596 Asan ang kapatid kong babae?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Bro, wala kaming ideya kung nasaan ang Worriless Nie at kahit kailan hindi ko pa nakita ang Nie Clan Worriless Nie noon. Wala kaming kahit anong clue kung anong itsura niya. Sa tingin ko nasa mali kayong lugar," ang sabi ng nakaputing matanda.

Sa sandaling iyon, ang nakakaakit na ngiti ng lalaki ay nanatili sa kanyang mukha at nagdilim ang kanyang itsura. "Kaya hindi kayo nagsasabi, ha…"

"Talagang hindi pa namin nakikita si Worriless noon!" sigaw ng matandang nakaputi.

"Dahil sa ito na ang kaso, wala ng dahilan pa para itago ang inyong mga traydor dito ngayon." ang nakabibighaning lalaki ay dahan dahang tumayo; ang kanyang mata ay nababalot ng poot.

"Hng!"

Umangal sa galit ang matandang nakaputi, "ano naman sayo kung hindi kami ang traydor ng Nie Clan! Nag-isa ka lang - ano sa tingin mo ang kayang mong gawin, hu?!"

Sa sandaling sinabi niya iyon ang isang pares ng magagaling na makapangyarihang lalaki ay umabante at pinalibutan ang nakabibighaning lalaki.

"Wala akong pake kung saan ka galing. Sisiguraduhin ko na hindi ka na makakabalik ngayon at mamamatay dito!" naging malamig ang tingin ng matanda.

Ngunit ng sabihin niya iyon, isang malamig, kumikinang na kutsilyo ang dumulas sa manggas ng nakakabighaning lalaki.

*Pfff!*

Halso sa isang sandali, ang makapangyarihang mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay kaagad na umurong at ang kanilang leeg ay nahiwa ng matalim na kutsilyo. Sumirit ang sariwang pulang dugo, nabahiran ang sahig ng isang malademonyong kulay.

"Ano?!" gulat ang matandang nakaputi.

Habang siya ay nagsasalita, ang nakakabighaning lalaki ay nasa kanya ng harapan at mayroong kamay sa kanyang balikat.

"Sino ka ba!" galit na galit ang matandang nakaputi.

"Maaari mo akong tawaging… Spary of Flowers…" tumawa ang nakakabighaning lalaki.

"Spary of Flowers…" sandaling nanliit ang mata ng matanda nang siya ay tumitig sa nakakabighaning lalaki na nasa kanyang harapan ng hindi makapaniwala. "Ikaw ay… Europe...Spray of Flowers…!"

Tinawag siyang Spary of Flowers dahil parang sa Rosas ng Kamatayan, itong Spray of Flower ay… nakakatakot!

Kaparehas sa Rosas ng Kamatayan, ang Spray of Flower ay matagal na panahong nawala. Maraming sabi-sabi na ang Spray of Flowers at patay na.

Bakit biglang magpapakita ang isang tao sa country Z… at nakita sila…

"Dahil sa hindi mo alam ang tungkol sa Worriless Nie, maaari ka nang mawala habang buhay." nilantad ng Spray of Flowers ang isang mapagbantang ngiti.

Nang sandali niyang sabihin iyon mayroong pares ng yapak at apat na lalaki ang dahan dahang lumakad sa hall ng ancient clan.

"Ay, great captain, nandito ka!" nang makita si Nameless Nie, nawala ang kanyang malupit at malamig na tingin at nagliwanag. Ang Spray of Flowers ay wala ng pakialam sa matandang nakaputi at tumingin na para bang gusto niyang sunggaban ang braso ng Nameless Nie.

"Umalis kana," ungol ni Nameless Nie.

"Hubby… inaaway ako ng kapitan…" tumingin ang Spray of Flower sa magandang iceberg man na nasa tabi ni Nameless Nie na may mapang aping itsura.

"Hubby… magsalita ka, sapat na ang isang salita…" napanguso ang Spray of Flower nang makita niya ang magandang iceberg man ay hindi sumasagot sa kanyang pakiusap.

"Lumayo ka." winalis ng iceberg man ang kanyang tingin Spray of Flowers at malamig na nagsalita.

Spray of Flowers: "..."

Sa sandaling ito, tumingin si Nameless Nie sa matandang nakaputi at malinaw na sinabi, "ang aking nakababatang kapatid ay nakita sa borders ng country Z at ikaw na traydor ang nag iisa sa buong bansa na maaring kontrolin ang aking nakababatang kapatid, kaya sabihin mo sa akin, NASAAN ANG AKING NAKABABATANG KAPATID?"

"Sino… sino ka?" natakot ang matandang nakaputi ng tignan niya si Nameless Nie.

"Nameless Nie," direktang sinabi ni Nameless Nie ang kanyang pangalan.

"A-ano… Nameless Nie…" hiningal ang matandang nakaputi at sumalampak sa sahig na parang putik sa takot at pagkabalisa sa kanyang mata.

avataravatar
Next chapter