977 Baka maisip mo na isama ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang marining ni Ye Wan Wan ang salitang "daddy," bahagyang lumambot ang kanyang puso.

Oh my, sa wakas tinawag na din ni Tangtang na daddy si Si Ye Han!

Bakit ba sobrang nagagalak ako?!

Habang pinapanuod ni Lin Que ang mainit at matamis na atmospera sa paligid ng pamilya, naalala niya kung anong eksaktong dahilan kung bakit siya naroroon.

Akala ko nandoon ako para sa katuwaan...

Para malaman ko kung saan galing ang batang ito…?

Ang pangunahing gusto talag ni Lin Que ay upang alamin kaya siya nakisama, ngunit ngayon, pakiramdam niya na hindi siya makapagtanong. Siya ay halos na sa dulo na ng upuan.

May mas meron pang inportante pang bagay. 9th brother, paano ka nakakapagsuot ng ganyang damit?!

Ang tingin ko sayo ay malapit ng gumuho sa aking puso...

Hindi nagsasalitang nanunuod si Ye Wan Wan habang ang itsura ni Lin Que ay walang tigil na nagbabago na parang isang stoplight.

"9th brother, anak mo ba talaga yun?" patuloy na nagpapapalit-palit ng tingin ni Lin Que kay Si Ye Han at Tangtang.

Maangas na inangat ni Si Ye Han ang kanyang ulo upang tignan si Lin Que. "May problema ba?"

Lin Que: "Wala namang problema?"

Inirap ni Ye Wan Wan ang kanyang mata sa kanya. " May anak na kami ni Ah-Jiu. Kailangan mo pa talagang umarteng kapansin-pansin?"

Nagulat si Lin Que sa dalawang ito. "Talagang hindi na kailangan?"

"Matuto kay Xie Zhezhi- tignan mo kung gaano siya ka kalmado, megastar Xie, nasabi mo na mayroon kang kailangan pag-usapan?" Hindi nababahala si Ye Wan Wan kay Lin Que at sa halip ay humarap kay Xie Zhezh.

Ibinaba ni Xie Zhezhi ang tasa sa kanyang kamay at sumagot, "ang aking kontrata sa SG ay malapit ng mag-expire."

Ang pinirmahan na kontrata ni Xie Zhezhi sa isang kompanya sa ibang bansa. SG ay isa sa top three na kompanya sa country M.

"Oh…" tumango si Ye Wan Wan.

May kauganayan ba sakin ito?

"Kaya kapag nag-expired ang iyong kontrata, mag hahanda kang mag bukas ng sarili mong kumpanya?

Sa kakayahan ni Xie Zhezhi, siya ay maagang naging indepedent, ngunit ito ay tila hindi niya intensyong gawin.

"Hindi ako interesadong mag bukas ng sarili kong kumpanya. Pinaplano kong pumirma sa isang managerial company sa loob ng China." Matapos niyang sabohon iyon, ngumiti si Xie Zhezhi kay Ye Wan Wan. "Kamusta naman iyon, Boss Ye? Ako na lang ang isama mo?"

"Pfff--" Sa oras na ito, oras naman na ni Ye Wan Wan upang magsalita.

Ano?

Nagbibiro kaba?

Ang isang megastar na isang international top three managerial company na gustong pumirma, at nagtatanong sa akin kung isasama ko siya? 

Hindi ko kailan man inakala ang ganitong posibilidad, okay?

Walang tigil na umubo si Ye Wan Wan.

Kaagad na nag-alala si Tangtang at inabotan siya ng tissue.

Tinapik ni Si Ye Han ang babae sa likod saka tumingin kay Xie Zhezhi.

Ng makita ni Xie Zhezhi ang tingin ni Si Ye Han, tumingin din siya ng may panlalandi.

Sa wakas ay maayos na si Ye Wan Wan. "Nagbibiro ka lang diba? Ang aking gusali ay masyadong maliit para sa isang dakilang diyos tulad mo!"

Kung dapat pumirma ang megastar sa isang kumpanya sa loob ng kanilang bansa, maaari siyang mag trabaho sa Emperor Sky Entertainment na direktang nasasakupan ng Ye Group, Worldwide Entertainment, o kahit na sa Art Style Media.

Ang Emperor Sky Entertainment ay ang industriya ng entertainment na pinaka matandang managerial company sa bansa. Ang Worldwide Entertainment ay ang ikalawang pinaka matanda naman bilang top company sa bansa habang ito ay naka ranggo sa top three internationally. Ngunit kung siya ay ma-ambisyon, kahit na ang Art Style ay hindi masyadong sikat, ito ay isang kumpanya na nagpupursigeng gumawa ng talentadong artista.

Para sa kanyang kumpanya, halos hindi niya kinuha ang unang hakbang, kaya paano niya siya ipapasok...

Bahagyang tumawa si Xie Zhezhi. "Seryoso ako. Pag-isipan mo ito Boss Ye."

Ye Wan Wan: "…"

Isama mo mukha mo! Malinaw na pinaglalaruan niya ako...

Hindi magawang maghiganti ng lalaking ito dahil sa nangyari, diba?

avataravatar
Next chapter