254 Anong solusyon mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang gwapong at kaakit-akit na binata ang hindi inaasahang bumukas ng pintuan ng meeting room.

"Pasensya na sa abala." Gumalaw ang mga labi ng gwapong binata habang pinapakita ang kanyang appeal

Sanay na sa ibat-ibang uri ng kagandahan at kagwapuhan ang lahat ng nasa meeting room, pero nabighani sila sa kakaibang ganda ng lalaking ito.

Ngunit, may isang tao na bumalik sa kanyang kahinahunan.

Nagalit si Zhou Wen Bin nang may umentra sa desisyon ni chairman Chu, mabagsik ang tingin niya sa kaharap niya, "Sino ka ba? Sinong nagpapasok sayo?!"

Sa likod ng binata, ang sekretarya no Han Xian Yu ay mahinhin na sinabi, "Eto...Etong lalaking ito ay may solusyon para sa problema ni Han Xian Yu…"

Nanginginig ang mga labi ni Zhou Wen Bin habang unti-unting pumapangit ang kanyang itsura, "Empleyado mo ba ito Fei Yang? Hindi mo ba alam ang rules? Alam mo ba kung anong lugar ito? Bakit ka magpapapasok ng kung sino lang? Saan ang mga gwardya?! Ilabas niyo ang lalaking 'to!"

Kumunot si Chu Hong Guang at naiinis niyang tiningnan ang binata sa may pintuan.

Ilan sa mga gwardya ang nagmadali para hablutin ang binata.

Gayunpaman...

Mapangasar na tiningnan ng binata ang matipunong mga gwardya. Napangisi siya at patuloy lang na tumayo ng kalmado, "Kung gustong mawala ni chairman Chu ang money tree, sige kunin niyo ang mga gwardya para paalisin ako dito."

Nag-alala rin ang mahinhin na assistant sa gulong ito; naisip niya ang walang ingat niyang pagpasok ng kung sino man pagkatapos siyang pagalitan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kapayapaan nang makita niya ang maliwanag na itsura ng binata.

Para bang lumabas ang kahinaan ni Chu Hong Guang sa salitang "money tree" ng binata. Nagiba ang madilim niyang mukha at bago pa kunin ng mga gwardya ang binata, bigla niyang sinabi:

"Saglit----"

Mabilis na napahinto ang mga gwardya. Mas lalong nandilim ang itsura ni Zhou Wen Bin, mga mata niya'y binabalot ng pangangamba.

Seryosong tiningnan ni Chu Hong Guang ang binata, "Kaibigan, sino ka nga ba at may solusyon ka ba talaga sa problema no Han Xian Yu?"

"Tama iyon," gumalaw ang mga labi ng binata at kalmado siyang nagsalita, mas lalo siyang naging kaakit-akit.

Sa isipan nila, sikretong nabibighani ang ibang mga managers sa kagwapuhan ng binata; hindi nila maiwasang magtaka kung saan nanggaling ang gwapong bata na ito.

Medyo nalungkot si Chu Hong Guang, hindi niya kasi kayang mawala si Han Xian Yu. Kung may choice siya, hindi niya pipiliing tapyasin ang money tree niya. Kaya kahit katiting na pag-asa ay kukunin niya nang marinig niyang may solusyon ang binata. Sabik niyang tinanong, "Anong solusyon mo?"

Nandilim ang mga mata ni Zhou Wen Bin nang makita niya ang pagbabago ng isip ni Chu Hong Guang. Mabilis na bumaling ang kanyang mata sa binata.

Kapag pinatalsik na si Han Xian Yu, ang roles niya mapupunta sa artistang hawak ni Zhou Wen Bin. Kaparehas kasi ng mga roles ni Han Xian Yu ang ginagampanan ng artistang iyon, kaya pag napa-sakanya ang mga ito, malamang mabilis siyang sisikat at makikilala ang pangalan niya.

Matagal niyang hinintay ang oportunidad na ito para sirain ang reputasyon ni Han Xian Yu. Kaya bakit niya hahayaang sirain at kunin palayo sa kanya ang oportunidad na ito?

"Boss, hindi natin kilala ang taong ito. Bakit tayo magtitiwala sa kanya? Paano kung espiya siya ng Emperor Sky…"

Hinagod ng binata ang kanyang manggas nang marinig niya ito, ngumisi siya at sinabi, "Kung espiya ako ng Emperor Sky, nagpe-pyesta na sana ako ngayon; malamang wala akong oras para bisitahin ang kumpanya ninyo."

avataravatar
Next chapter