711 Bakit hindi mo na lang sundin ang nasa libro?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dazzling Media, sa opisina ni Ye Mu Fan.

"Lahat ng mga mahahalagang detalye tungkol sa kooperasyon natin ay napatunayan at nakumpleto na. May mga tanong ka pa ba, Miss Shen?" may hawak na sigarilyo si Ye Mu Fan at tinitigan ang babaeng nakaupo salungat niya sa sofa.

Nakasuot ng itim na evening gown ang babae. Nakakamangha siya at maganda ang kanyang hubog. Nang marinig ang sinabi ni Ye Mu Fan, dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Ye Mu Fan.

Tumayo ang babae sa harap ng mesa ni Ye Mu Fan saka yumuko at sinabi sa malambing niya boses, "Head stylist Felix…"

Pinitik ni Ye Mu Fan ang mga abo sa sigarilyo niya at kaswal na tinignan ang babae.

Sadyang lumapit ang babae para ipakita ang suot niyang itim na lace bra...

"Ano? May kailangan ka pa ba?" hindi ito pinansin ni Ye Mu Fan at nagtanong.

Noon, palikero lang siya at nakakita na ng mga iba't ibang klase ng pang-aakit. Paano niya hindi malalaman ang ginagawa niya?

Tulad ng inaasahan, may kinuha siyang pinabanguhan na papel at inabot kay Ye Mu Fan. "Ito ang number ko…"

Sumulyap si Ye Mu Fan sa kanya at hindi kumibo.

Nagbago na si Ye Mu Fan at ang karera niya ang buhay niya ngayon. Hindi siya pwedeng mayanig ng kung sinuman.

Kaya naman, madiin niyang tinanggihan ang babae. "Miss Shen, pasensya pero hindi ako tulad ng iniisip mo. Mas inuuna ko ang karera ko ngayon…"

Tatanggi pa lang si Ye Mu Fan pero mabilis na na-istrobo ng sinabi ni babae. "Paki-abot na lang kay direktor Ye, salamat!"

"..." hindi maka-imik si Ye Mu Fan. Para bang nakakain siya ng tae. *cough cough cough…* "Huh? Kanino… kanino mo gustong ibigay ko 'yan?"

Lahat ng nasa industriya ay tinatawag siya sa kanyang Ingles na pangalan at hindi siya tinatawag na direktor Ye. Isang tao lang naman ang tinatawag na direktor Ye...

At iyon ang kapatid niya...

Nahihiyang tinakpan ng babae ang kanyang mukha. "Si Ye Bai, direktor Ye! Magkalapit kayo, 'di ba? Tulungan mo naman ako, oh! Masyado akong nahihiya!"

Ye Mu Fan: "…"

Tulungan ko papa mo...

Bakit hindi mo na lang sundin ang nasa libro?

"Pakiusap, pakiusap! Pakibigay sa kanya! Ililibre kita kapag tapos na oh~" nilagay ng artista ang numero ng kanyang telepono sa bulsa ni Ye Mu Fan, at umihip ng halik saka umalis.

Tinignan ni Ye Mu Fan ang piraso ng papel na may numero niya. Para bang dumaloy sa ilog ang kalungkutan sa kanyang puso.

Noon, si Ye Wan Wan ang tumulong sa kanya na magbigay ng mga love letter at regalo sa mga babae; hindi niya naisip na dadating 'yung araw na magpapalit sila ng gawain...

Matagal din bago humupa ang kalungkutan na nararamdaman ni Ye Mu Fan. Madamdamin niyang kinuha ang papel at umalis para hanapin ang kanyang kapatid.

"Dongdong dong-" pati ang kanyang mga katok ay madamdamin din.

"Pasok!" tinakpan ni Ye Wan Wan ang lahat ng dokumento na binabasa niya mula sa Si Corporation.

Pumasok si Ye Mu Fan at hinagis ang ang papel sa mesa ni Ye Wan Wan, "'Yan, para sa 'yo!"

Nahirinan si Ye Wan Wan at nabahing sa tapang ng amoy ng papel. "Ano 'to?"

Mapagselos na bulong ni Ye Mu Fan, "Number ng isang babae - gusto niyang makipagkita sa 'yo at gusto niyang tulungan ko pa siya!"

Tumawa si Ye Wan Wan at tinabi ang papel saka kumaway. "Alam mo naman na malakas ako sa loob pero mahina sa kakayahan - dapat tinaggihan mo na lanag-alang sa akin!"

Nang makita ang mahinang ngiti sa tamad na itsura ni Ye Wan Wan, natulala si Ye Mu Fan.

At may malungkot siyang napagtanto. P*ta! Medyo gwapo nga ang kapatid ko...

Kapag nagtatrabaho siya, nakakatiyak ang isang tao sa seryoso niyang ugali at kapag malubay at tamad siya, nakakabighani siya...

Hindi, teka, hindi iyon ang punto. Ang punto ay… anong ibig niyang sabihin sa "malakas ang loob" pero mahina sa kakayahan? Babae siya, kaya anong paghahangad ang kailangan niya...

avataravatar
Next chapter