236 Bakit ba nakakairita ka?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nabigla si Ye Wan Wan sa kasama niyang malibog.

Pasadya na weird kong sinabi iyon, pero gusto niya pa ring gawin ko iyon sa kanya?

Ano pa bang masasabi ko...

Binaba niya ang cake na kanyang linamutak at sumuko na siyang makipag-usap kay Si Ye Han.

Sa lahat ng sisirain ko, bakit kasi cake ko pa?! Ay, ansakit ng ulo ko...

Ang may pakana ng kaguluhan ito ay gusto pang bumababa para makatakas sa kanila.

Nakakaawang tumingin si Xu Yi sa back seat habang naghihintay ng utos ni Si Ye Han, "Master? Ano pong…"

Kaswal na sumagot si Si Ye Ha , "Tawagan mo si kuya at sabihin mo na hindi uuwi sa bahay si Xia Xia ngayong gabi."

Xu Yi: " Sige po!"

Kinilabutan ang buong katawan ni Si Xia, pagkarinig niya ng sinabi ni Si Ye Han. Hinampas hampas niya ang bintana ng kotse sa sobrang ka, "Anong gagawin mo sa akin Si Ye Han? Pababain mo ako! Gusto ko nang umuwi!"

Binalaan ng mga mata ni Si Ye Han si Si Xia pagkatingin niya sa binata, "Tumawag kanina ang guro mo at sinabi niya na ang application form ay ibinigay na nila."

"Ano naman? Wala 'kang kinalaman doon!" Pangasar na sagot ni Si Xia.

Hindi pinansin ni Si Ye Han si Si Xia at nagpatuloy lang siya magsalita, "Saang school mo balak mag-aral?"

"Wala ka nang kinalaman dito 'di ba?! At ayokong mag-aral sa unibersidad!" Naiiritang sagot ni Si Xia.

Tumango si Si Ye Han, "Sige."

Hindi inasahan ni Si Xia ang sagot niya, "Talaga?"

Tumingin si Si Ye Han kay Ye Wan Wan na nalukungkot pa rin dahil sa kanyang cake, 'Bibilhan kita ng panibago pagkauwi natin."

Humarap muli siya kay Si Xia pagkatapos niyang pakalmahin si Ye Wan Wan, "Kung ayaw mo nang mag-aral, kailangan mo nang ikasal."

"Ka… kasal?!" Tila nabigla si Si Xia na parang kinidlatan ang kanyang katawan, "Tao ka ba, Si Ye Han?! Bata pa ako pero nagmamadali kang ibenta ako sa iba!"

Nagmukhang kawawang prinsesa si Si Xia, pinipilit ng walang puso niyang tatay na ikasal.

Matumal na sumagot si Si Ye Han, "Sige, ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Kapag hindi ka pa nakakapasok sa Imperial University pagkatapos ng semestro, ako ang mag-aayos ng kasal mo."

Si Xia: "..." Punyeta!

Naghihiganti siya! Si Si Ye Han ay naghihiganti sa akin!

Nagpiyesta si Ye Wan Wan sa kamalasan ni Si Xia. Sisihin mo ang walang kwenta mong pinagsasabi! Wala naman nagsabi sa iyo na sumabay ka sa amin pauwi, 'di ba?!

Sa Jin garden:

Mabilis na nasira ang plano ni Si Xia na sumabay sa kanila pauwi at galitin si Si Ye Han. Umuwi tuloy siya sa bahay ni Si Ye Han at pinilit siyang kumpletohin ang kanyang application form.

Sa lamesa, magkabilaan na nakaupo sila Si Xia at Ye Wan Wan habang nakatitig si Si Ye Han sa kanila na parang imbestigador.

Pinilit ni Si Ye Han na mag-apply si Si Xia sa Imperial University.

Naawa si Ye Wan Wan nang makita niya ang kinalalagyan ni Si Xia, dahil ang kagustuhan ni Ye Wan Wan ay nasa usapan, bigla siyang sumabat, "Gusto kong makapasok sa PR profession Imperial Media University; pwede ba akong mag-apply?"

"Masyadong malayo," Tulad ng inaasahan, hindi pumayag si Si Ye Han.

Naiyak si Ye Wan Wan, "Hindi naman ito kalayuan. At saka nasa city naman ito, mga dalawa hanggang tatlong oras na kalayo si Jin Garden?"

Mukhang hindi magbabago ang isip ni Si Ye Han, kaya naiiyak na nagmakaawa si Ye Wan Wan, "Akala ko ba gusto mo kong maging successful? Kung pagbabawalan mo ako sa mga kagustuhan ko, hindi lalago ang karunungan ko niyan 'di ba? Ngayon, pinipigilan mo kong makapasok sa unibersidad, paano kung papasok ako sa siyudad para mag hanap ng internship? Pagbabawalan mo rin ako? Kaylan ko ba makukuha ang pagkakataon na ako ang magde-desisyon sa gagawin ko araw araw?!"

Si Xia: "Pwede na ba akong umalis?"

Sumagot si Si Ye Han, "Hindi mo kailangan maging successful--kahit ano pwede mong gawin sa akin."

Si Xia: "Nakinig ba kayo sa sinabi ko?!"

Nairita si Ye Wan Wan kaya kinuha niya ang kamay ni Si Ye Han sabay kinagat niya, "Bakit ba nakakairita ka!"

avataravatar
Next chapter