377 Ayos lang kung papakainin kita, diba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tatlong minuto ang nakalipas.

Lumabas si Ye Wan Wan dala ang pinainit na lunchbox at diretsong naglakad kay Si Ye Han, hinila palabas ang isang upuan sa kaniyang tabi at umupo.

Dahil sa biglang pagdating ni Ye Wan Wan, ang mata ng lahat ay sandaling nabaling sa kaniya.

Ang boses ng staff member na nag report ay napahinto din habang siya ay nagtatakang tumingin kay Xu Yi.

Napatigil si Xu Yi, hindi sigurado kung ano ang pinaplanong gawin ni Ye Wan Wan.

May mali na sa kaniya simula ng tumawag ng umagang iyon.

Tumingin si Ye Wan Wan sa lahat ng taong nakatingin sa kaniya. "Ituloy niyo lang yan."

Nang matapos siyang magsalita, kinuha niya ang kutsara at kumuha ng madaming kanin sabay lapit sa bibig ni Si Ye Han.

Nagulat si Si Ye Han. Ang kaniyang itim na mata ay nakatitig sa babaeng katabi niya ng may bahid ng pagaalangan.

Nananatili pa din si Ye Wan Wan sa kaniyang pagpapakain at nakatingin ng walang sinasabi kay Si Ye Han, na nakatingin sa kaniya ng may pagka kumplikado. "Walong beses ka lang nag salita sa buong isang oras - sa kabuuan na 47 na mga salita - hindi naman makakaapekto sa inyong paguusap ang simpleng pagkain mo, tama ba?" sabi ni Ye Wan Wan.

Nakikita niyang hindi gumagalaw si Si Ye Han, nilapit kaunti ni Ye Wan Wan ang kustara, at tinignan ito ng may ibig sabihin na: "Kung hindi ka kakain, mamamatay ka."

Nakatitig si Si Ye Han sa hindi natutuwang mukha ng babae at natahimik ng matagal bago pa niya masunuring buksan sa wakas ang kaniyang bibig.

Ang mukha ni Ye Wan Wan na naiinis noong una, ngayon ay sumigla ng onti.

Ang iba na nasa loob ng opisina ay nakatingin sa kanilang BOSS na pinapakain ng isang maganda at hindi makasalita...

Uh… hindi makaka-apekto sa ating discussion…?

Ang problema doon ay nasisilaw na sila sa landiang ito!

Ang kalmado at mahinahong si Qin Ruo Xi ay tumingin kay Ye Wan Wan na pinapakain si Si Ye Han sa mga sandaling ito at ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang nag-iba. Naging pabaya ako at nakalimutan ko na hindi pa pala nagha-hapunan si Chairman Si." Ang sabi niya.

Pumunta ka dito para gawin ito - sino kaba para magpakita ng ganyan? Pinapahayag mo ba ang iyong kapangyarihan? Pangungutya ni Liu Ying.

Matapos marinig ni Xu Yi ang sinabi ni Qin Ruo Xi, nagbago ang kaniyang tingin.

Bakit ganyan magsalita si Miss Ruo Xi… dahil ito sa kapabayaan niya kaya nakalimutan ng 9th master ang kaniyang pagkain...

Ang totoo ay ang kaniyang master ay talagang workaholic - sa oras na nagsimula na siyang magtrabaho, hindi niya hahayaan ang kahit na sino na guluhin siya, kahit na si Miss Ruo Xi.

Alam ni Miss Ruo Xi ang ayaw ng master niya, kung kaya hindi siya nakikialam dito.

Ngunit ngayon, talagang naglakas-loob si Ye Wan Wan abalahin ang kaniyang master sa kaniyang importanteng paguusap at nagsimula ng pakainin ito.

At tila ba ang master ay...hindi masama ang loob?

*Cough* "Magpatuloy lang kayo!"

Matapos ipahayag ni Xu Yi na magpatuloy na ang lahat, nagising ang lahat sa kanilang katinuan at agad na bumalik sa pagbibigay ng kanilang reports.

Ngunit ngayon, hindi nila maiwasang maingat na sumulyap sa dalawang nagmamahalan paminsan minsan.

Tila totoo nga na talagang pinapahalagahan ng 9th master ang babae ng sobra sobra!

Kailan ba natin huling nakita ang mabait na ugali sa ating kakaibang BOSS?

Sa una pa lang, pakiramdam nila na mas bagay si BOSS at si Miss Qin, ngunit ngayon, kung ikukumpara ang dalawang ito, itong nagmamahalan na ito ay mas mukang in love na magkasintahan, diba?

Tila magkatrabaho lang si BOSS at Miss Qin Xi...

"Ang kita noong last quarter ay…" nagbibigay na ng report si Qin Xi, ngunit ng sa kalahati na, nakita niya si Ye Wan Wan na pinapakain si Si Ye Han ng piraso ng celery at nakapagsalita siya ng hindi niya namamalayan, "hindi kumakain ng celery si chairman Si.

avataravatar
Next chapter