1071 Bakit siya susunod sayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kalokohan!" Humarap si Ye Mu Fan kay Liang Shi Han at bigla siyang suminghal. "Sa tingin mo ba ay papayagan ka naming suriin ang bag niya dahil lang sinabi mo? Bakit hindi ka na lang tumayo sa harap ng araw at makipag-akbayan ka sa kanya?"

Suspetya ni Ye Mu Fan na nilagay nila ang singsing sa bag ni Ye Wan Wan bago pa mangyari ang lahat ng ito. Kung hindi, hindi rin sana magkakaroon ng malaking kaguluhan sa araw na ito. Si Ye Yiyi ang mapapahiya kung hindi sila sigurado na na kay Ye Wan Wan nga ang singsing at hindi nila ito nahanap sa kanya. Imposible na gagawin ni Ye Yiyi ang bagay na iyon sa araw na ganito ka-espesyal.

Napag-desisyonan ni Ye Mu Fan na hindi niya hahayaan ang sino man na mag-check sa bag ni Ye Wan Wan.

Sa ngayon, pinapanood sila ng mga bisita habang ang mga ito ay nagbubulungan.

"Bakit ayaw niyang hayaan ang ibang tao na alamin kung ano ang nasa loob ng bag niya, kung hindi niya nga ito ninakaw…"

"Tama. Wala namang masamang mangyayari kung titingnan lang naman nila ang laman ng bag niya at para maipakita na rin niya na inosente siya. Kung hindi nila ito mahanap, si Ye Yiyi naman ang mapapahiya…"

"Heh, bakit hindi sila sigurado? Ang bawat isa naman sa kanila ay kusang inabot ang kani-kanilang bags at pumayag rin sila na tingnan ang mga nilalaman nito. Si Second Miss lang na galing sa pamilya ng panganay ng Ye family ang ayaw magpakita ng nilalaman ng kanyang bag. Malinaw naman na may sikretong nagaganap, 'di ba? Siya siguro ang nagnakaw ng singsing! Sigurado ako na ang singsing ay nasa loob ng kanyang handbag!"

Lumapit si Huang Ming Kun at tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Miss Wan Wan, pasensya na. Ngayong araw ay isang espesyal na araw, kaya umaasa ako na makikipagtulungan sa amin si Miss Wan Wan…"

"Bakit naman siya makikipagtulungan sayo? Subukan mong buklatin ang bag niya, hinahamon kita!" Tumayo si Ye Mu Fan sa harap ng kanyang kapatid.

"Steward Huang, hindi ito gagawin ni Wan Wan…" nagsalita si Ye Yiyi upang iligtas si Ye Wan Wan.

Umiling si Steward Huang at bumuntong hininga. "Miss Yiyi, nahalungkat na namin ang bag ng ibang mga bisita. Pambabastos sa ibang bisita ito kung hindi natin hahalungkatin ang bag ni Miss Wan Wan. At tsaka, gusto lang natin linisin ang pangalan ni Miss Wan Wan. Ayaw na natin siyang pahirapan pa."

"Well…" nagdadalawang isip si Ye Yiyi.

"Masyado kang mababaw, Yiyi. Pumayag ang lahat na magpahalungkat ng bag, maliban na lang kay Ye Wan Wan. Naniniwala ako na ninakaw niya ang singsing. Bakit mo ba siya pri-no-protektahan kahit na masahol ang trato niya sayo noon!" Ngumisi si Liang Mei Xuan.

"Ma… huwag mong siraan ng ganyan si Ye Wan Wan," nakasimangot na sinabi ni Ye Yiyi.

"Ano ba ang sinasabi ko? Kung hindi niya talaga ito ninakaw, sana kanina niya pa binigay sa atin ang bag niya para hindi natin siya pag-suspetyahan! Makikita naman na 90% akong sigurado na siya ang magnanakaw!" Suminghal si Liang Mei Xuan. "Nagpalaki ng isang pokpok na inggrata ang Ye family! Bakit siya magnanakaw ng ganitong bagay?!"

Ang mga tagapagmana na kusang nagbigay ng kanilang handbags ay tinitigan si Ye Wan Wan nang may pandidiri sa kanilang mga mata. Umarte sila na para bang insulto sa kanila ang presensya ni Ye Wan Wan.

Gulat na tiningnan ni Liang Wan Jun ag Ye Shao Ting si Ye Wan Wan. Naniniwala sila na hindi magnanakaw ang kanilang anak, ngunit hindi nila maintindihan kung bakit ayaw ibigay ni Ye Wan Wan ang kanyang handbag.

"Miss Wan Wan, sana hindi mo na sinasayang ang mahalagang mga oras ng bisita natin…" tiningnan ni Huang Ming Kun si Ye Wan Wan.

"Bakit kita hahayaang suriin ang bag ko?" Sumabad si Ye Wan Wan kay Huang Ming Kun.

"Dahil si Miss Wan Wan ay sinususpetyahan na nagnakaw ng singsing, kaya sana makipagtulungan ka na upang malinis ang pangalan mo, Miss Wan Wan," sumagot si Huang Ming Kun.

Gayunpaman, walang pakialam sa kanya si Ye Wan Wan. "Ikaw ang nagsususpetya, hindi ako. Ako mismo ang makakaalam kung ako ay karapat-dapat bang pagsuspetyahan. Kaya, kahit na lohika ito o batas, hindi ko obligasyon na sumunod sayo."

avataravatar
Next chapter