1203 Bakit mo ako nagustuhan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na nawala si Nameless Nie pagkatapos niyang iabot kay Ye Wan Wan "kabayaran" at pagkatapos niyang makakuha ng ilang mga litrato.

Gusto sana na tanungin ni Ye Wan Wan tungkol sa imbestigasyon ni Nameless Nie sa totoong mga magulang ni Tang Tang ngunit huli na ang lahat.

Magulo talaga si Nameless Nie. Bakit hindi siya maingat sa kanyang mga aksyon? Hindi ba siya natatakot na baka maging masama si Ye Wan Wan at magawa nitong kidnapin si Tang Tang?

Umakyat sa hagdan si Ye Wan Wan. Dinala na ni Si Ye Han si Tang Tang sa kanyang kwarto at ang batang ito ay mahimbing na ang tulog.

Lumapit si Ye Wan Wan para halikan ang pisngi ni Tang Tang.

Habang si Si Ye Han ay nilabas ang first aid kit sa kanyang drawer. "Halika dito."

Agad naman na lumapit si Ye Wan Wan sa may sofa. "Okay."

Tiningnan ni Si Ye Han ang mga paltos sa paa ni Ye Wan Wan dahil sa suot niyang high heels, maingat niyang pinatonng ang paa ni Ye Wan Wan sa kanyang binti at pinahiran niya ito ng ointment sa kanyang paa.

Hindi sanay o mahilig magsuot ng high heels si Ye Wan Wan, ngunit kailangan niyang magsuot ng mataas na heels para gumawa ng act noong gabing iyon. Kaya siya ay parang sirena na nakakaramdam ng paghihirap ng buong gabi.

Sa sobrang tuwa niya noong naglabas si Si Ye Han ng sandals, halos gusto na niyang pakasalan si Si Ye Han!

Umangat ang mukha ni Ye Wan Wan upang hangaan ang mukha ni Si Ye Han na mas lalong guma-gwapo sa tuwing lumalalim ang isip niya. Habang iniisip niya ito, bigla siyang natamaas ng déjà vu…

Sa tahimik na gabing iyon, parang sanay na ang lalaking ito dahil sa ilang beses niyang paglagay ng medisina kay Ye Wan Wan. Sa katabi nilang kama, mahimbing na natutulog ang antukin na bata.

Ang mapayapang eksena na ito ay sapat na para ayusin ang buhay ng isang alibugha at para mahulog ang armor ng isang heneral. Walang kahit anong kadakilaan sa mundo ay maikukumpara sa oras na nasa tabi siya ni Si Ye Han.

Nang maramdaman ni Si Ye Han na tinititigan siya ni Ye Wan Wan, bigla niyang tiningnan si Ye Wan Wan at tinanong niya ito, "Ano?"

Bumulong si Ye Wan Wan habang nakatalumbaba siya, "Napa-isip lang ako… noon… bakit mo ako nagustuhan?"

Biglang nanigas ang mukha ni Si Ye Han nang marinig niya ang katanungan na ito. "Bakit bigla mong natanong ito?"

"Nagtataka lang ako…" biglang bumulonh si Ye Wan Wan. "Kasi noon, pinalayas ako sa bahay at nasira ang relasyon ko sa aking mga magulang. Ang taba ko at ang pangit ko. Wala akong pera at hindi rin ako maganda, kaya bakit mo ako nagustuhan?"

Natanong na ni Ye Wan Wan ito noon, ngunit ang sagot ni Si Ye Han ay kakaiba at misteryoso. "Ikaw lang ang meron ako."

Anong ibig sabihin ng "ikaw lang ang meron ako"?

Simula noong nabuhay siya ulit, naging abala siya sa kanyang kalayaan, sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya, kaya hindi niya masyadong pinag-isipan ang mga problema niya na hindi niya naintindihan.

Gayunpaman, biglang umakyat sa kanyang utak ang katanungan na ito sa gabing ito.

"Hm, natandaan ko kasi na tinanong kita nito noon habang nag-aaway tayo noong nakaraang taon. Noon, ang sagot mo ay… 'ikaw lang ang meron ako'... anong ibig sabihin nito?" Bumulong si Ye Wan Wan.

Sumikat ang malamig na sikat ng buwan sa nagtatakang mukha ng babae mula sa bintana.

Tiningnan ni Si Ye Han ang nagtatakang mukha ni Ye Wan Wan, at ang mahabang pangangatawan ni Si Ye Han ay nagparamdam ng pagiging mapag-isa.

Sumimangot si Ye Wan Wan. Pinaramdam ng itsura ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan na si Si Ye Han lamang ang iisang tao sa buong mundo.

Bakit… ganyan ang itsura niya?

Ilang oras ang lumipas bago napansin ni Si Ye Han ang inosenteng mga mata ni Ye Wan Wan. Dahan-dahan niyang sinabi, "Kasi, ikaw lang ang meron ako."

Ikaw lang ang meron ako… ikaw lang ang meron ako...

Naramdaman ni Ye Wan Wan na parang tinusok ang kanyang puso at kumalat ito sa buong puso niya.

Bilang panganay na apo ng Si Family at bilang pinuno ng pamilya, malinaw naman na nakalagay siya sa mataas na posisyon na may dakilang estado at kilala siya ng lahat bilang isang diyos.

Kaya, bakit ganyan ang itsura niya? Bakit niya sasabihin na… si Ye Wan Wan lamang ang meron siya?

Lalong naguluhan at nagtaka si Ye Wan Wan. Hindi kaya may na-miss si Ye wan Wan sa buhay niya noon?

O may nakalimutan siyang importanteng bagay noon?

avataravatar
Next chapter