1046 Bakit ko hahayaang mangyari iyon?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit sila Qin Ruo Xi, Sun Li Zhong at Sun Xue Zhen ay nanigas sa isang lugar lamang habang gulay sila sa nangyari.

Alam nila ang kakayahan ni Wolf King Senny, pero pinatumba siya ng karate genius ng Country R gamit lamang ang isang atake...

Sinipa ni Yamamoto Tsubasa ng ilang metrong layo si Wolf King Senny.

May inutusan si Sun Li Zhong na tulungang tumayo si Wolf King Senny.

"Huwag kang gagawa ng kahit anong ikasasama mo!"

Ang sampung eksperto ng Sun family at Qin family at mabilis na pumalibot kay Yamamoto Tsubasa.

"Mga basura… kahit gaano pa kayo karami, mga basura pa rin kayo, okay?" Natatawang sinabi ni Yamamoto Tsubasa habang pinapanood niya ang sampung tao na nakapalibot sa kanya.

"Go!" Sumigaw at kumaway paharap ang kamay ng pinaka-malakas na miyembro ng Qin group, pinangunahan niya ang siyam na taong handang umatake kay Yamamoto Tsubasa.

Gayunpaman, tumalsik pabalik ang sampung umatake kay Yamamoto Tsubasa ng ganun na lamang kabilis.

"Ito'y…!" Hindi makapaniwala si Sun Li Zhong at makikita sa mukha niya ang pagkabigla.

"Lumapit ang tatlong representatives ng Sun family, Qin family at Si family!"

Lumapit si Yamamoto Tsubasa papunta sa entablado, ang mga daliri niya ang nakaduro kayla Ye Wan Wan, Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen.

Parehas na nakasimangot si Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen. Nakakatakot ang taong nasa harapan nila. Paano nila matatalo ito kung natalo niya ng isang atake lamang si Wolf King Senny...

"Ano? Natatakot kayo? Kung natatakot kayo, sabay-sabay niyo na lang ako atakihin. Kung hindi, ako mismo ang lalapit sa inyo at baka mapatay ko pa kayo sa araw na ito." Suminghal si Yamamoto Tsubasa habang tinitingnan niya ang tatlo."

"Ikaw…!"

Umangat ang galit sa mga mata ni Sun Xue Zhen habang naghahanda siyang umakyat sa entablado.

Ngunit mabilis na pinigilan ni Qin Ruo xi si Sun Xue Zhen.

"Huwag kang magpadalos-dalos, Xue Zhen…" nakasimangot na sinabi ni Qin Ruo Xi.

"Ruo Xi, nasa harapan natin ang martial artist ng Country R! Bakit hahayaan ko lang na mangyari ito?!" Galit na sumigaw si Sun Xue Zhen.

"Kaya mo ba siyang talunin?" Sumagot sj Qin Ruo Xi.

Hindi makapagsalita si Sun Xue Zhen. Simula palang ay nakakatakot na ang lakas ng nakakatakot na Yamamoto na ito.

Kahit sampung Sun Xue Zhen ay hindi sapat para matalo si Yamamoto Tsubasa.

Hindi nila kakayanin ang mga atake nito kahit na magsama pa si Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen.

"Ano? Hindi ka talaga aatake?!" Ngumisi si Yamamoto Tsubasa may Sun Xue Zhen. "Mga duwag talaga ang Sun family. Tinatanggap mo pa rin ang kahihiyan na binibigay ko sayo."

Nagalit si Sun Xue Zhen sa sinabi niya. Hindi na siya makapagtimpi kaya hindi na niya pinansin si Qin Ruo Xi at tumalon siya papunta sa loob ng entablado.

Kailangang gawin ni Qin Ruo Xi ang ginawa ni Sun Xue Zhen.

"Oh… mukhang may kakampi ka," pangasar na nag-komento si Yamamoto Tsubasa.

"Masyado kang arogante, Yamamoto Tsubasa!" Sigaw ni Sun Xue Zhen.

"Ipakita mo sa akin ang lakas mo kung tingin mo ay arogante ako." Ngumisi si Yamamoto Tsubasa.

"Gusto mo talaga ah!"

Galit na umungol si Sun Xue Zhen at inatake niya na parang kidlat si Yamamoto Tsubasa.

Nang makita ito ni Qin Ruo Xi, wala siyang magawa kundi umatake na rin.

Nakatayo lamang sa entablado si Yamamoto Tsubasa at makikita ang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. Hinayaan niyang umatake lamang sj Sun Xue Zhen at Qin Ruo Xi habang ang mga kamay niya ay nasa likod lamang.

Dosenang mga atake ang ginawa ng dalawang babae pero hindi man lang nila kinayang mahawakan ang gilid ng damit ni Yamamoto Tsubasa.

Nakasimangot si Sun Li Zhong. Masyado kasing malakas si Yamamoto Tsubasa. Walang laban sa kanya sila Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen.

"Kayo ang representatives ng dalawa sa tatlong mayayamang pamilya ng China…? Kayo ay mga malalaking kahihiyan. Basura talaga ang mga Chinese martial artists at hindi kayo dapat binabanggit," bumuntong hininga si Yamamoto Tsubasa nang sinabi niya ito habang sinasangga ang mga suntok.

Pagkatapos niyang sabihin ito, parang pana na tumira ang kanang paa ni Yamamoto Tsubasa at sinipa niya ng malakas sila Qin Ruo Xi at Sun Xue Zhen.

Hindi ito kinaya ng dalawang babae kaya nahulog sila sa baba ng entablado.

avataravatar
Next chapter