628 Basta’t makapal ang mukha mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sanay na si Xu Yi sa walang sawang landian ng dalawang ito kaya nagsalita siya na walang halong pandidiri, "Oo nga pala, ano ang solusyon mo, Miss Wan Wan?"

Ngumiti si Miss Wan Wan. "Simple lang ang solusyon ko. Kailangan kong kumbinsehin ang kapatid ko na tumanggi siya sa harap ng mga lolo at lola. Ang nakuhanan lamang ng camera ay ang pagpasok ni Ye Mu Fan sa loob ng silid, ngunit hindi nila nakita kung ano ang ginawa niya sa loob; sinong makakasabi kung nakasilip man siya sa importanteng dokumentong iyon?"

"Nagtanong na ako sa kapatid ko - buti na lang at naisip niyang magsuot ng gloves noong binuklat niya ang dokumento, kaya wala siyang naiwan na fingerprints. Siya lang naman ang kaisa-isang lalaking apo ng Ye family. Mahal na mahal at espesyal si Ye Mu Fan kay lola noon, bago pa siya palayasin ni lola para tahakin ang tunay na mundo upang matauhan siya. Basta't gagawin ng kapatid ko ang lahat para magmukha siyang nakaka-awang mokong, edi gagana talaga ang plano kong ito!"

Si Ye Han: "..."

Xu Yi: "..."

Gagana kaya iyon?

Walang masabi si Xu Yi.

*Ehem ehem* Ganito nga naman harapin ni Miss Wan Wan ang mga… tuntunin niya sa buhay...

"Hehe, ang talino ko 'di ba, Ah Jiu?" sinubukang magpabola ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Si Ye Han ang mapanlinlang na mukha ni Ye Wan Wan na nakangiti hanggang sa lumabas ang kanyang mga dimples. Nagtataka si Si Ye Han dahil inaalam niya kung bakit masaya at buhay na buhay si Ye Wan Wan. "Oo, ang talino mo."

Masayang pinanood ni Xu Yi ang dalawang maayos na nakikisama sa isa't isa.

Malaki ang pinagbago ni Ye Wan Wan mula sa noo'y mapangutya at magagalitin niyang pag-uugali.

Hindi niya lang nagawang iligtas ang sarili niya, niligtas niya rin ang lahat ng taong nasa paligid niya.

...

Kinaumagahan.

Sa lobby ng Ye Group Company.

Napahinto si Ye Mu Fan sa harap ng malaking glass entrance ng gusali at mukhang mabigat ang kanyang dinadamdam.

Katabi niya si Ye Wan Wan nang bigla itong magtanong, "Ano yun?"

Napa-kunot si Ye Mu Fan. "Wan Wan… gagana kaya ang ideya mo…?"

Paano ako makaka-tanggi kung may mailalaban sila sa akin na kongkretong ebidensya? Imposible nang makakawala ako dito!

Hindi bobo sila Ye Shao An at Liang Mei Xuan...

Tiningnan siya ni Ye Wan Wan at kaswal niyang sinabi, "Basta't makapal ang mukha mo, kakayanin mo yan!"

Ye Mu Fan: "..."

Sa loob ng meeting room:

Nasa loob ng silid ang matandang mag-asawa na sila Ye Shao An at Liang Mei Xuan, andoon rin sila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting.

Hawak ng lawyer ang inihandang mga dokumento laban kay Ye Mu Fan at nakatayo lamang siya sa gilid nang may seryosong mukha.

Makikita sa tindig niya na handa niyang ipaglaban ang isyu na ito.

Nagmakaawa si Ye Shao Ting, "Papa, parang awa mo na at patawarin mo na si Mu Fan. Masisira ang buong buhay niya kapag nahatulan siya sa krimen na ito…"

Galit na si Ye Hong Wei. Halata sa kanyang itsura na ayaw niya nang magsalita. "Manahimik ka! Bakit wala kang ginawa noong una palang? Edi sana hindi ka nag aalala ngayon 'di ba?"

"Ppp-pa…"

Lumuhod at nagmakaawa kay Tan Yi Lan si Liang Wan Jun nang makita niya na desedido na ang matanda sa desisyon nito. "Mama, mama, si Mu Fan ang pinakamamahal mo. Parang awa niyo na po, hayaan niyo na lang siya…"

Binalot ng galit ang mga mata ni Tan Yi Lan na masamang nakatitig kay Lian Wan Jun.

Noon pa man, planado na ni Tan Yi Lan ang mapapangasawa at kasal ng anak niyang si Ye Shao Ting; ngunit dahil nais ni Ye Shao Ting na pakasalan si Liang Wan Jun, walang magawa si Tan Yi Lan kundi sundin ang gusto ng kanyang anak.

Simula noon, hindi na siya natutuwa sa maganda niyang manugang na ito. At saka, matagal na panahon bago mabuntis si Liang Wan Jun noong kasal na sila ni Ye Shao Ting.

Gayunpaman, laging niyang kasama noon si Liang Mei Xuan na masunurin sa magulang at matalinong kausap.

Pagkatapos nito, aksidenteng nabuntis si Mei Xuan at gusto niya na magdiborsyo ang panganay na lalaki niyang anak. Gayunpaman, muli na naman siyang sinuway ng lalaki niyang anak at sa kasakiman nito, tinalikuran ni Ye Shao Ting ang sarili niyang kadugo. Sa huli, nagboluntaryo ang pangalawang anak niya na pakasalan si Mei Xuan kaya dumating ang anak nilang si Ye Yiyi.

avataravatar
Next chapter