1174 Anong pinagkaiba niyan sa isang tupa na pumapasok sa lungga ng isang tigre

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Ye Wan Wan, "Tara. Bakit hindi tayo pupunta sa selebrasyon?"

Kailangan nilang gamitin ang oportunidad na ito para ayusin nila ang kanilang mga koneksyon.

Hindi sila pwedeng makipagsiraan sa Film Association.

Hindi nagdalawang isip na tumango si Ye Mu Fan. "OK! Umikot tayo, Dong Zai! Pupunta tayo sa selebrasyon!"

Dahan-dahan na umikot ang kotse at sinabi ni Ye Wan Wan, "Bagalan mo lang ang takbo mo. Mas importante ang seguridad natin."

Kailangan nilang pumunta doon pero kailangan maayos sila kapag nakapunta sila doon.

Nabalisa si Gong Xu nang marinig niya pupunta silang selebrasyon. "Saang party tayo pupunta?! Anong oras naman matatapos iyon?! Kailan ko makikita si Little Candied Plum? Ganito na lang–pumunta kayong lahat doon, tapos tutulungan ako ni Brother Ye na yayain si Little Candied Plum na makipag-date sa akin para makita ko siya!"

"Bawal."

"Bakit bawal?"

"..." Kasi hindi ko kayang ipaghiwalay ang katawan ko sa iisang lugar.

Tumawa ng malakas si Fei Yang at nangasar pa ito, "Bakit pa ba? Siyempre, ayaw ni Brother Ye na iwan ang kapatid niya sa iyo! Anong pinagkaiba nito sa paghatid sa isang kambing sa bahay ng mga tigre? Masyado kang delusyonal!"

"Kalokohan! Ganoon ba ako?"

"Ganoon ka talaga, okay? Maliban na lang kung bakla ka!"

"Ikaw ang bakla! Buong pamilya mo bakla! Si young master ang pinaka-matipunong lalaki na nakilala mo!"

Maingay na nagprotesta si Gong Xu sa buong biyahe nila pero wala siyang nagawa kung hindi sundin ang kanyang grupo papunta sa lugar ng selebrasyon.

Pagkadating nila sa entrance, nakita nila ang dalawang balisang staff members na tumitingin-tingin.

"Anong gagawin natin? Anong gagawin natin? Nandito na ba sila?" Isa sa kanila ang nagtanong.

"Wala pa sila!" Nagsalita ang lalaking basang-basa ng pawis dahil napuno ng taong naghihintay ang buong pasilyo.

"Tinawagan mo na ba sila? Sigurado ka ba na pupunta sila?"

"Sinabi na ng presidente na tinawagan na niya ang kumpanya nila!"

"Ah, sana makapunta sila! Kung hindi, nakakahiya talaga! Hinihintay sioa ng lahat sa loob! Ang laking kalokohan kapag hindi dumalo ang Best Actors at Best Actress!"

Agad na nagreklamo ang kasama niya, "Sarili mo lang dapat ang sinisisi mo! Bakit kasi ang sama ng ugali mo sa kanila noon?"

"P*ta! Bakit kasalanan ko pa? Pinapakinggan ko lang naman ang utos nila!"

Habang nagtatalo ang dalawa, may isang minibus ang nag-park sa malapit sa kanila.

Lumiwanag ang kanilang mga mata at lumapit kaagad sila sa grupo na iyon.

"Ah, nandito na pala kayo! Pasensya na at hindi kami lumabas para makipagkilala sa inyo, patawarin niyo sana kami! Pumasok po kayo kaagad!"

Si Ye Mu Fan ang unang lumabas ng van. Inayos niya ang kanyang kwelyo at nagkunwari siyang nangangamba. "Makakapasok ba kami kahit na wala kaming imbitasyon?"

Napahiya ang mga staff members. "Siyempre pwede kayong pumasok! Bakit kailangan pa ng grupo niyo ng mga imbitasyon?! Magpakita lang kayo! Sapat na ang presensya niyo sa selebrasyon!"

"Oo tama! Sapat na magpakita lang kayo!"

Tiningnan sila ng masama ni Ye Mu Fan, pero alam niya kung kailan niya kailangang tumigil. Binuksan niya ang likod na pintuan ng van.

Lumabas si Luo Chen sa van, at pilit na nilabas ni Fei Yang si Gong Xu pagkatapos niyang bumaba.

Hindi kaagad umalis si Han Xian Yu noong lumabas na siya. Nilagay niya ang kanyang kamay sa bubong ng van at tinulungan niyang lumabas si Ye Wan Wan. Pagkatapos ay tinulungan ni Ye Wan Wan na lumabas si Jiang Yan Ran.

Nagulat si Fei Yang sa naging kilos ni Han Xian Yu.

Eh, tinulungan niyang protektahan ang ulo ng dalawang lumabas…? Kailangan niya ba maging mabait?

Lalong lumaki ang mga mata ng staff member nang makita nila na unti-unting lumalabas ang Age of the Immortals. Hindi sila kumurap.

Sa isang saglit, ang hashtag na "Ang Dakilang Grupo ng mga Nakakaakit ng Tao" ay naging trending sa buong internet. Maingat silang minanmanan ng mga staff members dahil naging malakas ang epekto nila sa publiko.

Sa loob ng banquet hall, hindi mapanatag ang itsura ng mga senior management at organizers dahil madalas nilang tinitingnan ang entrance.

Bakit hindi pa sila nakakarating?

avataravatar
Next chapter