291 Bakit andito ka?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ngumisi si Zhou Wen Bin, "Ano naman? Matagal ka na sa industriyang ito Luo Chen. Wag mo sabihing inosente ka pa?"

"Alam mo kung bakit sumikat si Zhao Ming Kai? Kahit na hindi siya kasing galing mo, second-tier star na agad siya sa loob ng kalahating taon! Dahil tinulungan ko siyang manipsip kay chairman Liang."

"Basta may taong handang bayaran at alagaan ka, sinong may pakialam kung babae o lalaki ang magsu-sustento sayo? Maliban na lang kung si Gong Xu ka, isang mayaman na pangalawang henerasyon sa pamilya nila, habang ang milyonaryo niyang tatay ay binibigyan siya ng pera para pag laruan lang. Kung hindi, kailangan mong makisama sa sistema ng industriya!"

Iniba ni Zhou Wen Bin ang boses niya at naging malumanay siya, "Wag ka nang mag matigas, Luo Chen! Pagkatapos kong magpakasaya sayo, may papakilala ako sayong mag su-sustento sayo, tapos…"

Hindi na nakapagtimpi si Luo Chen. Hinampas niya ang teapot sa harap niya na para bang animal na nagwawala, sumigaw siya, "Manahimik ka! Gusto kong magpalit ng manager!!!"

Nagulat noong una si Zhou Wen Bin, pero bigla siya humalakhak na para bang nakarinig siya ng magandang biro. "Hahaha… gusto mong magpalit ng manager? Sige! Sige! Mag apply ka sa opisina at titignan ko kung sinong may gustong kumuha pa sayo sa Worldwide!"

Sa huling salita ni Zhou Wen Bin, binalot ng dilim ang kanyang mukha.

Habang nakatingin siya kay Zhou Wen Bin na para bang gusto niyang pumatay, tumulo ang dugo galing sa kamay niya noong hinampas niya ang teapot kanina.

Makikita talaga ang mga tulo ng dugo sa porselana niyang balat, kaya nagmumukha siyang nakakaakit at katakot-takot. Mga mata niya ay lumiliyab sa sobrang galit pero nakakaakit pa rin siyang tignan, para siyang bulaklak na namumukadkad...

Bumalot ang libog sa mga mata ni Zhou Wen Bin nang bigla niyang sinunggaban si Luo Chen. "Wag kang mag-alala Luo Chen… wag ka nang mag-alala. Basta sumunod ka sa akin, hindi ko hahayaang mahirapan ka pa…"

"Lubayan mo ako!"

"Okay lang Luo Chen, iniisip mo lang ang sarili mo, pero paano yung mama mo? Gusto mo bang mahirapan siya habang kasama ka?"

Sasapakin na sana ni Luo Chen sa mukha si Zhou Wen Bin, ngunit napahinto siya. Nang makita ito ni Zhou Wen Bin, mabilis siyang dumeretso sa labi ni Luo Chen...

At sa eksaktong oras…

"Bang----" may sumipa pabukas sa pintuan ng opisina.

Humampas ang pintuan sa pader kaya parang niyanig ang mundo nang mag 'bang' ito.

Hinaharangan ang ilaw ng isang mapayat na tao sa may pintuan; meron siyang malayang karakter at nakangiti ang kanyang mapupulang labi, ang kumikininang na maluha-luhang peach blossom na nanlalaki niyang mga mata niya ay namumukadkad.

Dineretso ng lalaki ang mga gilid ng kanyang damit at pumasok siya sa loob na para bang naglalakad lang siya sa bakuran niya. Inirapan niya si Zhou Wen Bin na hindi makapaniwala habang namumula ang mukha niya na parang atay ng baboy. Biglang sinabi ng lalaki, "Tsk, ang aga-aga Great Manager Zhou, good mood ka ngayon ah!"

Halos masira ang ngipin ni Zhou Wen Bin sa pagkagigil niya nang makita niya ang pumasok sa kanyang opisina, "Ye! Bai!!!"

Itong na naman 'tong g"g*ng ito!

Tinulak ni Luo Chen palayo si Zhou Wen Bin habang nasa sofa sila, nagaalala siyang tumingin sa may pintuan dahil may biglang pumasok na hindi niya kilala.

"Pasensya na pero walang sumasagot nung kumakatok ako kaya akala ko may nangyari na sayo!" nagsinungaling si Ye Wan Wan habang walang takot niyang sinabi niya ito. Wala siyang emosyon nang inangat niya ang kanyang paa at sinipa pasara ang pintuan nang makita niya ang nag-aalalang mga mata ni Luo Chen, para hindi ito makita ng mga tao sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nanggigil si Zhou Wen Bin nang makita niyang sinira na naman ni Ye Bai ang plano niya.

Kumuha ng upuan si Ye Wan Wan, tamad siyang umupo habang pinapakita ang isang dokumento kay Zhou Wen Bin. "Pumunta ako dito para pumasok sa trabaho. Director Zhou, gagambalain muna kita para basahin mo ang handover na ito!"

avataravatar
Next chapter