247 Anong karapatan mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napahinto si Ye Mu Fan sa pananalita, "Wag mo akong pakialaman! Buhay ko ito!"

Mabilis na binalot ng apoy ang mga mata ni Ye Wan Wan, "Alam ba ni Ye Wan Wan na wala kang kwenta at isa kang batugan na buong araw na walang ginagawa?"

Dahil pinalaking mayaman si Ye Mu Fan at siya lang ang iisang lalaking apo sa kanilang pamilya, sobra siyang spoiled kaya naging komportable siya at hindi na siya nagkaroon ng gana para ayusin ang sarili. At saka, isa siyang hedonistic-- natutuwa siyang sumasama sa masasamang tropa at mahilig din siyang makipag-away, mag-racing, makipagpustahan, makipaglandian sa iba't-ibang babae at parating rin siyang nag-gagala.

Pero hindi makakaila ang kagwapuhan ni Han Xian Yu at maayos pa siyang makipag-usap sa lahat ng tao. Mabait rin siya sa kanyang kapatid na babae--hindi niya nakakalimutan na magkaroon ng regalo para sa kanya, kahit saan pa siya pumunta. Isang tawag lang ng kanyang kapatid na babae at mabilis niyang ibibigay ang mga regalo sa kanya, kahit marami pa siyang ginagawa.

Naiinis si Ye Wan Wan sa kanyang kuya dahil wala siyang ambisyon--noong nasira ang pamilya nila, sumuko siya sa kanyang sarili at hindi na siya muling nagtrabaho kahit pa makakatulong ito sa kanila.

Tulad ng inaasahan, nanlamig ang boses ni Ye Mu Fan dahil sa sinabi ni Ye Wan Wan, "Wag mong binabanggit si Shen Meng Qi para takutin ako dahil para sa inyo, isa akong walang kwentang basura. Wag mong itulad sayo si Meng Qi; hindi niya ako hinuhusgahan sa kahit anong gawin ko! At kahit kailan hindi nanliit ang tingin niya sa akin!"

"Dahil wala siyang pake sayo! Bobong t*nga ka!" Hindi nakapagtimpi si Ye Wan Wan kaya nagsisigaw siya.

Nagambala si Ye Mu Fan dahil sa pinagsasabi ni Ye Wan Wan, napangisi siya at sinabi, "Tsk tsk, bobo ako sa tingin mo? Sa tingin mo batugan ako na walang ginagawa buong araw? Anong karapatan mong husgahan ako? Alam mo ba kung bakit nagkaganito ang pamilya natin? Alam mong pahamak si Gu Yue Ze, ang Gu Yue Ze na sinusundan mo na parang walang utak na aso? Sino sa ating dalawa ang asal hayop ngayon?"

Nanginig si Ye Wan Wan sa pagpapagalit ni Ye Mu Fan. Humigpit ang kanyang kamao hanggang sa mag-marka ang daliri sa kanyang palad, "Ako… ako ang bobo! Ako ang walang kwenta! Ako ang tamad na buong araw walang ginagawa! Ako ang sumira ng Ye family! Ako ang sakim na humiwalay kay mama at papa!

Pero ako rin ang niloko at sinisi! Hindi ako nag-do-droga! Hindi rin ako nakikisabay sa sistema ng mga tao! Naniniwala ka na ba sa akin?

Nilagay ako sa lugar na iyon, puno ako ng takot. Hindi ako pwedeng makipag-usap sa mundo; hindi ko matawagan si papa o mama, hanggang sa nakawala ako. Naging magulo ang buhay ko--iniwan ako ng mga kaibigan ko, hiniwalayan ako ng aking fiancé, at laging pinapagalitan at pinupuna si papa nila lolo't lola. Natandaan mo yung trato mo sa akin? Pinagmumura at hinuhusgahan mo ako parati, at babanggitin ko pa yung pagsampal mo sa akin?!

Pero ge ge… nakakulong ako, asan ka noon? Nung tinurukan ako ng droga ni Ye Yiyi, nasaan ka?

Dalawang taon akong mag-isa sa mundo. Napahinto ka ba at naisip kung anong pinagdaanan ko? May natitira ka pa bang malasakit sa akin? Ikaw… anong karapatan mo para husgahan ako, Ye Mu Fan?"

Unti-unting nalulungkot ang boses ni Ye Wan Wan, habang sinasambit niya ang huling dalawang salita.

Binalot ng matagal na katahimikan ang tawagan nila nang biglang sumagot ang nagagalit na boses, "A… alam mo…"

Pinigilan ni Ye Wan Wan ang naiiyak niyang boses at emsyonal siyang sumagot, "Masyado ako naging bobo kaya nahulog ako sa patibong nila...masyado ako naging arogante kaya lagi kong winawasak ang puso ni mama at papa… naging mahina ako kaya kinailangan nilang mag-sakripisyo para lang maprotektahan ako…"

Ako ang dahilan kung bakit nasira ang reputasyon nila at naubusan sila ng grasya dahil sa ka-ka-protekta sa akin… ako ang dahilan kung bakit napilitan silang tumira sa ibang bahay at magtiis sa pangungutya at sakit na dinadanas nila ngayon...

Nabubuhay ako ng maayos at walang kaalam-alam habang ako ang may kasalanan kung bakit sila naghihirap...

Pero hindi ko alam… hindi ko alam ang nangyayari… walang nagsabi sa akin… hindi ko naisip na ang kabobohan at pagiging ignorante ko ay makakasakit ng mga taong mahal ko...

Nagulat si Ye Mu Fan, "Paano mo nalaman? Sinabi ba ni papa at mama sayo? Hindi pwede… imposible… hindi nila sasabihin 'yon sayo…"

"Hindi importante kung paano ko nalaman. Ye Mu Fan, kung ipagpapatuloy mong sayangin ang buhay mo at patuloy kang makikinig sa hindi natin pamilya, bahala ka na. Sa susunod, ako na ang magpo-protekta kay mama at papa. Ipaghihiganti ko ang Ye Family!" Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag at hindi na niya hinintay ang sagot ni Ye Mu Fan.

...

avataravatar
Next chapter