78 Baka bulag siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng araw, ang pasabog na balita ay kumalat na sa Qing He at pati nadin ang ibang mga high school sa lugar.

Alam ng lahat ang big shot ng Qing He, na si Ling Dong, ay natanggihan ng pinakapangit na babae, na si Ye Wan Wan. Alam din nila ang tungkol sa baliw na pangit na babae na nagbunganga na ang standards niya para sa boyfriend ay dapat mas gwapo pa kay Si Xia.

Sa koridor ng eskwelahan:

Malayong umupo si Ling Dong sa last row, at taos-pusong pinapanood si Ye Wan Wan na mag-ensayo sa harap.

Kahit na on the spot siyang tinanggihan ni Ye Wan Wan, ayaw niya pading sumuko.

Sa upuan na malapit sa bintana ay katabi niya si Si Xia.

Pinasahan ni Ling Dong ito ng sigarilyo.

Tamad naman na yumuko si Si Xia at tumanggi ito.

Kita na hindi niya ito kinuha, sinindihan ni Ling Dong ang sigarilyo at humithit ng matagal. Pagkatapos ay matigas niyang sinabi, "Si Xia, si Ye Wan Wan ang babaeng habol ko. Kung magkapatid tayo 'wag kang mag overboard sa kissing scene niyo. Kailangan mong magpanggap!"

Ang walang bahalang expression ni Si Xia ay muntik ng mabasag. "Masyado mong iniisip 'yan."

Pakiramdam din ni Ling Dong ay masyado niya nga 'tong iniisip, dahil hindi naman nakakalapit si Si Xia sa mukha ni Ye Wan Wan. Kaya naman, ang kasalukuyang get-up ni Ye Wan Wan ay ubod ng ligtas!

Kaya naman, mahinang umubo si Ling Dong, "Si Xia, bakit hindi nalang magkaroon ng kasunduan: bigay mo sa 'kin ang role na ito, alright? Ako ng bahala kumausap sa teacher! Tutal, ayaw naman ni Little Xue na maging malapit ka kay Ye Wan Wan, e 'di parehas nalang kayo 'wag umarte. Ako na lang ang sumalo sa 'yo. Hindi ba ito ang mas nakakabuti sa parehong mundo?"

Pagkarinig nito, napamulat ng mga mata si Si Xia at tumingin sa kanya, na para bang isinaalang-alang ang alok niya,

Ang bestfriend ni Ling Dong ay tila bang hindi na nakatiis at dali-daling pumunta kay Ling Dong na bakas ang takot sa mukha, "Dong! Kalma, Dong! Bakit sobrang pessimistic mo?"

Ang isa pang mukha ng lalaki ay tila ba'y mapait rin, "Dong, anong nangyari, kelan ba naging partikular 'yang taste mo?"

Habang patuloy ang pagkabahala sa dalawang magkapatid, naalala ni Ling Dong ang panandaliang mga nangyari kagabi, at bahagyang namula ang kanyang mga tainga. Sa una, gusto niyang depensahan ang sarili, pero sa huli pinagalitan niya nalang ang mga ito, " Ano ba ang alam niyo?"

Hindi niya sasabihin kahit kanino ang totoo.

Gusto niya ang pakiramdam na siya lang ang nakakaalam sa sikreto niya.

Gayon pa man, kung alam ng lahat, mas marami pa siya makakalaban.

"Dong!" dali-daling naglakad si Cheng Xue kay Ling Dong, sa sobrang galit ay tila bang namilipit ang maganda niyang maliit na mukha, "Dong, ano sa tingin mong ginagawa mo? 'Wag mong sabihing nahulog kana talaga dun sa ugly freak, si Ye Wan Wan!"

Hindi niya ito kayang pahintulutan kahit kunin pa ni Ling Dong ang pwesto ni Si Xia. Paano nagawa ni Ling Dong na makasama iyong ugly freak na si Ye Wan Wan?

Tinignan ni Ling Dong ang galit na galit na si Cheng Xue, "Oo, nahulog talaga ako."

Nasamid si Cheng Xue, "Baliw kaba? Pwede kang mahulog sa iba pero sa kanya pa? Alam mo ba ang sinasabi ng lahat ng tao sayo? Sinasabi nila na naprito na 'yang utak mo!"

"Edi naprito 'yung utak ko!" nagpabuga ng usok si Ling Dong na may yabang sa kanyang mukha.

Huh? Naprito ba utak nito? O baka bulag siya!

"Si Xia, ano sa tingin mo?" tinignan ni Ling Dong muli si Si Xia at kinakabahang nagtanong.

Sa sandaling iyon, mayroong sumigaw sa harap-------"Si Xia, ikaw na!" nanigas ang likod ni Si Xia at tinignan ang tila bang nagdudugo ang mapupulang mga labi ni Ye Wan Wan na para bang nakalunok ng bata.

Matapos ang mahabang sandali, sabi niya, "Pag-isipan ko." at tumingin sa orasan niya at dali-daling sinabi, "Kailangan ko ng umalis."

avataravatar
Next chapter