425 Baliin ang kanyang bintiboth his legs

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sabi ni Si Ming Rong sa kanyang mababang boses habang maigting ang itsura: "Hulihin niyo siya, pahirapan niyo siya at kwestyunin, ikulong niyo ang mga Xu at 'wag kayong magpalabas maski isa sa kanila."

Naayos na ang isyu; mauuwi ang kapalaran ni Xu Yi tulad ng nangyari sa nakaraan niyang buhay.

Sa nakaraan niyang buhay, matapos na maligpit si Xu Yi, kating-kati si Si Ming Li na patayin ang bawat miyembro ng mga Xu bilang isang parusa sa mga magtatangkang magrebelde, wala siyang iniwang buhay!

Alam na ni Xu Yi na napagbintangan lang siya. Hindi lang ako 'yung apektado, pero pati ang buong pamilya at kamag-anak ko ay hindi matatakasan ang kalamidad na 'to. Kahit na magising si master, hindi niya ko maliligtas...

Humapit ang mga mata ni Xu Yi matapos marinig ang sinabi ng old madam at ni Si Ming Rong.

Napaluhod siya ng isang tuhod lang sa lapag. Patuloy pa din ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mukha. Kahit na ano pang paliwanag niya, walang maniniwala sa kanya. Kahit na sinasabi niyang nagsasabi siya ng totoo, iisipin lang nila na gumagawa lang siya ng palabas at nagkukunwari lang. Kahit na itaga ang sarili niya, iisipin lang nila na nagpakamatay siya para makatakas sa parusa...

Hindi ko kayang patunayan na inosente ako!

"Hindi ako 'yon! Hindi ko ginawa 'yon! Hindi ko tinraydor ang master ko! Ispya talaga ang lalaking nandoon!"

Nawawalan na ng pag-asa si Xu Yi. Halos mapunit na ang kanyang mata kakasigaw, pero nakaharap niya lang ang mga malalamig na mata na nakatingin sa kanya...

Nangutya si Si Ming Li. "Sabi sa patakaran sa pamilya natin, kailangan baliin muna natin ang dalawa niyang binti at idala sa prosecution hall!"

May mga hawak na espesyal na pamalo ang dalawang matipunong bodyguard na walang bahala sa kanilang itsura, maingat silang lumapit kay Xu Yi na para bang mawawalan ng kontrol si Xu Yi at manakit ng tao. Agad na dinaganan ng isang bodyguard si Xu Yi.

Para bang may biglang naalala si Ye Wan Wan - kung hindi siya nagkakamali, salanta na ang mga binti ni Xu Yi ngayon...

"Pakawalan niyo ko… nagkakamali kayo, nagkakamali kayo!" desperadong sigaw ni Xu Yi.

"Bang"!

Naiinis ang bodyguard habang walang tigil niyang binubugbog si Xu Yi sa puntong wala na siyang lakas para gumawa ng anumang tunog.

Puno na ng dugo ang mukha ni Xu Yi habang tinanggap ang mga suntok. Ang dating matalino at matalas niyang mga mata ay ngayo'y madilim na at wala ng liwanag sa mga ito.

"Ako, si Xu Yi, ay naging tapat sa master; kailanman hindi ako naging taksil… tinrato ko parang mga kapatid ang mga Si… pero ng dumating sa puntong ito at walang handang maniwala sa 'kin… haha… kung gusto niyo naman akong mamatay, bakit ko pa dedepensahan ang sarili ko…"

Para bang baliw na tumawa si Xu Yi na tinanggap ang na niya ang kanyang kapalaran.

Buong pwersa inangat ng isang gwardya ang hawak na mahabang pamalo. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto habang walang awang dumapo ang pamalo sa sa kanang binti ni Xu Yi.

"Master, hindi ka na po masasamahan ni Xu Yi…"

Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Xu Yi habang pumikit na tuluyan ng nawalan ng pag-asa.

Sa sandaling ito, isang mahing pigura ang sumalimbay sa kanya.

"Bang!"

Biglang natigil kalagitnaan ang mahabang pamalo na may malakas na pwersa.

Sa kabilang dulo ng pamalo ay hawak ng isang maliit na kamay.

Napakunot ang kilay ni Xu Yi at napadilat. Tuliro siya sa mga biglaang nangyayari.

Kahit na mukhang mahina ang babaeng nasa harapan niya, para itong higante na hinaharangan ang katawan niya, na hinaharangan ang pamalo na makakapagbali sa kanyang binti.

Napalingon ang gwardya kay Ye Wan Wan. Nagulat din siya sa nangyari. Sobrang lakas naman nitong babaeng 'to.

"Eto…" lumingon ang gwardya sa mga matatanda.

Mistress ng mga Si ang babae. Sa sandaling ito, talagang umabante ang mistress ng bahay, kaya bilang maliit na gwardya ng mga Si, hindi na siya nagtangka pang maging mapusok.

avataravatar
Next chapter