851 Bakit ang dumi ng telepono ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakuha ang mga litrato ng ikatlong tema sa isang nakamamanghang lugar sa City S. Ang dalawa ay nakasuot ng parehong damit mula sa isang kilalang lokal na brand at nakuhanan ang mga litrato sa isang maganda at liblib na gubat ng kawayan.

[P*ta! Anong suot nila Luo Chen at Gong Xu? Ang gwapo nila, eh!]

[Brand ito dito sa bansa natin. May pambabaeng damit din sila. Hindi naman kamahalan ang presyo at maganda ang mga damit, may maganda pa sa mga pang-internasyonal na malalaking brand!]

[Ang ganda din ng lugar ng pinagkuhanan nila! Sobrang ganda ng background! Parang gusto ko tuloy magbakasyon!]

[Gawa tayo ng grupo at sama-sama tayong pumunta!]

Matapos na mailabas ang mga litrato, bukod sa mga pagkomento ng mga netizen, sumikat din ang brand na damit na sinuot ni Gong Xu at Luo Chen pati na din ang lugar na pinagkuhanan nila.

Gayunpaman, hindi inasahan ng lahat na ang pasabog na litrato ay hindi sa cover o ang mga litrato mula sa ikatlong tema, pero ang company photo na iminungkahi ni Xiao Yu Tong...

[VIVI magazine official Weibo: An exclusive interview fresh out of the oven with a company photo. More exciting content in this upcoming issue of VIVI is waiting for you, oh~ @Ageoftheimmortalsmedia]

Simple lang ang Weibo post. May maikling talata lang ito at isang imahe.

Sa litrato, nakaupo si Ye Wan Wan sa sofa na may isang kamay na matamlay na nakasuporta sa kanyang ulo. Kaswal na nakatingin ang kanyang mga tamad at malamya niyang mata sa kamara at kamangha-mangha ito na parang mga bituin sa kalangitan. Matikas na nakatayo si Luo Chen sa tabi niya na taimtim ang itsura. Habang si Gong Xu naman ay walang necktie sa kanyang suit. Nakakalas ang unang dalawang butones sa kanyang suit at nakatingin sa kamara, puno ng sigla. May hawak naman na rosas si Felix sa gilid at mukang elegante...

Sa una, pinag-uusapan ng lahat kung gaano kaganda ang gubat ng kawayan, pero matapos makita ang litrato, natuliro silang lahat.

Sa isang opisina sa Imperial City:

T*ngina--

Isa sa mga babaeng staff, na lumulubay, ay nasabik na muntik niya ng matabig ang baso sa kanyang mesa. Wala siyang paki dito at dali-daling pinasa ang litrato sa group chat ng kanyang mga kasamahan.

"Dali, punta kayo sa official Weibo ng Weibo. May malaking ginawa na namang ang maliit na editor…"

Sabay nito, patuloy pa ding dumadami ang bilang ng komento sa post.

[AHHHHHHH! T*ngina! Anong nakita ko?! Bakit ang dumi ng telepono ko! Kilala talaga ng VIVI ang pusong Fujoshi ko!]

[Sabi mo na company photo 'to? Busog na ang mga mata ko! Gusto kong malaman kung anong kumpanya 'to; gusto kong magtrabaho do'n! Gusto kong magtrabaho do'n! Ayos lang sa akin kung tagawalis lang ako!]

[Ako na maglinis sa banyo! Walang aagaw sa akin sa banyo!]

[Sh*t, wala ng hiya ang nagkokomento sa taas ah!]

[Maliit na editor, magpost pa kayo ng mga litrato! Ibigay mo ang mga litrato at hahayaan ka naming mabuhay!!!]

Malaki ang pagtaas ng bilang sa mga shares, comments, at likes. Madaming mga grupo ng "sight-seeing" screen-lickers ang nag-umpisa ng maghanap ng impormasyon tungkol sa kumpanya. Ang mga numero ng mga tagahanga sa Weibo ni Ye Wan Wan at Ye Mu Fan ay nag-umpisa na din dumami.

Ang mga kasalukuyang sitwasyon sa Weibo account ng apat ngayon ay: madaldal si Luo Chen, araw-araw na puro kalokohan ang post; workaholic naman si Luo Chen - halos lahat ng mga post niya ay tungkol sa trabaho, madalas na mga advertisement ng mga brand na nakakatrabaho niya; at kay Ye Mu Fan naman ay puno ng mga impormasyon at post tungkol sa pag-iistilo. Lahat ng Weibo ng tatlo ay may mga personal na litrato at halos lahat ng litrato ay ibinabahagi ng "sight-seeing" na grupo.

Para kay Ye Wan Wan naman, ginamit niya ang Weibo ng Dazzling media para magpost nang nagsimula siyang magtrabaho doon at hindi pa nakakagawa ng account para sa sarili niya hanggang kama-kailan lang. Ginawa niya lang ang Weibo niya matapos niyang irehistro ang sarili niyang kumpanya. Walang mga litrato, o post… tanging pag-anunsyo lang tungkol sa pagtatayo ng Age of the Immortals media...

avataravatar
Next chapter