870 Baka hindi masamang bagay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang nag-akala na susuka ng dugo si Si Ye Han at biglang mahihimatay.

Pati si Si Ming Li at Feng Yi Ping ay nagulat din.

"Master! Master!"

"Doktor! Nasaan ang doktor?! Kunin niyo si Dr. Sun ngayon din!"

Natataranta ang lahat ng matatanda at pinalibutan si Si Ye Han.

"Tabi! 'Wag niyo siyang palibutan!" pagsigaw ni Ye Wan Wan at tinulungan na makaupo si Si Ye Han gamit ang kanyang pihikang katawan.

"Ah-jiu! Ah-jiu ko… ano… anong nangyayari?! Dali… Dali, kunin niyo ang doktor…" nawala na sa katinuan ang old madam. Malapit na lang ay babagsak na siya at mahimatay kasama si Si Ye Han.

Inutusan ni Ye Wan Wan ang mga katulong na asikasuhin ang old madam habang tinulungan niya si Si Ye Han sa kama at sinuri ang tibok ng puso nito at pulso. "Lola, 'wag mo po kayong mag-alala. Sinuri po nila Dr. Mo at Dr. Sun ang buong katawan ni Ah-jiu noong isang araw; walang malaking problema dapat dito!"

Bago pa makapagsalita ang old madam, sumulpot na parang isang pana si Si Ming Li, "Kalokohan! Sumuka siya ng dugo at sasabihin mong hindi ito seryoso? Anong seryoso pala sa 'yo!"

"Noon, sabi ni Dr. Sun na hindi tatagal ang buhay ng master sa anim na buwan at pwedeng atakihin anumang sandali. Kapag may atake, maaring nasa panganib na ang kanyang buhay, pero pinigilan mo siyang gawin ang surgery at pilit na pinagyayabang na kaya mong tumulong na gumaling ang master. Anong mga masasamang intensyon ang meron ka! Ito ba ang tinatawag mong pagpapagaling na binanggit mo noon?"

Huminga ng malalim si Feng Yi Ping sa mga tao. "Ay, ginawa natin ang makakaya para kumbinsihin ang master na gawin ang surgery at mabilis na i-transplant ang mga laman-loob, pero nawala na ang katinuan ng master sa babaeng ito. Ayaw niyang makinig sa mga sinabi natin… magaling, ngayon ganito na ang mga bagay..."

Malamig na tinignan ng mga matatanda si Ye Wan Wan. "Ano ng gagawin natin… dali, sabihin niyo sa mga katulong na pigilan ang balita! 'Wag hayaan na malaman ito ng mga tagalabas! Kung hindi, magkakagulo ang buong pamilya! Ay! Baka masira ang mga Si sa kamay ng babaeng ito!"

Walang pake si Ye Wan Wan sa patuloy na pagsatsat ng mga tao; nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa kondisyon ni Si Ye Han.

Kamakailan lang, may kaunti siyang natutunan mula kay Dr. Sun at alam ang apat na paraan ng diyagnosis - tumingin, makinig, magtanong at pakiramdaman ang pulso. At saka, nasa tabi lang siya ni Si Ye Han sa mga nakaraang araw habang sinuri si Si Ye Han ng dalawang doktor at maayos naman ang kondisyon niya...

Para malason o anuman si Si Ye Han ay imposible. Kontrolado at strikto ang kanyang diyeta katulad ng mga sinaunang panahon at walang lakas ng loob ang mga tao na gawin ito sa ganitong paraan...

Sa katunayan, mula sa medikal na pananaw, maaring hindi kabuuan na masamang bagay ang pagsuka ng dugo, maari...

Nagkunwaring namimighati si Si Ming Li at tinignan ang old madam at Si MIng Rong, "Ate, kuya, nakikita niyo na ba ang totoong kulay ng babaneg ito?"

Hindi kailanman nagustuhan ni Si Ming Rong si Ye Wan Wan mula sa umpisa pero kamakailan lang, napansin niya na bumubuti ang kalusugan ni Si Ye Han, kaya bahagyang umayos din ang pakikitungo niya rito. Nang makita niya ang eksenam hindi na siya nakapagpigil pa at madiin na inutusan siya, "Miss Ye! Umalis ka!"

Humigpit ang pagkakahawak ni Ye Wan Wan sa malalamig na mga daliri ni Si Ye Han...

Sa sandaling ito, isang boses mula sa katulong ang nanggaling mula sa pinto: "Narito na si Dr. Sun! Narito na si Dr. Sun!"

Habang nasa paligid si Dr. Sun, wala na siyang rason para maparoon pa at ang pinakamadiin na isyu ngayon ay ang pagsuri ni Sun Bai Cao kay Si Ye Han.

Dahan-dahang pinakawalan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Si Ye Han at tumayo para magbigay daan kay Sun Bai Cao.

avataravatar
Next chapter