglaban.

Walang magawa si Xu Yi kundi malungkot na lamang. "Saglit, kailangan kong manghingi ng gabay."

Pumunta sa gilid si Xu Yi at mabilis niyang tinawagan si master.

Pagkatapos ng dalawang ring, sumagot na si Si Ye Han.

Balisa na sumagot si Xu Yi, "Hello, 9th… 9th master…"

"Ano 'yon?" Narinig ang malalim na boses ng lalaki.

Ano pa ba?! Nanggugulo na naman ang asawa mo; hindi ko na kayang ayusin ang sitwasyon na ito!

Paano mangyayari ito? Isang manonood lamang siya 'di ba? Mababaliw na ko master!

Umangal si Xu Yi sa kanyang isipan nginit pilit niyang pinigilan ang kanyang emosyon. Sinabi niya kay Si Ye Han nag dahan-dahan at malinaw ang detalye sabay nasindak siya at sinabi, "Ngayon lang nangyari ito kaya… nahirapan akong magdesisyon… kaya andito ako para manghingi ng gabay mo! Ano nang gagawin ko master?"

Hindi ko mapigilan ang asawa mo dahil gusto niyang makipaglaban, tulungan mo ako master.

Sa wakas, pagkatapos ng katahimikan ay malinaw at manhid na sumagot si Si Ye Han: "Sige."

A… ano?

Sige?

Anong ibig sabihin mo sa "sige"?

Natameme si Xu Yi. Magsasalita pa sana siya pero napahinto siya nang marinig niya ang malamig na boses ni master niya: "Sundin mo ang rules ng knockout tournament."

Ano? Sundin ang rules ng knockout tournament?

Buhay at kamatayan ang basehan ng kapalaran nila kapag sinunod ang rules ng knockout tournament!

Master, may mali ba akong sinabi?

Paano ko mapapangatawanan kapag nasaktan si Miss Wan Wan...

"Hello… 9th.."

Magtatanong pa sana si Xu Yi ngunit binaba na ni Si Ye Han ang tawagan nila.

Nagsalita si Yuan Sheng nang makita niyang tuliro si Xu Yi, "Halata naman housekeeper Xu na hindi papayag sa isang mapanganib na kompetisyon si master. Sa tingin ko ay kailangan mo nang kumbinsihin si Ye…"

Bago pa matapos ni Yuan Sheng ang sinasabi niya, tiningnan siya ni Xu Yi at pinatigil siya. "Sumang-ayon si 9th master."

Ano?

Nagulat si Yuan Sheng sa sinabi ni Xu Yi.

Nagulat rin ang lahat ng mga bodyguards sa eksenang iyon.

Mabilis na lumisan ang gulat sa mukha ni Yuan Sheng at bigla siyang natuwa, ngunit umarte siya na parang nasa mahirap sa posisyon siya kaya sinabi niya, "Baka hindi ko kayang pangatawanan ang mangyayari kapag sinaktan ko si Miss Ye!"

Hindi alam ni Xu Yi ang gagawin niya ngunit wala siyang magagawa kundi ulitin ang sinabi ni Si Ye Han: "Inutos na ni master na kailangan niyong sumunod sa rules ng knockout tournament."

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at naging kalmado siya nang marinig niya ang sinabi ni Xu Yi.

Nagsimulang maghiyawan muli ang mga tao dahil sa sinabi ni Xu Yi…

Ang lahat ng tao sa ilalim ng ring ay naghihintay na matunghayan nila ang magandang palabas.

Hindi sana siya mamamatay kung hindi siya makikipaglaban sa apoy...

Pagod na siguro si master sa babaeng ito na laging nagmamalaki, kaya gusto niya itong bigyan ng leksyon?

Hindi na kailangang mag-alala ni Yuan Sheng tungkol sa gagawin niya…

Malamang, hindi niya papatayin si Ye Wan Wan pero magandang oportunidad ito para turuan siya ng leksyon!

Manhid na tumungin si Liu Ying sa taas ng ring habang nasa mga manonood siya.

Alam na niya ang mangyayari - darating ang araw na magbabayad ang babaeng ito dahil sa kabobohan niya.

Kakaunti lamang ang kikilala sa kanya pagkatapos nito.

Bibigyan niya ng matinding leksyon ang babaeng ito, kaakibat niya ang kanyang mapangahas na ambisyon at ang pangako ni master. Ngayong araw, mabibigyan niya ng karangalan ang pangalan niya.

Hindi na nag-alala si Yuan Sheng nang binigyan sila ng pahintulot na magpatuloy sa laban. Ang itsura nita ay mukhang kuntento na para bang kumakain siya ng sample ng dessert pagkatapos ng kainan at nagsalita siya na parang gentleman, "Isang patas na kompetisyon man ito, Miss Ye, ngunit isa kang babae kaya tatapusin ko agad ito na tatlong atake lamang ang gagamitin ko!"

avataravatar
Next chapter