615 Baka may ispya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Yiyi-jie, binibiro mo na naman ako! Paano naman ako magpagkukumpara sa kilos ni Yiyi-jie!" pagpuri ni Shen Meng Qi sa kanya.

Matapos na purihin ng dalawa ng isa't isa, dumeretso na sila sa kanilang upuan at nag-umpisa na ang pagpupulong.

Sa malakin upuan sa gitna, tumayo ang tao namumuno at inanunsyo ang resulta. "Ladies and gentlemen, matapos ang sama-samang pagsusuri ng komite sa proyektong Splendid Light, gusto kong i-anunsyo na ang tagumpay na bidder ay ang… Shen Corporation! Na may presyong 78.1 million!"

"Missy, nagawa natin!" sabik na nagsaya ang deputy general manager at ang team ng kumpanya.

Ngumiti si Shen Meng Qi, kalmado at panatag.

Habang ang mga tao sa Ye Group na naka-upo salungat nila, ay nagbago ang lahat ng mga itsura.

"Ano? 78.1 million?"

"Paano naman nangyari na 100,000 lang ang agwat sa taya natin?"

"Parang masyadong nagkataon 'to, huh?"

...

"Tito Ye, Yiyi-jie, salamat kasi binigay niyo 'to sa amin!"

Hindi nag-aalala si Shen Meng Qi na maghihinala ang mga Ye. Lumapit siya kay Ye Yiyi at magalang niyang pinasalamatan.

Tinago ni Ye Yiyi ang paghihinala sa kanyang mga mata at kalmadong sumagot, "Nah, nanalo kayo dahil sa kakayahan niyo."

"Edi Yiyi-jie, tito Ye, mauuna na kami!" magpagmalaking pinangunahan ni Shen Meng Qi ang team at umalis na.

Matapos ang mahabang panahon ng pang-aapi ng mg Ye, nakuha niya na din ang paghihigante niya.

Matapos umalis ni Shen Meng Qi at ng iba, nagdilim ang mukha ni Ye Shao An. "Kahit na ang anak ng alila ay talagang maglalakas loob na maglakad at magyabang sa harap ko!"

Sa totoo lang, walang pakielam ang mga Ye sa ganitong kaliit na proyekto, pero ang mapahiya ng ganito - saan itatago ni Ye Shao An ang kanyang dangal?

Isa sa mga nakatatas sa tabi niya ang nagsabi, "Chairman, baka may ispya sa kumpanya natin! Parang hindi tama yung presyo! Imposible na magkaroon ng maliit na diperensya lang!"

Mahinang nangutya si Ye Shao An. "Paano naman magagawa ng mga Shen ang maglagay ng ispya sa Ye Group?"

Malalim ang iniisip ni Ye Yiyi at maya-maya, sabi niya, "Dumaan lang ang dokumento sa 'kin at sa papa ko sa umpisa pa lang. Wala namang ibang tao na nakasama at laging nakakandado ang dokumento sa study - imposibleng may makakaalam nito!"

"Ano pala ang nangyari? May nanghimasok ba sa bahay natin?" seryosong sabi ni Ye Shao Ting.

Biglang may naalala si Ye Yiyi at sinubukang maniyasat, "Papa, kung hindi ako nagkakamali, hindi ba, nag tatrabaho na si Ye Mu Fan sa Assembly of Stars ng mga Shen?"

Nagpakita ng kadustaan si Ye Shao An. "Oo, tama. Madaming beses din sa mga pagpupulong na lumapit sa 'kin at sabi na ang young master ng mga Ye ay nagtatrabaho para sa katulong - hindi man siya nahihiya, huh?"

Nang marinig 'yon ni Ye Yiyi, nag-alangan siyang magsaklita, "Edi, papa, posible ba na si Ye Mu Fan…"

Nagbago ang itsura ni Ye Shao An. "Sinasabi mo ba na… si Ye Mu Fan ang tumingin sa dokumento natin?"

Sabi ni Ye Yiyi, "Well… hindi ako sigurado dahil wala akong pruweba. Tingin ko na may problema talaga sa presyo at walang sinuman sa kumpanya ang nakalapit sa dokumento natin. Baka galing ito sa pamilya natin!"

Patuloy na nangutya si Ye Shao An at mukhang natutuwa. "Hng, mabuti, mabuti! Magaling Ye Mu Fan! Talagang may tapang ka para lumustay at tulungan ang mga tagalabas habang namumuhay sa amin! Mapapahamak ang buong interes ng pamilya dahil sa ginawa mo! Ye Shao Ting, gusto kong makita kung paano mo poprotektahan ang magaling mong anak ngayon!"

Matapos masabi 'yon, lumingon siya kay Ye Yiyi, "Yiyi, kumuha ka ng tao para mag-imbestiga agad! Kailangan makakuha ako ng ebidensya!"

avataravatar
Next chapter