672 Baka bakla ka, alam mo ba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Tang Xing Huo at mabilis na nagtipon ang lahat.

"Hindi ako maglalaro! Gusto kong kumanta!" pagpilit ni Gong Xu sa pagkanta ng "Little Dimple" kasama si Ye Wan Wan.

Hindi maka-imik si Tang Xing Huo. Nang gusto ng babae na makasama si Ye Bai na kumanta ngayon lang, sinumpa ng lalaking ito ang kanta at sabing, "papa mo Little Dimple," pero ngayon gusto niyang kantahin ngayon.

"Ye-ge! Samahan mo ako kumanta! Gusto kong kantahin ang Little Dimple!"

Ye Wan Wan: "Hindi ko alam kung paano."

Para bang biglang hindi nabigyan ng hustisya si Gong Xu sa sobrang inis. "Sinungaling! Kumanta ka kasama ang ungas na 'yan pero hindi ako!"

Dismayadong tinignan ni Ye Wan Wan ang lasing na si Gong Xu at kinuha ang baso ng wine mula sa kamay nito. Dumukot siya ng isang kendi para mahimasmasan siya at pinakain kay Gong Xu.

Gong Xu: "Uh… what…"

Ye Wan Wan: "Kendi na panghimasmas."

"Sarap." nagliwanag ang mga mata ni Gong Xu. Agad siyang huminto sa pagreklamo at lumingon kay Tang Xing Huo, "Tang Xing Huo, ano yung larong sinabi mo?! Laro tayo, laro tayo!"

Kakaibang tinignan ni Tang Xing Huo si Gong Xu na tuluyan nang napatahan sa isang pirasong kendi: "..."

'Tol, baka bakla ka… alam mo ba?

Matapos no'n, nag-umpisa nang maglaro ang lahat ng Truth or Dare.

Magaling si Tang Xing Huo at naunang makapili ng hari, kaya naman pinili niya si Gong Xu.

"Ah haha~ Gong Xu, Truth or Dare!" sabik na winagayway ni Tang Xing Huo ang kanyang baraha.

Nasa maganda mood si Gong Xu habang kinakain ang kendi. "Truth!"

Bahagyang lumihis ang mga mata ni Tang Xing Huo. Hinaplos niya ang kanyang baba at dahan-dahang sinabi, "Gong Xu, tatanungin kita ng seryosong tanong. Kailangan seryoso mo din akong sasagutin! At kailangan totoo!"

"Ano 'yung tanong?" naiinip na si Gong Xu sa ginagawang pananabik ni Tang Xing Huo. Walang laro na hindi ko mailalaro.

Sandali siyang tinitigan ni Tang Xing Huo bago marahang magtanong, "Gusto mo ba sa mga… lalaki?"

Nanuya ang lahat sa narinig na tanong.

"Eh… Tang Xing Huo, anong klaseng tanong 'yan?"

"Pinagdududahan mo ang kasarian ni Gong Xu?"

Kasing dilim ng pwetan ng palayok ang itsura ni Gong Xu. "Tang Xing Huo, tanga ka ba?"

Nagtiyaga si Tang Xing Huo at patuloy na nagsiyasat, "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko eh!"

Tinignan siya ng masama ni Gong Xu. "Kalokohan! Gusto ng young master dito ang mga magagandang may mahabang binti at dalisay na balat, intindi mo? Tang Xing Huo, may gusto ka ba sa akin, huh?"

Tang Xing Huo: *cough...* "Masyado kang nag-iisip!"

Para maiwasan ang mahalata, sinadyang nag-antay ni Tang Xing Huo na makalaro ang lahat bago makuha ang tsanasang mapili si Ye Wan Wan.

Tinignan ni Tang Xing Huo ang nakakamanghang itsura ni Ye Bai na nakahahalina sa lalaki't babae. Talagang delikado ang itsura ni Ye Bai...

Bago pa magsalita ni Tang Xing Huo, nakapag-desisyon na si Ye Wan Wan: "Truth."

Kahit na mapanganib ang pagpili niya ng "truth", mas malala ang "dare" - pwede maging marahas ang mga taong ito at pupunta sa sukdulan pagdating sa mga laro.

Iyon ang gusto ni Tang Xing Huo na piliin ni Ye Wan Wan!

Kaya naman, kinuskos niya ang palad niya at nagtanong, "Eh, sakto. Ye-ge, gusto ko talagang tanungin ito sa 'yo!"

"Ano iyon?" kaswal na tugon ni Ye Wan Wan.

Sumulyap muna si Tang Xing Huo kay Gong Xu at hinaplos ang kanyang baba bago magtanong, "Madaming mga gwapong lalaki ngayon. Kung may pipiliin kang partner na bakla… sino ang pipiliin mo?

Ye Wan Wan: "…"

Seryoso, anong klaseng tanong ito?

avataravatar
Next chapter