819 Anong klaseng kalokohan ito?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakasalubong ni Ye Wan Wan si Eleven nang napadaan siya sa may courtyard at bigla niyang napansin ang malalaking sugat sa mata at baba ni Eleven.

"Eh? Eleven, anong nangyari sa mukha mo?" Balisa siyang tinanong ni Ye Wan Wan.

"Uh, Miss Wan Wan…" biglang tinago ni Eleven ang kanyang mukha at napa-urong siya at sinabi. "Wa… wala…"

Matalas ang pagkatitig sa kanya ni Ye Wan Wan. "Paano naging wala ito? Sinong bumugbog sayo? Naghahanap na naman ba sila ng gulo sayo?"

Nasamid si Eleven. "Hindi, wala, wala talaga ito, humampas lang ako sa pader.."

Ye Wanwan: "Huh?"

Humampas ka sa pader, pero ang lala ng mga sugat mo?

Nakikipagusap pa si Ye Wan Wan kay Eleven nang biglang napadaan rin si Feng Xuan Yi sa likod ni Eleven, ang mukha niya ay namamaga at punong-puno ito ng sugat.

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Eleven at pagkatapos ay tiningnan naman niya sj Bulol, kaya hindi niya pinaniwalaan ang sinabi nito. "Ano naman ang nangyari kay Feng Xuan Yi?"

Nabigla si Feng Xuan Yi at napakurap siya. "Uh… na… na… natamaan ko yung pader… kasama ko si… Eleven…"

Biglang sumabad si Eleven, "Tama, nakita ko ang pangyayari na iyon!"

Walang masabi si Ye Wan Wan. "... Anong panibagong kalokohan na naman ang nilalaro niyo, huh?"

Feng Xuanyi: "…"

Pinunasan ni Eleven ang kanyang pawis: "..."

Ayaw na rin namin itong laruin...

Habang kumakain ng hapunan si Ye Wan Wan at si Si Ye Han, patuloy na iniisip ni Ye Wan Wan ang pamangkin ni Nameless Nie na nawalan ng mga magulang.

Inisip ito ng maigi ni Ye Wan Wan. Sa kondisyon ng katawan ngayon ni Si Ye Han, imposible na makagawa pa sila ng kanilang anak. Hindi kakayanin ng katawan niya ang sex, paano pa kaya magkakaroon sila ng anak?

Masyadong mababa ang posibilidad na si Si Ye Han, na hindi pumapantay sa lebel ng isang normal na tao, na maging stay-at-home dad. At parang sinusuntok na rin ni Ye Wan Wan ang mga sugat ni Si Ye Han, lalo na sa sitwasyon na ito, hindi ba?

Uh, maghahanap na lang ako ng ekstra at iyon na lang ang gagamitin ko...

Ang titig ni Si Ye Han ay parang nakakabasa ng isip ng tao, habang tinititigan niya si Ye Wan Wan na kinakagat-kagat ang kanyang mga chopsticks. "Anong nasa isip mo?"

"Huh?" Para bang iluluwa ni Ye Wan Wan ang pagsisi niya, "Wala! Wala naman, iniisip ko lang kung kailan ka gagaling at kung kailan ulit tayo mag-se-sex?"

*Cough…* nabilaukan si Si Ye Han.

Tinapik ni Ye Wan Wan ang likod ni Si Ye Han. "Okay ka lang?"

Uh… kakaiba talaga na makita na mawalan ng composure si Si Ye Han...

Napagtanto niya na lalo siyang natutuwa sa pangangasar niya kay Si Ye Han, kaya natural na lamang itong lumalabas sa kanyang bibig. Anong mahika ito?!

Mabilis na bumalik ang kalmado at panatag na ekspresyon ni Si Ye Han. "Kainin mo ang pagkain mo."

"Oh, okay!" Hindi niya ito kasalanan at ayon nga sa isang kasabihan, "Kapag nakakain ng mainit ang isang tao, umaangat ang sexual desires nito."

"Kamusta ang trabaho?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.

Hindi siya tinatanong ni Si Ye Han tungkol sa kanyang trabaho kaya kakaiba talaga ito.

Siguro dahil alam niya ang mga pagbabago sa kumpanya…?

Pinaliwanag ni Ye Wan Wan sa kanya ang sitwasyon nila, "Pamangkin ni Chu Hong Guang si Cai Yong Sheng at matibay ang sumusuporta sa kanya, hindi ko siya kayang pigilan kung gusto niyang makuha ang kumpanya. Inasahan ko nang mangyayari ito, hindi ko maiwasan na masaktan kapag nakikita kong tinatapakan niya ang pinagtrabahuan ko… alam ko naman na kailangan kong pagdaanan ito…"

Noong una, malinaw ang goal niya noong pumasok siya sa Dazzling - maihahalintulad sa isang bagong baranggay ang Dazzling at ito ay ang lugar na makukuhanan niya ng kakayanan, dito rin niya mapapalawak ang kanyang mga koneksyon. Alam niya rin na kailangan niyang iwan ang lugar na ito sa hinaharap.

Walang pakialam siyang tiningnan ni Si Ye Han. "Meron siyang… matibay na sumusuporta?"

Kinindatan at tumawa si Ye Wan Wan kay Si Ye Han. "Hindi kaya; wala ang sumusuporta sa kanya sa sumusuporta sa akin!"

avataravatar
Next chapter