1010 Bakit pakiramdam mo na hinuhuli mo ang iyong partner na nagloloko?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Upang maiwasan na makilala ng mga fans, hindi malayang naglalakad so Han Xian Yu. Kailangan niya maghanap ng isang mataas na terrace na may malawak na tanawin at doon nanunuod. 

Kahit na kailangan niyang manuod mula sa malayo at para hindi siya masundan nila, nakita niya ng malinaw ang pag-uusap ng dalawa.

Umaarteng magkasintahan si Si Ye Han at Ye Wan Wan sa kanilang honeymoon. 

Dahil may sapat na oras ang dalawa, sila ay nagsimulang magtingin-tingin sa shopping center at bumili ng ilang pagkain mula sa mga food stall. Pinapakain nila ang isa't isa. 

Ng sila ay matapos maglakad-lakad, pumunta si Ye Wan Wan kay Si Ya Han upang kunin ang kanyang gown mula sa lugar na kanilang kinuhanan. 

Nakita ni Fei Yang ang babae at lalaki, na sinusubaybayan ni Han Xian Yu, na pumasok sa isang sikat na pribadong styling club. Tumingin siya sa magkasintahan saka kay Han Xian Yu, na natinatago ang kanyang itsura sa ilalim ng salamin at maskara, na may nakakatakot na mukha. "Xian Yu… bakit parang hinuhuli mo ang iyong partner na nagloloko? Gusto mo ba ang babaeng yan? Sh*t! Xian Yu, hindi ka maaaring magkaroon ng relasyon ng walang sinabi sa akin, ayos ba?" 

Tumitig si Han Xian Yu sa may tindahan at padalos-dalos na sumagot, "hindi." 

"Oh… tama… tama… tinakot mo ako… kapag papasok ka sa isang relasyon, kailangan sabihin mo muna sa akin… hindi ko mapanghahawakan ito ng maayos kung hindi man…" Tinapik ni Fei Yang ang kanyang dibdib sa takot. "Pero kung hindi mo hinuhuli ang iyong partner na nagloloko, anong meron ngayon?" 

Hindi nagsalita ng kahit ano si Han Xian Yu. Gulong-gulo ang utak niya. 

Ang tanging nangingibabaw sa kanyang isipan ay: Kung totoo ito, anong dapat kong gawin… paano ko sasabihin kay Ye Bai...

Gayunpaman, pinanatili niya ang pagnanais na pag-iisip. Sa halip na ang babae ay kanyang kamag-anak, parang isang nakababatang kapatid o anuman…? 

SPE Styling Club:

Guan Xiaohe, isang babaeng nasa 30s ang nakasuot ng pinaka ma-istilong damit na top stylist dito, ay naghihitay ng matagal. Ang store manager, na si Zhou Shangjing, ay nagmadali din bumalik mula sa abroad at gumawa ng kakaibang pagkakakilanlan. Sinara nila ang tindahan ngayon. 

Matapos ang lahat, ang tao tulad ni Si Ye Han ay hindi dapat makita ng ordinaryong tao, ngunit dahil sa kanilang surpresa, siya mismo ang pumunta sa kanilang tindahan. Kaya naman, kailangan nila siyang malugod na tanggapin ngayon. 

Sa una, ang store manager, na si Zou Shangjing, ang personal na mag-iistilo sa kanyang ngayon. Gayunpaman… partikular na humiling ng babaeng stylist ang assistant ni Si Ye Han, kaya ang trabahong ito ay napunta sa mga balikat ni Guan Xiaohe. 

"Special Assistang Xu, maaari ko bang matanong kung parating na si Chairman Si?" tanong ni Zou Shangjing. 

Likas na hindi isang third wheel si Xu Yi, kaya dumiretso na siya sa tindahan at doon nag hintay. Ng marinig niya si Zuo Shangjing, siya ay sumagot, "namili si Nineth Master kasama ang kanyang girlfriend, pero dapat dumating siya ng maaga." 

Si Zuo Shangjing, Guan Xiaohe, at ang iba pang mga stylist sa tindahan ay nagulat, na parang hindi nila inasahan ang isang magandang ugali tulad ni Si Ye Han na personal na mamimili kasama ang kanyang girlfriend. 

Habang papalapit ng papalapit ang napagkasunduang oras, rinig ang yapak sa labas ng pintuan, at isang makasintahan ang pumasok ng tindihan. 

May taglay na maputing balat kaysa sa nyebe at talagang magandang mukha ang babae habang ang lalaki ay kakaiba ang kagwapuhan at mayroong kahanga-hangang presensya. 

Gayunpaman, ang babae ay nakasuot ng mamahalin at mayroong isang malaking ice cream cone sa isa niyang kamay at isang tasa ng milk tea sa kabila namang kamay samantala ang lalaki ay tinutulungan siyang buhatin ang isang plethora ng mga bag na naglalaman ng pagkain at mga damit… 

"Excuse me, Miss ang Mister, ang store namin ay…" 

"Hindi bukas ang tindahan namin ngayon" ang gustong sabihin ni Guan Xiaohe sa kanila, ng hindi niya inaasahang makitang tumayo si Xu Yi at mabilis na sinalubong ang ordinaryong magkasintahan. 

"Nineth Master, handa na ang pormal na damit, at dumating na din ang stylist." 

Ng marinig ni Guan Xiaohe at ang iba na nagsalita si Xu Yi, silang lahat ay nagulat. Hindi nila inaasahan na ang magkasintahan na ito ay sina Si Ye Han at ang kanyang girlfriend. 

Akala nila ang pagdating ni Si Ye Han ay hihahatid ng isang kasamahan. Sinong mag-aakala na siya ay napaka bait at tinutulungan din pati ang kanyang girlfriend na buhatin ang kanyang mga bag at pagkain...

avataravatar
Next chapter