543 Award ceremony

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil siguro sa naglabas ng damdamin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han kaya magaan ang pakiramdam.

Tsaka, dapat kunin niya ang mga bagay kapag dumadating sila. Kapag posible ang mamuhay muli, ano pa ang imposible?

Papatak ng alas-otso ng gabi, nag-umpisa na ang 46th annual Golden Orchid award ceremony.

Isang malaking salo-salo sa entertainment industry, maganda at malaki ang tanawin. Nagtipon-tipon ang mga media para kuhanan ng litrato ang mga nasa red carpet na mga A-listers at mga sumisikat na artista.

Magkasamang maglalakad sa red carpet sina Han Xian Yu at Qiao Ke Xin.

Ilang taon nang magkakilala ang dalawa at naging magkapatid na sa industriya, kaya walang eskandalo ang mangyayari mula dito.

Talagang maganda tignan ang kombinasyon ng isang gwapong lalaki at magandang babae; madaming mga roles ng pelikula ang kinuha ng dalawa simula ng lumitaw sila.

Nang makita ng host si Qiao Ke Xin, kuminang ang kanyang mga mata at agad na tinanong ang mga hinanda niyang mga tanong. "Ke Xin, ang box office 'Legend of the Quiet Girl' na nakabasag na ng halos 600 million - dapat talagang magdiwang tayo dito! Sayang lang kasi akala ng ibang netizen na walang tsansa ang pelikulang ito na makatanggap ng award. Tingin nila masyado itong commercialized, at napapalibutan ng kumakalantad ng pera at naging kritikal din sila sa pag-arte mo. Nakakatiyak ka kaya na makukuha mo ang award ngayong gabi bilang best actress?"

Nakakapukaw ang pagsasalita ng host, halatang sinusubukang mabalisa si Qiao Ke Xin at gumawa ng drama.

Gayunpaman, masakit para kay Qiao Ke Xin ang topic na ito.

Tulad ng inaasahan, nanliit ang mata ng magagaliting si Qiao Ke Xin at mumurahin na sana ang host.

Sa sandaling ito, nakaramdam ng may mali si Han Xian Yu, kaya mabilis siyang umubo at nagsalita na bago pa makapagsalita si Qiao Ke Xin: "Heh, natanong ko na 'yan kay Xin-jie. Sabi niya na madaming mga senior ngayong gabi kaya hindi niya pipilitin; gagawin niya ang makakaya at iiwan na ang lahat sa tadhana!"

Agad naman na hinila ni Han Xian Yu si Qiao Ke Xin papalayo bago pa makapagsalita pa ang host.

Masama namang tinignan ni Qiao Ke Xin ang host.

Sa 'di kalayuan, pinanood ni Ye Wan Wan ang eksena at napahawak sa noo niya; dahil sa mainitin na ulo ni Qiao Ke Xin kaya siya nagkaroon ng mapusyaw na reputasyon.

Sa sandaling ito, may malakas na napasingap sa eksena.

Tumingala si Ye Wan Wan at nakita ang susunod na pares sa red carpet na hindi lang basta-basta A-lister pero ang… direktor ng talent recruitment ng Emperor Sky, si Ye Yiyi, kasama ang chairman ng Gu Group at CEO ng Emperor Sky, si Gu Yue Ze.

Binubuo ng pares ang isang pihikan at maganda na babae at isang matangkad at gwapo na lalaki - hindi mababa ang mga itsura nila sa mga celebrity sa entertainment industry at may makapangyarihang estado din sila. Ang mas nakakanakaw-tingin ay may mga pares na mula sa Emperor Sky na nakasunod sa kanila. Lahat sila ay ang mga artista na nanalo na ng mga award noon. Itong "Emperor Sky Heavenly Entourage" ang nakapukaw sa atensyon ng lahat.

Inangat ng host ang kanyang mikropono at biglang bumulalas. "Wow! Ito na ata ang pinakamalakas na line-up ngayong gabi sa red carpet! Director Ye, chairman Gu, hindi ako sigurado kung may katiyakan po ba kayo sa award ceremony ngayong gabi?"

Marahang lumingon si Ye Yiyi kay Gu Yue Ze.

Walang masyadong reaksyon si Gu Yue Ze at kalmadong sumagot, "Determinado kaming manalo."

Ang malamig at taimtim na itsura sa mukha niya ang agad na nagpasigaw sa mga tagahanga niya.

Kumikinang din ang mata ng host. "Totoo nga, Kakaiba ang ugali ng isang tao sa pagsasalita kapag may kumpiyansa. Pero hindi na din nakakagulat dahil pasok si senior Li Chong Yi para sa best actor award at si Qi Mei Lin naman para sa best actress award. Malay natin, na baka makuha ng Emperor Sky ang dalawang titulo ngayon!"

Nang sinabi ng host na "kakaiba ang ugali ng isang tao sa pagsasalita kapag may kumpiyansa", halata naman na sinsubukang pagkatuwaan ng host si Qiao Ke Xin...

avataravatar
Next chapter