658 Apektuhan ang imahe ng bayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nasamid si Ye Mu Fan. "Iyon… ay hindi magiging maganda, ha… maapektuhan nito ang imahe ng bayan…"

"Kalimutan mo na 'yon, may mga pagkakataon pa na makausap natin siya sa hinaharap. Mag pokus ka lang muna sa trabaho mo. Pupunta ako sa Worldwide para sa isang meeting at hahanap ng pakakataon na irekumenda ka at tignan kung makakapasok ka sa production team ng 'The Prosperous Dynasty.' ipapaalam ko sayo kapag nakabalik na ako." ang sabi ni Ye Wan Wan.

"Sige, sige! Salamat, boss!"

...

Worldwide Entertainment Headquarters building, conference room:

Nasa magandang mood si Chu Gong habang pinupuri at binobola si Ye Wan Wan sa harapan ng lahat.

"Hahaha… sa maikling panahon, ang kinikita ng Dazzling ay doble. Ye Bai, magaling ang ginawa mo!"

Ang iba mula sa senior management ay rinig din ang kanilang mga papuri.

"Talagang malalagpasan na tayo ni Direktor Ye!"

"Talagang magaling tumingin ng isang talent si chairman Chu!"

"Tama, tama. Magaling tumingin at pumili ng isang kabayo katulad ni direktor Ye si chairman Chu!"

"Salamat ang lahat ng ito sa gabay ni chairman Chu." mapagkumbabang sinabi ni Ye Wan Wan.

Natuwa si Chu Hong Guang sa sagot ni Ye Wan Wan. "Sige, hindi mo kailangan maging mapagkumbaba. Inilagay kita sa isang importanteng posisyon dahil talentado ka, ngunit hindi makapagpahinga ang mga kabataan. Huwag kang maging katulad ng ibang tao na may masamang intensyon at simulang magkaroon ng masamang ideya kapag nakakakuha ng kapangyarihan."

Pinuri siya ni Chu Hong Guang at hindi nakalimutang magbigay ng ilang paalala.

Matapos ang lahat, mabilis na nagagawa ng maayos ni Ye Wan Wan at hindi lang siya ang nag-ayos sa kanya, kaya normal lang na mag-alala siya.

"Itatatak ko sa isip ang sinabi ni chairman Chu! May isang bagay pa na kailangan kong ihingi ng permiso ni chairman Chu!" ang sabi ni Ye Wan Wan.

"Oh? Sabihin mo."

"Narinig ko na ang stylist para sa 'The Prosperous Dynasty ay wala pang naaayos at mayroon akong kilala sa panig ko; nagbabakasakali ako kung posibleng payagan siya na pumunta at subukan? Kung hindi siya angkop saka maghahanap kaagad ng iba si chairman Chu." sagot ni Ye Wan Wan.

"Oh, maliit na bagay. Tawagin mo siya upang direktang mag report sa amin; ilalagay namin siya bilang stylist kung ganon. Dahil siya ang inirekumenda mo, walang ano mang problema," mabait na sinabi ni Chu Hong Guang.

"Salamat, chairman Chu!" hindi na nagulat si Ye Wan Wan. mahusay ang kanyang ipinakita at upang ipahayag ang kanyang pasasalamat kay Chu Hong Guang, dapat na sumang-ayon siya sa isang maliit na kahilingan tulad nito.

Ito ay tila pinagkakatiwalaan siya ni Chu Hong Guang sa una, ngunit itong mapanlinlang mapanlinlang na soro ay hindi kailan man siya bibigyan ng libreng kapangyarihan ng ganoon kadali. Hindi magtatagal gagawa siya ng aksyon at kailangan niya muna magkaroon ng plano…

Matapos ang meeting, sa opisina ng chairman ng Worldwide:

Ang maduming binata ay umupo sa sofa at nagmadali sa sandaling nakita niya si Chu Hong Guang, "Tito, tapos kana ba sa meeting?"

"En. bakit libre ka na makita ako ngayong araw?" binigyan ni Chu Hong Guang ang kanyang pamangkin ng malamig na tingin.

Lumihis ang tingin ng binata at balisang nag salita, "tito, nag-aalala ako sayo. Pinagkakatiwalaan mo ba talaga si Ye Bai? Matapos ang lahat, hindi mismo ikaw ang nagdala sa kanya at tulad ng isang malaking kumpanya na tulad ng Dazzling, hindi ka ba nag-aalangan na ipasa ito sa isang tagalabas? Tignan mo si Zhou Wen Bin - matagal na panahon mo na siyang kasama, pero hindi pa din siya mapagkatiwalaan, ano pa ang isang tagalabas…"

Malinaw na alam ni Chu Hong Guang na ang kanyang pamangkin ay may mata sa Dazzling, itong matabang tipak ng karne. "Tignan mo masyado kang balisa; si Ye Bai ang pansamantalang mangangasiwa sa Dazzling, at hindi pa rin maayos ang kumpanya, kaya bakit masyado kang balisa?"

Naintindihan ng binata ang ibig sabihin sa likod ng mga sinabi ni Chu Hong Guang at nagalak. "Tito, ibig mong sabihin na kapag maayos na ang kumpanya, ako na ang mamamahala? Gumawa ka na pala ng plano, ha?! Tito, tunay na, ikaw ay mahusay at matalino! Masyado akong nag-aalala!"

Natuwa si Chu Hong Guang sa pagsipsip na ito. "Bastardo, bumalik ka at unawain ang sitwasyon sa Dazzling. Huwag kang mataranta at guluhin ang mga bagay sa hinaharap!"

Natuwa ang binata. "Kuha ko na, tito, huwag kang mag-alala!"

avataravatar
Next chapter