438 Bakit? wala ba akong pakialam?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakatago patagilid si old madam sa may pintuan. Lumipat siya sa gilid nang makita niya na mabilis na tumakbo palabas ang babae at naging emosyonal siya sa kanyang natunghayan.

Hay, ang batang ito...

Hindi maikakaila ang kadiliman sa mata ng lalaking nakahiga sa kama, habang tinitingnan niya ang direksyon kung saan paalis na tumakbo ang babae.

Wala akong pakialam sa buhay ko?

Bakit? Wala ba akong pakialam...

Kung kailan, palapit ng palapit na siya sa akin...

Mas lalo na rin nagiging totoo...

Para bang mahahawakan ko na siya...

...

Pagkatakbo palabas ni Ye Wan Wan, may nakita siyang pwesto sa tabi ng flowerbed at pinakita niya ang galit niya ng mag-isa lamang siya sa lugar na iyon.

Mamamatay ako sa sobrang galit sa demonyong iyon.

Sinong tao ang makikipag-usap sa kanyang business partner sa phone, sinabi niya pa na pag-uusapan nila ang proyekto sa susunod na tatlong araw matapos maubos ng kanyang lakas sa kaka-trabaho, nakaligtas siya sa isang assasination attempt at matapos siyang sinabihan ng doktor na anim na buwan na lamang ang natitira sa buhay niya?

Kahit ang tao na ayaw nang mabuhay ay hindi sasagarin sa kamatayan ang buhay nila, hindi ba?

Bakit pa aaksayahin ni Ye Wan Wan ang oras niya para iligtas si Si Ye Han, kung wala namang pakialam si Si Ye Han sa kanyang buhay?

Ramdam tuloy ni Ye Wan Wan na nagmumukha lamang siyang tanga.

Hayaan ko na nga...

Gawin niya na lang ang gusto niyang gawin...

Walang kwenta ang gagawin ko kung hindi siya susunod at kung wala na rin naman siyang pakialam sa kalagayan ng kanyang katawan!

Tatayo na sana si Ye Wan Wan nang bigla siyang napahinto sa narinig niyang dalawang tao na nagbubulungan.

"Ikaw na magdala sa kanya!"

"Hindi hindi hindi, ikaw na lang, ikaw na magdala! Nung ako yung nagdala noong nakaraan, nagta-trabaho pa si 9th master. Hindi niya nga ako tiningnan kaya hindi na rin ako makalapit sa kanya!"

"Wei, bakit ako na naman? Isang beses na akong pumunta doon eh! Alam mo naman na kinamumuhian ni 9th master ang Chinese na madisina! Nung dinala ko itong mga medisina, ramdam ko ang nakakamatay na awra ni 9th master kahit sampung metro palang ang layo ko sa kanya! Ang malala pa ay kapag nakalimutan ni 9th master ang medikasyon niya dahil inuuna niya ang trabaho, paparusahan tayo ni old madam kapag nangyari iyon!"

"Edi hayaan natin na parusahan niya tayo! Hindi ako takot sa parusa ni old madam; mas nakakatakot pa rin si 9th master. Noon, nung dinala ni Xiao Zhang ang medisina ni 9th master, aksidente niyang nagising si master noong naglakad siya papalapit, para bang nagising siya mula sa isang bangungot o basta! Tapos nilabas ni 9th master ang baril galing sa gilid ng kama niya at naihi si Xiao Zhang sa kanyang pantalon sa sobrang takot…"

"Eh… ano palang gagawin natin… narinig ko ang balita na hinimatay si 9th master sa sobrang pagod raw… malamang, mas magulo ang emosyon niya ngayon noh…"

"Bakit… bakit hindi na lang natin subukan na dalhin ito sa kanya?"

Para sa akin, tatanggapin ko na lang ang magiging parusa sa akin…"

...

Maririnig ang buntong hininga sa isang gilid at may taong nagsalita, "Ibigay mo sa akin yan."

May tao na biglang lumabas galing sa flowerbed kaya nagulat ang dalawang katulong, muntikan pang lumabas ang kaluluwa nila sa sobrang takot.

"Ah-----ikaw…"

"Miss… Miss Ye? Bakit andito ka?"

Nagulat ang munting katulong.

Naka-squat si Ye Wan Wan sa ilalim ng flowerbed. Mawawala na sana ang galit niya kay Si Ye Han nang biglang narinig niya ang dalawang katulong na nagbubulungan, nagtutulakan pa ang dalawang ito kung sino ang magdadala ng medikasyon kay Si Ye Han. Sa huli ng diskusyon ng dalawa, napag-desisyonan nila na mamaya na lang ibigay ang medisina ni master at mas gugustuhin na lang nilang maparusahan kaysa dalhin nila ito kay Si Ye Han.

Kailangan mainom ni Si Ye Han ang medikasyon niya sa tamang oras para maging epektibo ito - bakit nila imamaya't maya ang responsibilidad nila?!

Blangko ang itsura ni Ye Wan Wan at sinabi, "Nagpapahangin lang ako sa ilalim ng mga halaman. Hindi ba kayo ang magbibigay ng medisina kay Si Ye Han? Akin na yan, hahanapin ko na din naman sk 9th master, kaya ako na lang magdadala nito sa kanya."

"Talaga po!?" Sa wakas at nakahinga na ng maayos ang dalawang katulong. Tiningnan nila si Ye Wan Wan na parang Mahabaging Diyosa ito na nililigtas ang mga tao palayo sa mga mahihirap na pagsubok ng buhay.

"Salamat, Miss Ye!"

"Salamat! Miss Ye, mag-ingat ka at 'wag mong hayaan na mapaso ang kamay mo!"

Paulit-ulit siyang pinasalamatan ng dalawang katulong at dahan-dahan nilang ibinigay sa kanya ang maliit na tasa ng Chinese Medicine.

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang medisina at bigla siyang napapikit dahil sa pagka-irita.

avataravatar
Next chapter