552 Bakit hindi na natin gawin ang pustahan ngayon?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kasunod ng boses ni Qiu Yue, nabalot ng katahimikan ang buong silid.

Akala ng lahat na nagkamali lang sila ng narinig.

Ano yung pangalan na sinabi ni Qiu Yue?

Qiao... Qiao Ke Xin?

Hindi si Qi Mei Lin pero si Qiao Kexin! Paano nangyari 'to?

Namutla ang itsura ni Qi Mei Lin habang nanigas siya kinatatayuan. Biglang napuno ng pagkadismaya ang nagagalak niyang mga mata.

At ang tao na mas gulat pa kay si Qi Mei Lin ay si Qiao Ke Xin mismo.

Si Qiao Ke Xin, na parang isang hindi mayayanig na bundok kahit na binatikos siya ng libo-libo, ay lito at gulat.

"Xin-jie! Xin-jie..."

Nagising na sa diwa si Qiao Ke Xin matapos na tawagin siya ni Han Xian Yu. Ang una niyang reaksyon ay tignan si Ye Bai na nasa tabi ni Han Xian Yu.

Tama lahat ng hula niya...

Nang makasalubong ng mata niya ang maliwang pero matapang na mga mata nito, biglang kumalabog saglit ang kanyang puso.

Bakit hindi ko napansin nang sinabi ni Ye Bai na mananalo ako ng Best Actress award, mukhang hindi naman siya nagbibiro?

Akala niya talagang mapapanalo ko ang award na 'to...

Sa sandaling ito, ang tahimik na silid ay biglang sumabog ng ingay at palakpakan. Ang production team ng "Legend of the Quiet Girl" at madaming artista ng Worldwide ang umabante para yakapin at batiin si Qiao Ke Xin.

Hinila ni Lin Jia Yin si Qi Mei Lin paupo bago pa siya magkaroon ng reaksyon. Umupos siya nang may naninigas na itsura.

Pero nakuhanan na agad ng kamera ang maaga niyang pagtayo.

Ang Golden Orchid awards para sa best supporting actress, best supporting actor, at best actor ay napunta lahat sa kamay ng Emperor Sky Entertainment. Kapag nakuha nila ang award para sa best actress din, para bang naihagis sa sahig ang dangal ng Worldwide sa pagpanalo lang ng best newcomer award.

Hindi nila inaasahan ang malaking twist na mangyayari sa huli - isang hindi inaasahang nanalo ang lumitaw at ang best actress ay si Qiao Ke Xin talaga mula sa Worldwide Entertainment, na ikinagulat ng lahat.

May bakas ng pagkahiya ang lumitaw sa marahan at kalmadong itsura ni Ye Yiyi, pero ngumiti pa din siya ta pumalakpak, umaaktong magiliw habang tuluyan ng nagdilim ang itsura ni Gu Yue Ze.

Tutal, buong katiyakan siyang nakipag-usap sa host kaninang nagpahayag sa kanya, pero ngayon, para bang sinampal siya sa mukha sa harap ng lahat.

Lahat ng palapakan, pagbati, pagyakap, ang pakiramdam na napunta ka sa langit galing sa impyerno, at ang pakiramdam na para bang nakatanggap ng bagong pangupahan sa buhay ay biglang kumalog sa utak ni Qiao Ke Xin.

Sa susunod na segundo, nilagpasan niya si Han Xian Yu at hinila ang lalaki sa tabi nito at mahigpit na niyakap at bumulong, "Salamat, Little Fortune Teller ge ge..."

Nagulat si Ye Wan Wan at niyakap din pabalik si Qiao Ke Xin, "Xin-jie, congratulations. Hindi mo kailangan magpasalamat sa 'kin - wala akong kinalaman diyan. Pinaghirapan mo 'to!"

Kumalma si Qiao Ke Xin at biglang kumurap at sabing, "Kung anuman 'yon, nanalo ako. Tumutupad ako sa usapan, bakit hindi na natin gawin ang pustahan ngayon?"

Nagulat si Ye Wan Wan. "Huh?"

Mabilis na nagpanggap na yayakapin at babatiin ni Han Xian Yu si Qiao Ke Xin at pinigilan siya at marahang pinaalalahanan siya, "'Wag ka ngang gumawa ng gulo, Xin-jie! Madaming tao ang nanood!"

Pero base sa karakter ni Qiao Ke Xin, talagang magagawa niya ang halikan si Ye Bai sa harap ng lahat.

Sabay nito, sabik na sumigaw ang host sa entablado, "Congratulations, Ke Xin! Imbitahin natin ang Golden Orchid's best actress dito sa entablado para matanggap niya ang kanyang award!"

Nalungkot na sumimangot si Qiao Ke Xin. "Sige, aakyat muna ako do'n!"

"Sige sige sige, Xin-jie, akyat ka na…" pinunasan ni Ye Wan Wan ang pawis sa kanyang noo.

Baka si Qiao Ke Xin… ay masyadong bukas ang isip...

Siya lang siguro ang industriya ng entertainment ang hindi takot sa mga eskandalo...

avataravatar
Next chapter