297 Bakit siya pa?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"May sexual partners ka ba? F*** buddies? One-night stands?" seryosong nagtanong muli si Ye Wan Wan.

Mas maganda kung wala siyang naging partner, kung meron man, kailangang malaman agad ni Ye Wan Wan kung may marumi siyang nakaraan.

At dahil diretso magsalita si Ye Wan Wan, nanigas ang buong katawan ni Luo Chen kaya dumeretso siya sa kanyang pagkaka-upo. "Wala…"

Medyo napawi ang pagka-seryos ng itsura ni Ye Wan Wan. "Very good."

Pagkatapos, walang bahala siyang nagtanong muli, "Sinong may hawak ng Weibo account mo? Nasa iyo pa rin ba iyon?"

"Si Bin-ge yung may hawak nun noon." sagot ni Luo Chen.

Kaya pala tatlong taon nang nakakaawa yung laman ng Weibo niya. Wala man lang updates simula noon...

Sumimangot si Ye Wan Wan at sinabi, "Sige, ako nang bahala dito. Pagkauwi mo, tingnan mo ang mga accounts mo sa social media, tapos paki-delete yung mga inappropriate content kung meron man. I-che-check ko ang mga yun mamaya."

Hindi napansin ni Luo Chen na sumang-ayon siya sa mga utos ni Ye Wan Wan. "Osige."

"Oo nga pala, binigyan ka na ba ng basic pay ng kumpanya?" tanong ni Ye Wan Wan.

Nasasaktan na sumagot si Luo Chen, "Kalahating taon na akong walang sweldo…"

"Ano palang pinag-ga-gawa mo sa tinagal mo dito?" tanong ni Ye Wan Wan.

Mukhang nahihiya si Luo Chen, "Kakaiba… ang mga naging… trabaho ko…"

Wala siyang choice dahil hindi siya pwedeng maghanap ng trabaho sa loob ng entertainment industry at bawal din siyang makakuha ng private assignments-- kung hindi, kakasuhan siya ng kumpanya. Kaya naghanap siya ng mga kakaibang trabaho dahil wala nga siyang choice.

Nawalan ng emosyon ang itsura ni Ye Wan Wan.

Kadalasan ang mga artistang may kontrata ay nakakakuha ng basic pay, pero walang binigay na assignment si Zhou Wen Bin kay Luo Chen at patuloy niyang pinanghahawakan ang kontrata niya. Ayaw niyang pakawalan si Luo Chen at hindi rin siya binigyan ng parte sa kanyang basic pay. Halatang ginagamit niya si Luo Chen hanggang sa bingit ng kamatayan.

Pwera pa sa walang kwentang basic pay, pwede rin namang makakuha ng pay ang mga artista sa ilang mga litrato sa magazine o sa paghahanap ng ibang mga assignments. Ngunit, sa trabaho lang na iyon nakakuha ng income si Luo Chen.

Hindi mahirap isipin ang paghihirap ni Luo Chen sa loob ng tatlong taon na iyon. Talentado at matalino siya, handang iharap ang kanyang galing sa showbiz, ngunit pinilit siyang mapunta sa mababang uri ng trabaho para lang makakuha ng katiting na sweldo.

Handa pa sigurong magtagal ng dalawang taon sa ibang kumpanya si Luo Chen. Ngunit, masisira lang ang limang taon ng pag-ta-trabaho niya kapag natapos agad ang kanyang kontrata. Halata naman sa masamang kalakaran ni Zhou Wen Bin, hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Luo Chen sa sumikat muli.

Walang may gusto sa artistang kulelat at may magulong nakaraan.

Nung nakaraan sa opisina ni Zhou Wen Bin, narinig ni Ye Wan Wan si Zhou Wen Bin na hindi na makapag-bayad si Luo Chen sa medical bills ng nanay niya.

Nag-isip muna si Ye Wan Wan bago sabihin, "May uutusan akong tao para ibigay sayo ang hindi nabigay ng kumpanya na salary mo. Magagamit mo muna ito para sa mga emergencies."

Tinawagan agad ni Ye Wan Wan ang finance department.

Kaga-galit lang ni Chu Hong Guang at magiging mahirap kausapin si Zhou Wen Bin dahil sa nangyari kanina, kaya naisip niya na siya na lang ang haharap sa mga maliliit na desisyon na tulad nito.

Tulad ng inaasahan niya, maraming excuses ang finance department tulad ng, naghihintay raw ng increase ang kumapanya sa income nila at saka nagtitipid raw ang kumpanya sa mga expenditures. Sa huli, pumayag na lamang sila na bigyan ng salary si Luo Chen.

"Okay na. Puntahan mo na lang sa finance department mamaya."

Nag-iba ang mga mata ni Luo Chen nang makita niyang binalik ni Ye Bai ang kalahating buwan na salary niya gamit lamang ang isang tawag, sumagot siya ng medyo paos at pagod na boses, "Salamat."

Umabot ng 10,000 yuan [1] ang kalahating taon na salary at sapat ito para makaalis siya sa mahirap niyang buhay ngayon.

Ngunit sa hinaharap… wala siyang ideya kung ano ang magiging kapalaran niya...

Ang lalaking ito… gusto niya talagang ako ang maka-trabaho niya?

Pero bakit ako?

Bakit hindi siya pumayag kay Zhou Wen Bin na ipalit ako kay Lin Hao?

Wala siyang ideya sa kakaiba niyang kakayahan, para tubusin siya ng isang lalaking nagpakahirap para sa kanya at handa ring makipag-away kay Zhou Wen Bin para makuha siya...

avataravatar
Next chapter