967 Bakit hindi na lang tayo magsama-sama sa pagtulog?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napansin ni Ye Wan Wan ang nakakatakot na tingin ng kasama niya kaya bigla siyang nainis.

Niloloko mo ba ako? Hindi okay kapag ginamit kita bilang tatay at hindi pa rin okay na hindi kita gagamitin bilang tatay?

Ang hirap mabuhay...

"Hindi… hindi iyon ang ibig kong sabihin! Ikaw talaga ang unang tao na naisip kong gumanap bilang tatay! Siyempre gusto kong tulungan ako ng boyfriend ko sa ganitong sitwasyon pero natatakot kasi ako na baka hindi mo ako paniwalaan noong una…"

Sinubukang ipaliwanag ni Ye Wan Wan ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit tulala siyang tinitingnan ni Si Ye Han.

Kinilabutan si Ye Wan Wan sa tulirong tingin sa kanya ni Si Ye Han. "Uh… Ano… Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"

Mukhang naiintindihan na ni Si Ye Han ang rason, pero mukhang nararamdaman niya na parang imposibleng mangyari ito. Napakunot siya habang pinapakalma niya ang kanyang sarili. "Wala…"

Biglang bumulong si Si Ye Han, "Hindi mo man lang…"

"Huh?" Naguguluhan si Ye Wan Wan at hindi niya narinig ang sinabi ni Si Ye Han.

Hindi ko man lang? Hindi ko man lang ang ano?

"Ah, ayoko nang pagusapan ang mga bagay na ito! Matagal tayong hindi nagkita nang matagal— hindi mo ba ako na-miss?" Tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han at sinusubukan niyang landiin ang lalaki gamit ang kanyang itsura…

Habang sinusubukan niyang akitin si Si Ye Han gamit ang "Mas lumalaki ang pagmamahal kapag hindi nagkikita ang magkasintahan" bilang kanyang excuse, maririnig ang mga hakbang sa likod nila.

"Mommy…"

Biglang napa-diretso ang katawan ni Ye Wan Wan. "*Cough*, Tang Tang, tapos ka na maligo? Sasamahan ka na ni Mommy na matulog mamaya!"

Nie Tangxiao: "En."

Si Si Ye Han na umuwi galing sa ibang bansa ay mag-isang matutulog sa gabing iyon: "..."

Ye Wan Wan: "Bata pa si Tang Tang. Nakakatakot para sa kanya na matulog mag-isa…"

Si Ye Han: "..." Noon, laging nagmamadali si Ye Wan Wan na makasama si Si Ye Han sa pagtulog kahit anong mangyari pa.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaki mas matanda sabay tiningnan niya ang bata. Umiikot ang kanyang utak sa kakaisip hanggang sa nakahanap siya ng solusyon. "Bakit hindi na lang tayo magsama-sama sa pagtulog?"

I'm really too smart!

Masyado akong matalino!

Si Yehan: "…"

Nie Tangxiao: "…"

Nagtinginan ang mas nakakatandang lalaki at ang bata, tahimik silang sumang ayon kay Ye Wan Wan.

Sa huli, natulog ang tatlo sa iisang kama.

Nilagay ni Ye Wan Wan ang bata sa gitna nila ni Si Ye Han upang ipakita na sila ay isang pamilya na may tatlong miyembro.

Ye Wan Wan: "Tang Tang, gusto mong bang kwentuhan ka ni mommy ng bedtime story?"

Nie Tang Xiao: "Opo."

Ye Wan Wan: "Ano ba ang gustong mapakinggan ni Tang Tang?"

Nie Tang Xiao: "Yung istorya na kwinento ni Mommy kagabi."

Si Ye Han: "..." Pinatulog rin siya ni Wan Wan noon sa ganyang pamamaraan...

Tumango si Ye Wan Wan. "Hohoho, yung istorya ko kagabi? Yung Little Red Riding Hood and the Big Bad Wolf? Sige…"

Umubo ng saglit si Ye Wan Wan at sinimulan na niya ang istorya. "Noong unang panahon, may isang magandang babae. Minamahal siya ng kahit sinong makakita sa kanya at ang taong nagmamahal ng lubos sa kanya ay ang lola niya. Isang araw, ang lola niya binigyan siya ng pulang hood. Simula noong araw na iyon, wala nang ibang sinuot ang bata kundi ang binigay ng lola niya na pulang hood, kaya tinatawag siya ng mga tao na 'Little Red Riding Hood'..."

"Hindi alam ni Little Red Riding Hood na masama pala ang lobo kaya dahil dito, sinabi niya sa lobo na pupunta siya sa gubat para bisitahin ang kanyang lola. Nagsimulang magplano ng masama ang lobo. 'Napakabata pa at napakamalaman ng batang ito. Mas masarap siguro siya sa matandang iyon. Kailangan kong magplano na hindi sila makakaalis sa mga kamay ko…"

Tiningnan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang tingin sa kanya si Si Ye Han kaya nagpatuloy siya. "...'Lola, bakit ang laki at nakakatakot ang bunganga mo?' tanong si Little Red Riding Hood. 'Para mas madali kang kainin!' pagkatapos magsalita ng lobo, tumalon siya galing sa kama at nilunok niya sa kanyang tiyan si Little Red Riding Hood…"

Si Yehan: "…"

Dalawang beses nang kinwento ni Ye Wan Wan ang istorya hanggang sa makatulog na ang bata.

Napagtanto niya ang magulong itsura ni Si Ye Han nang makahinga sya ng maayos. "Ano iyon?"

Si Ye Han: Hindi ito magkaparehas."

Ye Wan Wan: "Anong hindi magkaparehas?"

Si Ye Han: "Hindi magkaparehas ang bersyon ng kwinento mo sa akin."

avataravatar
Next chapter