244 Babalik sayo ang ginawa mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binabasa ni Ye Wan Wan ang bawat komento sa website at napansin niyang hindi nagtatanong ang mga tao kung totoo ba ang skandalo o hindi. Sinumpa at minaliit siya ng mga nagkokomento, malibog raw siya at napakagulo raw ng entertainment field. Pagkakataon na raw ito ng Emperor Sky para pagsakluban siya.

Ilang oras lang ang lumipas at ito na ang laman ng mga headlines at maiinit na balita sa ibat-ibang malalaking entertainment websites.

Nagbuntong hininga si Ye Wan Wan, "Kung aamin ang kabilang panig na nagsinungaling sila para makakuha ng maraming pera sa kanya, edi…"

Namutla si Jiang Yan Ran, "Sa tingin mo aamin sila, kung si Han Xian Yu na inosente ang sinisisi nila?"

Tama si Yan Ran, ito ang naging dahilan ng magulang ng bata.

Paano mo nga naman mapapaamin ang kabilang panig?

Sabihin na natin na hihintayin pa nila ang tamang panahon para umamin ang batang babae; sa tagal ng panahong iyon, malamang lanta na ang mga bulaklak.

"Bakit hindi natin subukan maging brutal at takutin natin sila para tuluyan silang umamin? Pilitin natin sila hanggang lumabas ang katotohanan?" payo ni Chu Feng.

Umiling si Ye Wan Wan, "Sa ngayon, si Han Xian Yu ang inaakusa--bakit tayo gagamit ng bayolenteng pamamaraan? At saka, malamang sinusubaybayan ng Emperor Sky ang pagbagsak ng Worldwide dahil sa pagkakamaling ito. Kapag nalaman nilang naging bayolente at nangingikil si Han Xian Yu, wala na siyang kawala sa mangyayari."

Gayunpaman, sa unang buhay ni Ye Wan Wan; pinag-isipan niyang maigi noong nangyari ang insidenteng ito. At nakahanap siya ng magandang solusyon.

Kaso, limitado pa ang kakayanan niya at kakalabas ng debut niya kaya imposibleng niyang tulungan si Han Xian Yu na isang estranghero.

Pinag-isipan ni Chu Feng ito sabay inalok, "Sabi nga sa kasabihan, pinagpapala ng langit ang mabait na tao; malay mo magbabago pa ang tadhana niya?"

Malungkot na tumanggi si Jiang Yan Ran, "Sana nga ganoon ang mangyari. At kahit wala pang kongkretong ebidensya, ayokong mabulag at makigaya sa mga tao; may tiwala ako sa kanya."

Sumang-ayon si Chu Feng, "Sama-sama nating tulungan si Xian Xian!"

Nalugod si Jiang Yan Ran sabay niyakap niya si Chu Feng, "Chu Feng, salamat…"

Naging kasing tigas ng yelo ang katawan ni Chu Feng--makikita sa kanyang mukha na namumula siya sa sobrang kilig at wala siya sa katinuan nang sumagot, "Bakit ka sa akin nagpapasalamat? Ikaw nga ang idolo ko eh!"

Habang nanonood si Ye Wan Wan ng landian nila, "..."

Babalik sayo ang ginawa mo.

...

Entrance sa villa ng isang supervisor sa Imperial City:

Dinumog si Han Xian Yu ng napakaraming reporters at gayundin ang manager niya noong palabas pa lamang siya sa kotse ng kanyang caregiver.

"Han Xiang Yu, totoo ba ang sinasabi nila Mr at Mrs Zhao? Totoo bang minolestya mo ang sampung taong gulang nilang anak na babae?!"

"Sa ilang taon mong nagpapa "charity", aid sa mga may sakit na bata at mga imbitasyon mong makapunta sila sa iyong manor ay para mabusog ka sa nakakardiri mong gawain?"

"Han Xian Yu, paedophile ka ba? May sakit ka ba sa utak?"

Nakasuot ang buong katawan niya ng itim na damit. May suot rin siyang malaking shades para matakpan ang kanyang mukha at hindi siya sumagot sa mga katanungan nila. Protektado siya ng mga bodyguard at managers niya habang naglalakad.

Gamit ang mga braso hinarangan ng managers niya ang mga reporters na nagpupumilit ipasak sa kanyang mukha ang mikropono. Sumigaw siya, "Magbigay kayo ng daan! Umurong kayong lahat! Alam ng matalinong tao na wala siyang alam at ang bobo ay umaastang matalino! Bibigyan namin ng maayos na sagot ang inyong katanungan kapag lumabas na ang katotohanan!"

Sa oras na iyon, may nilabas na litrato ang isa sa mga reporters at matinis siyang sumigaw, "Alam ng matalinong tao na wala siyang alam at ang bobo ay umaastang matalino? Paano mo mapapaliwanag ang mga litratong ito? Napakaraming bata ang nakahiga sa private bedroom mo; maaari ba naming sabihin na hindi lang isang bata ang hinalay mo, kundi napakarami mo nang nabiktima?

Sa totoo lang, ang litratong nilabas ng reporter ay hindi sinikreto--gawa gawa lamang ito ng media galing sa kumpanyang iyon.

avataravatar
Next chapter