878 Bakit biglang naging makaseremonyal si uncle?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Medyo nanginig ang katawan ni Xu Yi. "9th master..."

Mukhang si Si Ming Rong ay napinsala. "Masy ibang paraan pa ba na maaring magsalita si master sa amin..."

Si Si Yehan ay biglang nagkasakit at wala siyang iniwang kahit anong salita sa kanila.

Habang mukhang malungkot, si Si Mingli ay tinapik balikat ni Si Ming Rong. "Second Brother, nakikiramay ako! Sobrang laki na ang nagawa ni master na makatagal hanggang ngayon… Andito pa din tayo para sa pamilya Si..."

Ng marinig chief specialist ang mga salita niya, ang kanyang ekspresyon ay naging mas malala. Lumingon siya kay Si Mingli at ng may hindi mapaliwanag na ekspresyon at umubo ng bahagya. "Gising si Ginoong Si."

Biglang napuno ng ligaya si Si Ming Rong. "Ano? Gising!?"

"OO, si Ginoong Si, siya..."

Ang espesyalista ay hindi natapos ang kanyang sinasabi. Si Si Mingli ay natunganga; iniisip niya na ito'y panandaliang pagbawi sa katinuan bago ang kanyang kamatayan. Si Si Mingli ay mabilis na sumingit sa espesyalista at mabilis na sinabi, "Tara na at pumasok na! Bilisan mo at tignan mo kung ang kapatid ko ay gising at dalhin siya dito! Kung hindi, kinatatakot ko na baka hindi niya maabutan siya sa huling sandali niya..."

"Opo!" Ang guwardiya sa tabi niya ay tumakbo agad para puntahan ang matandang ginang.

Espesyalista: "..."

Kalimutan mo na, malalaman din nila ito pagpasok nila...

Kung kaya, ang grupo ng mga elder ay madaling sumunod sa likod ng espesyalista at pumasok sa ward.

Si Si Mingli ay nakahanda na ang kanyang sarili. Sa sadaling pumasok siya, ang kayang mata ay namula at tumingin agad siya sa kama ng ospital na para bang isang palaso at lumuhod sa lapag.

"Master! Master, ah - huwag kang magalala sa amin... Sige na…"

Sa sumunod na segundo, kalahati pa lang sa kanyang pagsihaw, ang pekeng nagluluksang ekspresyon ay nanigas sa kanyang mukha na parang yelo.

Ang nakita niya lang ay isang puting kama ng ospital na walang nakahiga. Sa halip, nakita niya ang isang pares ng mahabang diretsong mga binti sa harapan niya.

Ang likod ni Si Mingli ay biglang nanigas at ang tingin niya ay dahan dahang umakyat habang ang takot na hindi niya pa nararamdaman kahit kelan ay kumalat sa kanya...

"Bakit si fourth uncle ay biglang naging makaseremonyal?" si Si Yehan ay dineretso ang kanyang mangas habang tumitingin pababa kay Si Mingli, na nasa kanyang paanan.

Si Si Yehan, na siyang nakahiga sa kanyang himlayan, ay ngayo'y nagpalit ng kanyang kasuotang pang ospital at nakasuot na ng kanyang pinagawang suit na binigay ni Ye Wan Wan sa kanya. Mayroon pa siyang madilim na kulay na rose na nakaembroida sa bulsa ng kanyang dibdib at ang kanyang nakakaakit na mukha, ay nagmukhang lalong kapansin pansin.

Sa sandaling ito, siya ay nakatayo sa ilaw mula sa bintana at nagaayos lang ng kanyang cuffs ng kaswal. Mukhang gindi pa siya mamamatay kahit kelan. Sa halip, mas mukha siyang maliwanag na may malamig na tingin...

"Ah-" ang mga mata ni Si Mingli ay namilipit ng sagad. Siya ay sobrang natakot na napaatras siya ng dalawang hakbang na para bang nakakita siya ng multo. "Ikaw… ikaw-ikaw..."

Hindi lang si Si Mingli, ngunit si Si Ming Rong at iba pang mga elder ay tuluyang napatigil na para silang nakakita ng tunay na multo.

Tapos paliwanag ni Sun Baicao, "Congratulation, Congratulations. Si 9th master ay nasa mabuting kalusugan na. Ang dugo na kanyang inilabas kanina ay ang naipong dugo sa kanyang katawan ng ilang taon at pumasok ang kanyang katawan sa malalim na tulog para pagalingin ng kanyang katawan ang kanyang sarili."

Inabot ng ilang sandali bago makabalik si Si Ming Rong sa kanyang katinuan hanggang makapagsalita ulit siya. "Ito… ang kalusugan ng master… ay nasa panganib ngayon?"

Tumawa si Sun Bai Cao. "Kahit na ang sakit ni 9th master ay hindi pa tuluyang magaling, ang kanyang kondisyon ay maayos na. Hanggat patuloy niyang inaalagaan ang kanyang kalusugan, aabutin lang ng ilang panahon bago siya tuluyang gumaling."

"Ang lahat ng ito ay dahil sa maselang pagaalaga ni Ye Wan Wan nitong mga nakaraang araw. Bilang ang physician ng 9th master, ako'y talagang nahihiya; lahat kayo ay dapat magpasalamat sa kanya ng maayos!"

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Sun Bai Cao, si Si Mingli ay natanga at nagdududa. Siya ay talagang napatunganga!

Papaano na lang na si Si Ye Han, na siyang malapit na sa kamatayan ilang sandali lamang, ay ngayo'y buhay at malakas sa sumunod na segundo?!

Ako… pinadala ko ang babaeng iyon sa kulungan!

Patay… Patay talaga...

DALIAN MO, ILABAS MO IYONG BABAENG IYON DOON!!!

avataravatar
Next chapter