102 Baliktarin ang katotohanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago pa tinulungan ni Si Xia na iiwas ang sampal na galing kay Cheng Xue, meron na agad itong masamang kutob dito ngunit hindi niyang akalain na ang balitang ito ay mabilis na kakalat.

Binuksan ni Ye Wanwan ang forum upang tignan, agad niyang nakita sa unang page ang mga sikat na paksa: "Ang istorya ng panget na babae sa Qing He at ang hunk na dapat pag usapan sa Qing He."

"Panget na babae" at "School hunk"- ang kahindik-hindik na pamagat na ito ay makakapukaw ng madami sa unang tingin pa lang.

Ang post ay nagsimula sa kung saan nanguna sa klase para sa mga exam at detalyadong inilarawan kung paano ito hakbang-hakbang napalapit si Si Xia,

Tila ba sinadya niyang magpahuli upang mapapalapit kay Si Xia, at nandaya sa exam upang manguna sa klase at patuloy na naka dikit kay Si Xia. pagkatapos, siya ay nandaya ng mabigo itong makuha ang role na Snow White at mas lalong napalapit kay Si Xia at sinandayang yakapin ito sa loob ng klase at walang tigil na inaabala ito.

Ang buong article ay walang kabuluhan at napahiya lang dahil dito.

Patungkol sa kaniyang resulta, ang lahat ng guro ay nag presenta at inamin ni Liang Li Hua na ang resulta ay totoo. Noong nagbubunutan na, hindi man lang nahawakan nito ang box -- pano niya ito madadaya? Kung ginipit man niya si Si Xia, paano nangyari na nagsalita si Si Xia para sa kanya sa hall nang gustong ipagpalit ni Liang Li Hua ang role para sa palabas?

Ang lahat ng mga ito ay walang saysay: wala namang mapapahamak kung aalamin nila ang katotohanan. Ang lahat ay para bang mga buwitre na handang kumain ng lamang loob at pag pira-pirasuhin siya.

Maswerte lamang ang panget na ito na mapalapit sa pinapangarap nitong lalaki at maipagtanggol nito. Para sa kanila, ito ay kasuklam-suklam.

Love The Winter Night: ( Estudyante ako ng class F. At nakita ko mismo--na ang ugly freak na ito ay sadyang hinahawakan ang katawan ni Si Xia habang nag kaklase! kadiri!)

Crayon Without Shin Chan: (Oh my God, Talaga ba?! Kadiri! Katuld ng sinasabi, ang mga panget ang gumagawa ng gulo! Tignan muna niya ang kaniyang sarili sa salamin-- ang kapal ng mukha niyang habulin si Si Xia!)

Left Hand Reversed Image: [Ang aming dream boy ay mabait at hindi nag iingat sa kanya. Siya pa mismo ang humalik sa kanya! Damn!, sino ang hahalik sa kanya ng ganyan ang kaniyang mukha? kung ako sa kanya, maisusuka ko na ang kinain ko kagabi!]

Sprinkling z to empty some avoided memories: [Hindi ba at pina alis na natin iyan sa school dati? Bakit hindi parin ito umaalis! Masyado kong minaliit ang kakayahan ng ugly freak na ito]

Love The Winter NIghts: [Tsk tsk, kung wala itong taktika, kaya ba niya pinaglalaruan ang big shot ng Qing He? Ang mga ganitong uri ng tao ay dapat pinapatalsik sa Qing He!]

Timeless: [Patalsikin si Ye Wanwan paalis ng Qing He!]

At nang matapos ang post, ang insidenteng nangyari kay Ling Dong ay nabanggit din. Tinawag itong two-timer.

Alam niya na ang lahat ng ito ay puro kasinungalingan lamang, gayon pa man, hindi naman niya kailangan ipaliwanag ang kaniyang sarili.

Paano niya ito maipapaliwanang sa kanila? Sasabihin ko ba sa kanila na one-sided lamang ito at si Ling Dong at si Si Xia ay ang interesado sa kaniya?

Kung susubukan niya ito, siya ay natatakot na baka duraan lamang siya ng mga ito!

Wanwan, ayos ka lang ba? Sumusobra na ang mga taong ito, paano nila nasasabi ang mga bagay bagay na ito sayo?!" nagagalit na sabi ni Shen Meng Qi.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila hanggang ngayon ay masigla parin ito hanggang ngayon. Ang lahat ng mga mensaheng naipadala nito kay Si Ye Han dati ay naka markahan ng "read", ibigsabihin malamang nabasa na niya ang mga ito.

Ngunit hindi lamag ito nabubuhay ng maayos, inakit niya din si Ling Dong at naging maayos ang ugali ni Si Xia sa kanya.

Nang makita niyang ang nagaalalang mukha ni She Meng Qi, malamiyang na ngumiti si Ye Wanwan.

Ang mga gumawa ng thread, " Love The Winter Nights", nagtatatalon sa insulto ay si Shen Meng Qi.

Love the Winter Nights...

Ang ID na ito ay may malalim na kahulugan...

Tsk, gusto niya bang marinig ang mga opinyon ng publiko?

Sa una palang plano na nitong sinusubaybayan ng patago sa mga susunod pang araw, pero ngayon ang tamang pagkakataon para gamitin ito.

avataravatar
Next chapter