390 Bata, malapit mo nang matagpuan ang kalamidad sa iyong puso!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

*cough cough* Gusto niya pang basahin ang kapalaran namin?

Nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan, ang ekspresyon nila ay parang ganito: "..."

Pinagmamayabang na nga ni Ye Wan Wan ang kamalasan nila, nililinlang niya pa ang mga matipunong bodyguard sa mga kasinungalingan niya!

Pilit na tinago ni Lui Ying ang kumukulong galit sa puso niya at sinabi, "Miss Ye, isipin mo muna ang mga sasabihin mo. Minalas lang ako kagabi."

Ang naka-crew na batang lalaki na nakatayo sa tabi ni Liu Ying ay isa siguro sa mga tagahanga niya rin. Nang makita niyang inaasar ni Ye Wan Wan ang kanyang kapitan, biglang ngumiwi ang kanyang itsura at sinabi, "Miss Ye, parang-awa mo na! 'Wag kang magbiro sa mga ganitong bagay!"

Buti na lang at maganda ang mood ni Ye Wan Wan kaya hindi niya inaway ang binata. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at sinabi, "Anong pangalan mo?"

Nagulat ang binata at sinabi, "Song Jing!"

"Ah…" patuloy siyang tiningnan ni Ye Wan Wan habang pino ang kanyang ekspresyon.

Hindi ko inasahan na siya nga 'yon….

"May sasabihin ka ba Miss Ye?" kinilabutan si Song Jing nang mapansin niya ang titig ni Ye Wan Wan sa kanya.

Yumuko si Ye Wan Wan, tumawa, inunat niya ang kanyang kamay at kinurot ang mga daliri niya (tulad ng ginagawa ng mga manghuhula). Pagkatapos, inangat niya ang kanyang uli at tumingin siya kay Song Jing. "Sa oras na ito, nabasa ko ang kapalaran mo! Hinuhulaan ko na…"

"Hinuhulaan mo na?" pasadyang sinabi ni Song Jing.

Kahit nararamdaman ng mga manonood na mababaw sa kanilang dignidad ang kaguluhang iyon, naki-usyoso pa rin sila sa nais sabihin ni Ye Wan Wan at naisip nila kung anong walang kwentang mga salita ang lalabas sa kanyang mga bibig.

Mahina ang boses ni Ye Wan Wan nang sinabi niya, "Hinuhulaan ko na makakatagpo ka ng kalamidad sa hinaharap."

Nang marinig ng lahat ang sinabi ni Ye Wan Wan, napa-isip silang lahat, kalamidad na naman? Hindi ba siya pwedeng gumawa ng bagong hula?

Hindi pa rin nagbago ang itsura ni Song Jing. "Anong kalamidad?"

Hinaplos-haplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at inisip niya kung pano ito sasabihin. "Uh, kalamidad ito sa puso mo...

Nabigla ang lahat at napamura na lang sila sa kanilang isipan--ano naman yung sinasabi niyang kalamidad sa puso ko?

"Hindi ito tungkol sa pagiging swerte sa pag-ibig, tungkol ito sa kalamidad ng puso mo, malala panganib ng kalamidad na ito!" umakto si Ye Wan Wan na para bang importanteng-importante ang bagay na ito.

Salamat sa kanyang napaka-makapangyarihang memorya, natandaan niya ang bawat isang pangyayari sa buhay niya noon, kahit ilang salita lang ang natatandaan niya tungkol sa kalamidad ni Song Jing.

Bago pa mangyari ang insidente, natandaan niya na habang naguusap ang ilang mga bodyguards, nabanggit nila na habang nasa country B sila, may lalaking nagngangalang Song Jing ang nagustuhan ng isang maskuladong dayuhan at halos hindi na-protektahan ni Song Jing ang maselang bahagi ng katawan niya; naging malaking pasabog ang storyang ito...

Sa ngayon, nakakapangamba talaga ang seguridad ng buhay ni Song Jing. Lalo na at dahil naging totoo ang hula ni Ye Wan Wan sa aksidenteng nangyari kay Liu Ying...

Pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at dahan-dahan niyang sinabi, "May paraan ako para masira ang sumpa. Gusto mo bang bigyan kita ng hint? 20% discount lang oh!"

Nandilim ang itsura ni Song Jing. "Hindi ko na kailangan ng hint Miss Ye, salamat na lang sa pag-aalala mo."

Biglang nag-alala si Ye Wan Wan. "Sigurado ka na ayaw mong malaman ang hint? Napaka-delikado ng mangyayari! May masasaktan sa kalamidad na ito!"

Hindi man nakuha ng matipunong dayuhan ang ninanais niyang mangyari, naging dahilan ang kalamidad na ito para magkaroon ng matinding trauma sa pag-iisip si Song Jing...

Bilang isang tunay na lalaki, mapapansin rin sa pag-uugali ni Luo Chen ang naging epekto ng panghahalay sa kanya.

Nagbuntong hininga na lamang si Ye Wan Wan at nalungkot nang makita niyang hindi naniniwala si Song Jing at tiningnan lang siya ng binata na parang baliw. Hindi niya na pinagpatuloy pa ang usapan at umalis siya pagkatapos niyang kumain.

Habang tiningnan ng lahat ang pag-alis ni Ye Wan Wan, nangutya si Song Jing dahil hindi siya makapaniwala, "May problema ba sa utak ang babaeng iyon?"

"Magulo talaga siya at sobrang rin niya!" umiling ang ulo ng katabi ni Song Jing at tumawa na lang.

"Pero kapitan, tama siya tungkol sa insidente mo!" sumabat ang isa sa kanila.

"Nagkataon lang ang nangyari, parang tae 'di ba? May problema ka rin ba sa utak? Kalamidad sa puso? Nasa panganib ka rin ba? Walang nakakaalam sa pinagsasabi niya!"

...

avataravatar
Next chapter