1030 Anong pagkakaiba nito sa pagnanakaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos maglaro sa duyan, kumilos si Ye Wan Wan at sinamahan sila Tantang at Great White sa kagubatan, namimitas ng mga kabute, mga prutas, at naghuhukay para sa itlog ng mga ibon.

Natatakot na baka gumawa nanaman siya ng gulo, hindi sila iniwan ni Si Yehan.

Nang makabalik sila kinagabihan, ang tatlong tao at isang puting tigre ay natatakpan ng mga damo at dahon.

Sinabihan ni Ye Wan Wan si Si Yehan na paliguin si Tangtang at pagpalitin ng damit habang nilabas niya ang kanyang telepon at kinuhanan ng litrato ang mga nakuha nila ngayong araw.

Habang masaya siyang kumukuha ng litrato, ilang mga balita ang lumabas sa kanyang screen.

"Isang dalubhasa sa martial arts ang biglang lumitaw sa lahat ng mga pangunahing outdoor obstacle course game show? Ano?

Eh, isang dalubhasa sa martial arts?

Hindi 'to maaari...

Pinindot ito ni Ye Wan Wan at nakita ang nakasulat sa balita: "Isang malakas na tao ang lumitaw sa iba't ibang international outdoor obstacle course reality telivision show, pati na rin sa 'The Merry Dash, 'The Amazing Race,''Charge on, Heroes,' at iba pa, natalo ang mga nakaraang rekord at nagtala ng mga hindi matatalong rekord."

Ang usapan sa baba ng artikulo ay binubuo ng:

"Kakaiba! Inabot lang siya ng 11 minuto para matapos ang Country M's 'The Amazing Race'? Tao ba siya?"

"P*tangina! Ginawa niya na parang isang lebel ang buong lupa at tinakbo ang lahat ng iyon, okay? Isa itong paglipol! Paano makakapaglaro ang ibang tao? Galing sila sa ibang mundo!"

"Talagang pinaghihilaan ko na retirado silang sundalo ng special forces! Hindi siya magiging ganito kalakas kung ganoon!"

"Para sa netizen sa itaas ko, nagbibiro ka ba? Anong klase ng tao ang mga sundalo ng special forces? Tingin mo ba sasali sila sa pambatang kompetisyon na gameshow?"

Nagdilim ang itsura ni Ye Wan Wan habang binasa ito. Si Nameless Nie-- ang tanga na iyon! Tama na. Ano pagkakaiba nito sa pagnanakaw?

Nanakit ang kanyang puso para sa crew ng palabas na ito...

Sa sandaling iyon, tumunog ang doorbell at binuksan naman ni Old Jiang ang pinto.

Bumalik si Old Jiang at nagtanong, "Master, bumili ka ng mga aparato?"

"Huh? Anong aparato? Hindi ako bumili ng kung ano!" litong sabi ni Ye Wan Wan.

Naguguluhan din si Old Jiang, "Si Mr. Si ang bumili? May tao sa labas na naghatid ng isang fridge, TV at air conditioner…"

"Huh? Hindi iyon binili ni Ah-Jiu. Bakit siya bibili ng mga ganitong gamit ng walang dahilan? Mapag-alinlangan na pumunta si Ye Wan Wan sa pinto at nakita ang naghahatid na lalaki na nilalagay ang ilang mga aparato sa harap ng pinto.

"Hindi ko binili ang mga ito. Nagkamali ka ba ng bahay?" tanong ni Ye Wan Wan sa lalaki.

Nilabas ng binata ang paktura at tinignan ito. "Hindi ikaw? Isang kliyente na ang apelyido ay Nie ang nagpadala nito dito…"

"Nie ang apelyido?"

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Si Nameless Nie ba ito?

Gayunpaman, bakit ito pinadala ng lalaki ang mga ito dito?

Habang naghihinala siya, tumunog ang kanyang WeChat notification.

[Nie Hollow Pit: Kapatid! Kapatid! Nakuha mo na ba ang fridge, TV, at air conditioner?]

Ang lalaking iyon nga talaga...

Sumagot si Ye Wan Wan: [Famous Ye: Pinadala mo ito dito? Bakit?]

[Nie Hollow Pit: 'Yan ang mga premyo na nakuha ko! (gloating.jpg)]

Hindi makaimik si Ye Wan Wan nang makita ang mapagmalaki at galak na emoji na pinadala ni Nameless Nie sa kanya.

Ngayon naalala niya na ang mga premyo sa palabas na ito ay hindi lang pero madami ding mga nag-sponsor na premyo tulad ng mga aparato at houseware.

"Miss, paano na ang mga ito?" tanong ng lalaki sa may pinto.

"Oo nga pala. Para sa akin 'yan." matapos na sinabi iyon ni Ye Wan Wan, kinuha niya ang paktura at pinirmahan ito bago pinabuhat kay Old Jiang at sa iba papasok sa loob.

Sumulyap si Ye Wan Wan sa mga premyo at umiling sa kaaliwan. Tumugon siya: [Famous Ye: Salamat, kuya.]

[Nie Hollow Pit: Walang anuman, walang anuman! Tutal pamilya naman tayo!]

Tumawa si Ye Wan Wan. Nalublob na ang lalaking ito sa karakter niya!

[Famous Ye: Linggo ngayon, kaya lumabas kami ni Tangtang buong araw. Nagalak naman si Tangtang.]

Pinadala ito ni Ye Wan Wan at masaganang sinama ang lahat ng litratong kinuha niya noong araw na iyon.

avataravatar
Next chapter