198 Babalik para manuyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napansin niya siguro ang lungkot sa boses ni Sheng Meng Qi at nababalisa siyang nagtanong, "Malungkot pa rin ikaw dahil sa insidente?"

Biglang nakakaawang umiyak si Shen Meng Qi nang marinig niya ang tanong, "Ansama ng loob ko Mu Feng. Alam naman ng lahat na kasalanan ng lalaking iyon eh, dahil nangugulo at nanakot siya sa akin parati. Pero walang naniwala sa akin…"

"Ang tunay na nagmamahal at umiintindi ang naniniwala sayo, kaya wag ka nang malungkot at naniniwala ako sayo Meng Qi. Bakit sasama ang loob mo sa mga walang kwenta na tao?"

"Pero si Wan Wan! Hindi din siya naniniwala sa akin!" Emosyonal at basag ang puso ni Sheng Meng Qi nang sinabi niya ito.

Nanlamig ang boses at nanahimik saglit si Ye Mu Fan nang marinig ang pangalan ni Ye Wan Wan, "Kung hindi siya naniniwala sayo, hayaan mo na lang. Sinabihan na kita na 'wag ka masyadong lalapit sa babaeng iyon; hindi siya ang tipo na tumatanggap ng kabaitan!"

"Pero, tinrato ko naman si Ye Wan Wan na bestfriend…"

"Okay lang na mawalan ka ng kaibigan na tulad niya! Osige, wag ka mo na muna isipin ang masamang nangyari sayo. Isipin mo na magiging engrande at sikat kang artista pagka-graduate mo. At pagtapos non, maraming mga tao ang magkakagusto sayo!"

Nagliwanag ang mga mata ni Shen Meng Qi, "Talaga? Magiging sikat na artista ako?"

"Syempre naman, tutulungan kita na maging ang pinakasikat at pinakamagandang artista!"

...

Pagkatapos nilang magpunta ng sickbay, bumalik na sa kanilang dormitoryo si Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran.

Nag-aalalang tumingin kay Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran habang nakaupo siya sa gilid ng kama, "Wan Wan, okay ka lang?"

Napansin ni Jiang Yan Ran na may tinatago si Ye Wan Wan sa kanyang puso at makikita sa kanyang mukha ito, kahit pa mukha siyang walang pakialam. May rason kung bakit tinatago ni Ye Wan Wan sa lahat ang totoo niyang itsura.

Ngayon pa na pinagpilitan siyang ipakita ang kanyang tunay na mukha para makita ng lahat, okay ba talaga sa kanya iyon?

Mapait ang ngiti ni Ye Wan Wan at itinaas niya ang kanyang kamay, "Sa totoo lang… may problema at MALAKING problema ito!"

"Seyoso?" Nag-iba ang ekspresyon ni Jiang Yan Ran, "Bakit hindi mo pinapakita ang tunay mong itsura noon?"

"Syempre seryoso ako, ayoko namang makaakit ng mga nanliligaw! Seloso ang boyfriend ko!" naghimutok si Ye Wan Wan.

Nagulat si Jiang Yan Ran at huminga ng malalim. Snubukan niyang mag-isip ng masamang mangyayari pagkatapos nito, ngunit sa huli nakita niya ang pagiging mapagmahal ni Ye Wan Wan.

Alam ni Ye Wan Wan ang pinag-iisipan ni Jiang Yan Ran pero hindi na siya nagpatuloy na magpaliwanag.

Ay, cute sana siya kapag nagseselos pero siya kasi yung tipo na papatayin ka kapag pinagselos mo siya!

Mabilis na pinag-isipan ni Ye Wan Wan kung paano aayusin ang bagay na ito para hindi siya mamatay.

"Yan Ran, may sasabihin ako sayo--hindi muna ako titira sa dormitoryo natin ng matagal," sabi ni Ye Wan Wan.

"Hindi ka na titira sa dormitoryo? Uuwi ka sa inyo?" tanong ni Jiang Yan Ran.

Nabigla si Ye Wan Wan sa tanong ni Jiang Yan Ran, Uuwi… hindi ko nga alam kung may bahay pa akong mauuwian...

"Ah, oo, gusto ko lang talaga umuwi; medyo na homesick ako." Ginatungan na lang ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Jiang Yan Ran.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na babalik ako para suyuin ang great devil, 'di ba?"

"Narinig ko na sinabi ni Shen Meng Qi, malala ang away sa pagitan mo at ng pamilya mo. Okay yan na napag-isipan mong makipag-ayos sa kanila; lahat ng magulang ay inaalala ang kanilang mga anak-- magpaliwanag ka na lang ng maayos kung meron mang hindi pagkakaintindihan. Huwag mong hintayin hanggang sa huli na ang lahat!" payo ni Jiang Yan Ran.

Tumango si Ye Wan Wan, "Oo, naintindihan ko."

avataravatar
Next chapter